Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 2

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 2

"Ahh... ha... uwahh!!"

Walang hinahati ang iwinawasiwas na ispada kasabay ng sigaw na iyon, kundi ang hangin.

Pagkatapos nun, ang asul na baboy-ramo (na gumagalaw ng mabilis sa kabila ng laki nito) ay mabangis na sumugod sa umaatake dito. Napatawa ako ng malakas, habang pinapanuod siyang lumipad sa ere at gumulong sa burol ng tamaan ng patag na ilong ng baboy-ramo.

"Hahaha... hindi ganyan. Pinakamahalaga ang unang galaw, Klein."

"Argh.. ang baboy na yan!"

Ang nagrereklamong manlalaro, isang party member(termino sa mga Online games=kasapi sa grupo) na tinatawag na Klein, ay tumayo at tumingin sa akin.

"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."

Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis na katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalang, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karakter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.

Nag-umpisang manginig ang mga binti niya..

"Parang nahihilo na siya ah."

Pumulot ako ng bato sa paanan ko at itinaas yun sa ibabaw ng aking braso. Sa sandali na makuha ng sistema ang unang galaw ng isang sword skill, ang bato ay magsisimulang maglabas ng berdeng ilaw.

Pagkatapus noon, ang kaliwang kamay ko ay halos gumalaw mag-isa na nagpalipad sa bato, habang gumuguhit ng isang diretsong linya ng ilaw, tinamaan ang baboy sa pagitan ng kanyang mga kilay. *Ggiik!* Napaungol ang baboy ramo sa galit at saka humarap sa akin.

"Talagang gumagalaw sila, hindi naman sila laruan lang. Pero kapag nasimulan mo ang unang galaw, ang sistema na ang kusang magpapagalaw sayo para matamaan ang inaasinta mo.

"Galaw... galaw..."

Habang binubulong yon na parang orasyon, itinaas ni Klein ang kutsilyo na nasa kanang kamay niya.

Bagaman ang asul na baboy-ramo, na ang totoong pangalan ay «Frenzy Boar», ay isang Level 1 na halimaw lamang. Halos kalahati na ang nabawas sa HP ni Klein mula sa mga ganting-pagsalakay ng baboy-ramo dulot ng kanyang basta-bastang pagsugod. Pero kahit naman na mamatay siya ngayon ay mabubuhay ulit siya sa «Starting City» malapit dito, pero ang pagpunta pabalik dito ay medyo nakakainis.

Mukhang isang pag-atake nalang ang natitira bago matapos ang laban.

Biniling ko ang aking ulo kasabay ng pagsangga gamit ang aking ispada sa kanang kamay sa pagsugod ng baboy ramo.

"Hmm, paano ko ba ipapaliwanag... Hindi siya isa, dalawa, tatlo, tapos hampas. Dapat para ka lang nag-iipon ng enerhiya tapos, sa oras na maramdaman mo na nag-umpisa na yung Skill, maririnig mo nalang ang BAM at mararamdaman mong tinamaan nga yung halimaw.

"Bam, eh?"

Nagbago ang medyo gwapong mukha ni Klein na parang naguguluhan, ipinantay niya ang kanyang ispada sa kanyang balakang.

Inhale, exhale; pagkatapos ng malalim na paghinga, ibinaba niya ang kanyang tindig at iniangat ang ispada na para bang ipapatong niya ito sa kanyang balikat. Sa oras ding yun, nakuha ng sistema ang tamang ayos at nagsimulang kuminang ng kulay kahel ang ispada niya.

"Ha!"

Kasabay ng mahina niyang sigaw, tumalon siya kasabay ng paggalaw na malayo sa ginagawa niya kanina.

*Swish-!* Sa ganyang tunog, gumuhit ng pulang linya ang ispada niya sa hangin. Ang «Reaver», isang panimulang kakayahan ng mga one-handed curved sword, ay tumama sa leeg ng baboy-ramo na pasugod na rin dapat at umubos sa natitira nitong HP, na halos kapareho kay Klein, mahigit kalahati pa.

"Guekk-" yan ang nakakaawang iyak ng baboy, kasabay ang pagkabasag ng katawan nito na parang salamin at ang kulay lilang mga numero ay lumabas, pinapakita kung gaano karaming virtual experience points ang nakuha ko.

“Ye~~a~~h!”

