Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 1

From Baka-Tsuki
Jump to: navigation, search

Kabanata 1

Isang kulay abong ispada ang humiwa sa akin.

Ang manipis na linya sa kaliwang taas na sulok ng aking paningin ay bahagyang nabawasan. Kasabay noon,isang malamig na kamay ang dumaan sa aking puso.

Ang asul na linya -tinatawag ding "HP bar"- ay nagpapakita ng natitirang pwersa ng aking buhay. Meron pa itong mahigit 80 porsyentong natitira. Hindi, ang pagaakalang iyon ay di tama, Dahil sa kasalukuyan, ako ay 20 porsiyentong mas malapit sa kamatayan.

Mabilis akong umatras bago pa magsimulang gumalaw ang ispada ng kalaban para umatake.

"Haaa..."

Pinilit kong magpalabas ng malakas na hininga para maayos ko ang aking sarili. Ang «katawan» sa mundong ito ay di na nangagailangan ng 'oxygen'; pero ung katawan sa kabila, o yung katawan na nakahiga sa totoong mundo, ay maaaring humihinga ng mabigat. Maaari ring basa sa pawis ang aking kamay, at ang pintig ng aking puso ay malayo sa normal.

Malamang.

Kahit na lahat ng nakikita ko ngayon ay walang iba kundi isang 'Birtuwal na Realidad sa Ikatlong Dimensyon', at yung 'bar' na nababawasan ay walang iba kundi mga numero na nagpapakita ng aking 'hit points', ang katotohanang ako ay nakikipaglaban para sa aking buhay ay hindi nagbabago.

Pag inisip mong ganoon nga, sobrang hindi patas ang laban na ito. Dahil sa ang «kalaban» na nasa harap ko -isang mala-tao na may kumikinang na mga braso at balot ng berdeng mga kaliskis at ulo't buntot ng isang bayawak- ay hindi tao, ni hindi masasabing talagang may buhay. Isa lang yong 'digital' na basura na mapapalitan lang ng sistema kahit ilang beses pa siyang mapatay.

-Hindi.

Ang AI o 'Artificial Intelligence' na nagkokontrol sa galaw ng 'taong-bayawak' ay pinag-aaralan ang mga galaw ko at pinapabuti ang kanyang abilidad na tumugon doon sa bawat segundong dumadaan. Gayunman, kapag ang sandaling ang isang ito ay nasira, ang datos ay mauulit at hindi maipapasa sa susunod na mabubuhay muli dito sa lugar.

Kaya sa isang banda, ang taong-bayawak na ito ay buhay din, isang nilalang na dito lang sa mundong ito makikita.

"...tama?"

Imposibleng maintindihan niya ang salitang binigkas ko sa aking sarili, pero ang taong-bayawak (isang Level 82 na halimaw na tinatawag na «Lizardman Lord») ay sumutsot at ngumiti, pinapakita ang matutulis niyang pangil na nakaluwa mula sa kanyang mahabang panga.

Ito ay katotohanan. Lahat ng nandito sa mundong ito ay totoo. Walang 'virtual reality' o huwad na kahit ano.

Inilipat ko ang aking pang-isang kamay na mahabang ispada sa aking kanang kamay na nakapantay sa aking baywang at pinagmasdan ang kalaban.

Inilipat ng taong-bayawak ang kanyang kalasag sa kaliwang kamay at ibinalik ang 'scimitar' (isang uri ng espada) sa kanyang kanan.

Isang malakas na hangin ang umihip sa mapanglaw na 'dungeon' at ang apoy sa sulo ay gumalaw. Ang basang sahig ay pinabanda ang pupundap-pundap na ilaw ng sulo.

"Kraaah!"

Sa isang malakas na sigaw, tumalon pasugod ang taong-bayawak. Ang kanyang 'scimitar' ay gumuhit ng isang matulis na arko nang ito ay lumipad patungo sakin. Ang nakakabulag na kahel na ilaw ang nagpaliwanag sa galaw nito; isang mataas na klaseng 'one-hit sword skill' ng pakurbang espada «Fell Crescent». Tamang-tama iyon sa mga pasugod na tipo na kakayahan sa espada na sumasakop sa distansyang 4 na metro sa loob lamang ng 0.4 na segundo.

Pero, inaasahan ko na ang atakeng iyon.

Dahan-dahan kong pinalaki ang distansya para magawa ng AI ang ganitong sitwasyon. Lumapit ako sa taong-bayawak, nakarehistro sa utak ko ang nag-aapoy na amoy ng 'scimitar' na naiwan ng hiwain nito ang hangin ilang sentimetro sa harap ng aking ilong.

"..Ha!"