Nag-pose si Klein na may malaking ngiti kasabay ng pagtaas sa kaliwang kamay niya na para bang nanalo sa isang contest. Nakipag-apir ako sa kanya at ngumiti.

"Congrats sa unang panalo mo... pero ang baboy-ramo na yun-ay kasing lakas lang ng mga slimes sa ibang laro."

"Eh, talaga? Akala ko isa na yun sa mga semi-boss o yung iba pa"

"Malabo."

Medyo pilit ang ngiti ko sa kanya nang ibinalik ko ang aking ispada sa lalagyan.

Kahit na inaasar ko siya, naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.Dahil mas may experience ako sa kanya ng 2 buwan, ngayon niya lang nararamdaman ang saya ng pagtalo sa kalaban.

Nagsimulang ulit-ulitin ni Klein ang sword skill na ginamit niya kanina habang sumisigaw, siguro pinagsasanayan niya. Iniwan ko siyang mag-isa at tumingin sa paligid.

Ang walang-hanggang kapatagan ay nagbibigay magandang kulay pulang tanawin nang magsimula ng lumubog ang araw. Sa bandang hilaga, merong makakapal na gubat, kumikinang na ilog sa timog, at nakikita ko ang mga haligi na pumapaligid sa siyudad sa silangan. Sa kanluran, naroon ang walang-hanggang kalangitan na mayroong mga kulay gintong mga ulap na lumulutang.

Nasa kapatagan kami na nasa bandang kanluran ng «Starting City», na nakalagay sa dulong hilaga ng unang palapag ng napakalaking lumulutang na kastilyo—«Aincrad». Malamang, maraming manlalarong nakikipaglaban din sa mga halimaw sa paligid namin, pero dahil sa sobrang laki nito, wala kahit isa ang nakikita ko.

Sa wakas mukhang nakuntento na, nilagay na din ni Klein ang ispada sa lalagyan at tumingin din sa paligid.

"Pero totoo... kahit ilang beses akong tumingin sa paligid, di ako makapaniwala na ito talaga ang «loob ng laro»."

"Well, kahit naman na sabihin mong 'nasa loob', di naman ibig sabihin na pati kaluluwa natin ay nandito din o anu pa man. Ang utak lang natin ang nakakakita at nakakarinig sa halip na mga mata at tenga natin... mula sa mga signals ng «Nerve Gear» na nagpapadala," sinabi ko kasabay ng pagkibit-balikat.

Lumabi si Klein na parang isang bata.

"Maaaring sanay ka na dito ngayon, pero para sakin first time kong mag-«FullDive»! Di ba ang galing? Totoo... ang swerte ko dahil pinanganak ako sa ganitong panahon!"

"OA ka na."

Pero kasabay ng pagtawa ko, sang-ayon ako sa kanya.

«Nerve Gear».

Iyan ang pangalan ng hardware na nagpapatakbo sa VRMMORPG na ito-«Sword Art Online».

Ang panimulang ayos ng makinang ito ay ibang-iba sa mga nauna.

Kumpara sa mga makalumang hardware tulad ng flat screen monitors o hand-held controllers, Isa lang ang gamit ng Nerve Gear: isang mala-maskara na nagtatakip sa buong ulo at mukha.

Sa loob, merong napakaraming signal transceivers. Sa paggamit ng electronic signals na pinapadala ng mga transceivers na yon, naa-access nito ang utak ng tao. Hindi ginagamit ng manlalaro ang kanyang mata o tenga para makakita o makarinig, dumidiretso ang mga signals sa utak. At saka, hindi lang ang paningin at pandinig ang naa-access ng makina, pero pati: pandama, panlasa, at pang-amoy sa madaling salita, lahat ng limang pang-unawa.

Pagkatapos isuot ang Nerve Gear, ila-lock ang strap sa ibaba ng inyong baba, at pagsasabi ng pasimulang utos («Link Start»), lahat ng ingay ay mawawala at mapupunta ka sa kadiliman. Sa oras na dumaan ka sa kulay bahagharing bilog sa gitna, nasa ibang mundo ka na, na gawa halos lahat mula sa mga datos.

Kaya...

Kalahating taon ang nakararaan, ang makinang ito ( na nagsimulang ibenta noong Mayo, 2022) ay matagumpay na nakalikha ng isang «Virtual Reality». Ang kumpanya ng mga elektroniko na lumikha sa Nerve Gear ay tinawag na tulay patungo sa birtwal na riyalidad.

«FullDive».

Ito ang buong pag-iisa mula sa riyalidad, na umuukol sa salitang 'puno'.

Ang dahilan dito ay dahil sa ang Nerve Gear ay hindi lamang nagpapadala ng pekeng signal sa limang pang-unawa, hinaharangan din nito at iniiba ang daloy ng utos na pinapadala ng utak sa katawan.

Matatawag itong pangunahing pangangailangan para makagalaw ng malaya sa birtwal na riyalidad. Kapag ang katawan ay nakatanggap ng signal mula sa utak na ang gumagamit ay nasa Fulldive ang sandali na mapagpasyahan ng gumagamit na «tumakbo», ang totoong katawan ang tatakbo patungo sa pader.

Dahil ang Nerve Gear ay kayang baguhin ang utos na pinapadala ng utak mula sa gulugod, si Klein at ako ay kayang pagalawin ang karakter namin ng malaya at maiwasiwas ang ispada namin sa paligid.

Nasa loob na talaga kami ng laro.

Ang epekto ng ganitong karanasan ay pumukaw sa akin at sa maraming pang manlalarong katulad ko, na umabot sa puntong sigurado kaming di na kami babalik sa mga lumang controllers at motion sensors.

Nakatitig si Klein sa hangin na dumadaan sa kapatagan at sa haligi ng kastilyo mula sa malayo na may luha sa mga mata niya.

"Edi, SAO ang unang laro para sa Nerve Gear ang nalaro mo?" tanong ko.

Si Klein, na mukhang kalmadong gwapong mandirigma mula sa panahon ng Sengoku, ay lumingon sa akin at tumango.

"Oo."

Kung seryosong ekspresyon ang pinakita ng mukha niya, masasabi kong magiging isa siyang magaling na aktor sa isang makasaysayang palabas. Pero ang totoo, ibang iba ito sa totoong katawan niya sa totoong mundo. Karakter lamang yun na gawa mula sa wala, base sa pagpili sa listahan ng mga opsyon.

At syempre, mukha akong gwapong bida sa isang pantasyang palabas.

Tinuloy ni Klein mula sa kanyang mababang boses, na siguradong iba rin sa totoo niyang boses sa tunay na mundo.

"Well ang totoo nito, sinwerte lang ako na makabili ng hardware nitong SAO. Sampung libo lang daw ang unang ibebenta, kaya sa tingin ko sobrang swerte ko talaga.... At kung iisipin ko, sampung beses kang mas swerte sakin dahil napili ka para sa beta testing. Isang libo lang ang pinili nila!"

"Ah.. oo. Siguro."

Nanatiling nakatitig sa akin si Klein. Napakamot nalang ako ng ulo.

Naalala ko yung kasabikan nang ibalita ng mga mamamahayag na nalikha ang «Sword Art Online» na parang kahapon lang nangyari.

Nagawa ng Nerve Gear ang panghinaharap na pundasyon ng paglalaro dahil sa Fulldive. Gayunman, dahil sa pagbabago ng aktwal na makina, tanging mga hindi kapansin-pansin na titulo ang lumabas para sa importanteng software. Lahat yun ay puzzles, kaugnay sa edukasyon, o pangkapaligirang tipo ng laro; na nagdulot ng kasawaan mula sa mga adik sa laro tulad ko.

Nakakagawa talaga ng birtwal na riyalidad ang Nerve Gear.

Pero makakalakad ka lang ng 100 metro bago mo tamaan ang pader sa mundong yon, isa yung malaking pagtatanggi. Hindi talaga maiiwasan na ang mga hard core gamers katulad ko, ay nahigop na ng ganung karanasan ng pagiging nasa loob ng laro, at nagsimulang humanap ng ibang uri ng laro.

Naghihintay kami ng isang magandang laro, yung tipo na hahayaan na pumasok ang higit sa milyong manlalaro and umangat, makipaglaban, at mabuhay bilang isang karakter ng sarili nila-yun ang masasabing, isang MMORPG.

Nang ang antisipasyon at pananabik ay umabot na sa limitasyon, ay saktong inanunsyo ang pinakaunang VRMMORPG, «Sword Art Online». Ang entablado ng laro ay ang lumulutang na kastilyo na mayroong 100 palapag.

Nakatira ang mga manlalaro sa isang mundo na mayroong mga gubat at ilog, tanging ang ispada lang ang kanilang inaasahan para madiskubre ang ruta paakyat sa mas mataas na palapag, pumatay ng di mabilang na halimaw, at makagawa ng daan patungo sa pinakatuktok.