Sa isang maiksing sigaw, Iwinasiwas ko ang aking ispada pahalang. Ang espada, ngayon ay nababalutan ng kulay bughaw na ilaw ay humiwa patungo sa manipis na tiyan at ang maliwanag na pulang ilaw ay kumalat imbes na dugo. Nagkaroon ng mahinang sigaw, isang ungol.

Subalit, hindi tumigil ang aking espada. Tinulungan ako ng sistema patungo sa nakaprogramang galaw at sinundan pa ng isang hiwa na may bilis na imposibleng magawa ng normal na tao.

Ito ang pinakaimportanteng elemento sa laban sa mundong ito, ang «Sword Skill».

Bumilis ang paghiwa ng espada sa kaliwa at kanan diretso sa dibdib ng taong-bayawak. Sa ganoong estado, umikot ako at ang pangatlong saksak ay mas bumaon sa kanya kaysa sa mga nauna.

"Raargh!"

Nung oras na makabawi ang taong-bayawak sa pagkakahilo dahil sa hindi tumama ang kanyang malaking atake, sumigaw ito ng may galit o marahil takot, at itinaas ang kanyang 'scimatar' ng mataas.

Pero ang aking atake ay hindi pa tapos. Ang espada na naiwasiwas sa kanan ay bumalik, na para bang may kuwerdas, pakaliwa at pataas at tumama sa puso - isang kritikal na parte.

Ang kulay bughaw na nailabas mula sa aking apat na magkakasunod na atake ay kumislap at kumalat; isang pahalang, 4 na sunod na atake na 'Kakayahan', «Horizontal Square».

Ang malinaw na ilaw ay nagliwanag ng malakas sa 'dungeon' at nawala. Kasabay noon, ang 'HP bar' sa taas ng ulo ng taong-bayawak ay nawala kahit na maliit na tuldok ay di na makita.

Ang malaking katawan ay bumagsak, na nag-iwan ng mahabang bakas, at biglang huminto-

Kasabay ng tunog na parang nabasag na salamin, ang katawan ay nagkahiwa-hiwalay sa maliliit na parte.

Ito ang «Kamatayan» sa mundong ito. Ito ay madalian at maiksi, isang perpektong pagkasira, ni hindi mag-iiwan ng anumang bakas.

Tinignan ko ang birtwal na 'experience points' at ang mga nahulog na gamit na aking nakuha, nagpakita na sa kulay lila na sulat sa gitna ng aking paningin, iwinasiwas ko muna ang aking espada pakaliwa't kanan bago ibinalik sa kanyang lalagyan na nasa aking likod. Umatras ako ng konti at dahan-dahang umupo habang nakasandal sa pader ng 'dungeon'.

Inilabas ko ang hininga na kanina ko pa iniimpit at ipinikit ko ang aking mga mata. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko, siguro dahil sa pagod sa mahabang labanan. Inalog ko ang aking ulo ng ilang beses para tanggalin ang sakit at ibinukas muli ang aking mata.

Ang kumikinang na orasan sa ibabang kanan ng aking paningin ay pinapikita na lagpas alas-3 na ng hapon. Dapat na akong lumabas at baka hindi ako makaabot sa siyudad bago magdilim.

"..Magsimula na kaya ako?"

Walang ibang makakarinig noon, pero nagsalita ako at dahan-dahang tumayo.

Tapos na akong gumawa ng progreso sa araw na ito. Nakaligtas na naman ako sa kamay ng kamatayan ngayong araw. Pero pagkatapos ng konting pahinga, magkakaroon na naman bukas ng marami pang labanan. Kapag lumalaban na walang 100% ang tsansa mong manalo, kahit gaano pa karami ang baon mong 'safety nets', darating ang araw na babagsak at iiwanan ka ng iyong swerte.

Ang problema ay kung ang larong ito ay ma-«cleared» o hindi bago ko ilabas ang huli kong alas.

Kung mas pinahahalagaham mo ang iyong buhay ng higit sa iba, pananatili sa isang bayan o paghihintay na matapos ng iba ang laro ang pinakamatalinong daan na dapat mong gawin. Pero ako ay pumupunta sa unahang hanay araw-araw, mag-isa. Isa lang ba akong simpleng adik sa VRMMO(Virtual Reality Massively Multiplayer Oriented) na nagpapataas ng kanyang 'stats' mula sa di mabilang na laban, o-

Isa lang akong mangmang na naniniwalang maipapanalo ko ang kalayaan ng lahat ng tao sa mundong ito gamit lamang ang espada.

Nang magsimula akong maglakad patungo sa pasukan ng 'dungeon' o 'labyrinth, na may ngiti ng pag-alipusta sa sarili, naalala ko ang araw na iyon.

Dalawang taon na ang nakararaan.

Ang sandali na kung saan ang lahat ay natapos.. At nagsimula.


Bumalik sa Ilustrasyon ng Nobela Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 2