«Magic», itinuturing na pinakamagandang parte ng mga fantasy MMORPGs, ay hindi isinama sa sistema. Ang halos walang katapusang bilang ng mga kakahayan, tinatawag na «Sword Skills», ay nagawa. Kasama talaga sa plano na hayaan ang mga manlalaro na madama ang pakikipaglaban gamit ang kanilang katawan sa pamamagitan ng Fulldive hangga't maaari.

Iba-iba ang mga kakayahan, kasama na ang lumilikhang kakayahan (tulad ng pagpapanday, paggawa ng katad, at pananahi) at pang araw-araw na kakayahan (tulad ng pangingisda, pagluluto, at pagtugtog), na hinahayaan ang manlalaro na hindi lang maglakbay sa malaking laro kundi ang talagang «manirahan» dito. At kung gusto nila, o kung mataas na ang kanilang skill levels, maaari silang bumili ng bahay at mabuhay bilang pastol.

Habang ang mga impormasyon ay unti-unting masiwalat, ang kasigasigan ng manlalaro ay lumalaki.

Isang libong manlalaro lang ang pinili para sa beta testing. Sinasabing isang daang libo, halos kalahati ng mga bumili ng Nerve Gear ng panahong yun, ang nagboluntaryong maging tester. Swerte lang kaya ako napasama sa isang libong yun. Nagkaroon din ng bonus ang mga beta tester na maka-order agad ng laro.

Ang dalawang buwan ng beta testing ay parang isang panaginip. Sa eskwelahan walang katapusan kong iniisip ang aking skill set, mga gamit at mga bagay. Tumatakbo agad ako pauwi sa oras na matapos ang klase at maglaro hanggang madaling araw. Mabilis natapos ang beta test. Noong araw na ma-reset ang aking karakter, nakaramdam ako ng pagkawala ng aking ikalawang pagkatao.

At ngayon- Nobyembre 6, 2022, Linggo.

Ang «Sword Art Online», pagkatapos ng mahabang preparasyon, ay nagbukas na bandang ika-1 ng hapon.

At syempre, mahigit 30 minuto na akong naghihintay at nang sumapit ang ganap na ika-1 ng hapon ay wala ng pagdadalawang isip na ako'y nag-log-in. Nang tignan ko ang server, mahigit siyam na libo at limang daan na ang nakapasok. Mukhang lahat ng tao na sinwerteng makabili ng laro ay kapareho ng nararamdaman tulad ko. Lahat ng online shopping sites ay inanunsyong nabenta na lahat ng laro segundo pa lang ang nagdaan nang itinda yun. Sa offline sales, na nagsimula kahapon, ay nagbuo ng mahabang pila ng tao mula pa nung nakaraang apat na araw, na nagbigay ng magandang kita para sa tagapagbalita. Ibig sabihin, lahat ng tao na nakakuha ng kopya ng laro ay mga seryong adik sa laro.

Pinapakita rin ito ng mga kilos ni Klein.

Pagkatapos kong makapasok sa SAO, nagsimula akong tumakbo sa dati ko nang nakitang mga batong kalsada ng «Starting City», at dumiretso sa tindahan ng armas. Napagtantong isa akong beta tester ng nakita niya akong magsimula at tumakbo, sinundan ako ni Klein ng walang pag-aalinlangan. After I had logged onto SAO, I started running through the nostalgic stone paved roads of the

"Hey, turuan mo naman ako ng mga ibang bagay!" pagsusumamo niya.

Napaisip ako kung bakit ganun siya at nakuha pang mag-demand sa taong una niya palang nakita. Nawalan ako ng sasabihin, talagang nakakamangha.

"Ah, eh, sige... bakit di tayo pumunta sa tindahan ng armas?" sagot ko na parang isang NPC (Non Player Character). Nagtapos kami sa pagbuo ng party at sinimulan kong ituro sa kanya ang pangunahin sa pakikipaglaban. At yun ang nangyari kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Sa totoo lang, hindi ako gaanong nakikihalubilo sa ibang tao sa totoong buhay; sa laro, siguro medyo lang. Noong beta testing, nakakilala ako ng ilang tao, pero di ako nakikipaglapit sa kahit kanino na matatawag kong kaibigan.

Pero may pagkatao si Klein na magpapabago sayo, at hindi ko ito makita na hindi kumportable. Iniisip kong baka maging magkaibigan kami, binuka ko ang bibig ko.

"So.. ano nang gusto mong gawin? Gusto mo pa bang mangaso hanggang sa masanay ka?"

"Oo!.. ang gusto ko sanang sabihin, pero..."

Tumingin ang mga mata ni Klein sa bandang ibabang kanan ng paningin niya, tinitignan siguro ang oras.

"...well, kailangan kong lumabas at kumain. Um-order ako ng pizza para mamayang 5:30."

"Mabuti yun." sabi ko na nawalan ng iba pang sasabihin.

Tumayo ng tuwid si Klein.

"Yes!." sabi niya ng may pagmamayabang. "Nangako ako na makikipagkita sa iba kong kagrupo sa «Starting City» maya-maya. Pwede kitang ipakilala sa kanila at pwede ka nilang ilagay sa listahan ng mga kaibigan. Para mas madali tayong magkakausap. Ano sa tingin mo?"

"Err... hmmmm." naibulong ko.

Ayos lang kapag si Klein ang kasama ko, pero walang kasiguraduhan kung ganun pa din para sa mga kaibigan niya. Nararamdaman ko na malaki ang tsansa na hindi ako makabagay sa kanila at, ang kalalabasan, magiging ganun na din kay Klein.

"Kailangan ba...?"

Parang nahuhulaan ang naiisip ko, umiling si Klein.

"Ah, di kita pinipilit. Magkakaroon naman siguro ng pagkakataon na mapakilala kita sa kanila sa susunod."

"..Yeah. Patawad, at salamat."

Nang pasalamatan ko siya, umiling-iling lang si Klein.

"Hey, hey! Ako dapat ang nagpapasalamat sayo. Malaki ang naitulong mo sa akin. Mababayaran din kita. Promise!"

Ngumiti sa Klein at tinignan ulit ang oras.

"..Sige, log-out muna ako sandali. Maraming salamat, Kirito. Kita tayo maya."

Kasabay nun, nilagay niya ang kanyang kamay sa harapan para makipagkamay sa akin.. Sa oras na yun,naiisip kong isa siyang magaling na lider sa «ibang laro».

"Sige, kita nalang tayo."

Binitiwan namin ang kamay ng isa't isa.

Iyon ang punto kung saan ang Aincrad, o Sword Art Online, ay tumigil bilang isang masayang laro para sa akin.

Umatras ng kaunti si Klein, inilagay ang kanyang kanang hintuturo at hinlalaki nang sabay, at hinatak pababa. Iyon ang aksyon upang mabuksan ang «main menu window». Kalaunan pagkatapos, mayroong parang kalembang na tunog at may kumikinang na lilang parihaba na lumabas.

Lumayo ako ng konti, umupo sa bato, at binuksan ko din ang menu ko. Nagsimulang gumalaw ang mga daliri ko para iayos ang mga bagay na nakuha ko sa paglaban sa baboy-ramo na yun.

Tapos...

"Eh?" sabi ni Klein sa kakaibang tono. "Ano 'toh...? Wala yung log-out button."

Tinigil ko ang aking daliri sa paggalaw at tumingila sa kanya.

"Wala? Hindi yan, tignan mong mabuti." sabi ko na parang naguguluhan na din.

Binuka niyang mabuti ang mata niya at nilapit na mabuti ang mukha sa screen.

Ang parihaba, na mas malapad sa taas nito, ay maraming pindutan sa kaliwa at ang lalagyan ng kung anung gamit ang suot mo sa may kanan. Sa ilalim ng menu, ay naroon ang «LOG OUT» button na nagpapahintulot na makatakas ka sa mundong ito.

Nang ibinalik ko ang aking atensyon sa listahan ng bagay na nakuha ko sa loob ng ilang ng pakikipaglaban, nasimulang magsalita si Klein sa hindi karaniwang taas ng boses.

"Wala talaga dito, tignan mo rin Kirito."

"Sinasabi ko sayo hindi pwedeng malaya siya dito..." sabi ko na may buntong hininga nang pindutin ko ang ibabang button para bumalik sa menu screen.

Ang inventory window na nasa kanan ay sumara at ang main screen ay muling bumukas. Mula sa kaliwa, na kasalukuyan pang maraming bakanteng espasyo, ay mayroong mahabang pila ng mga buton.

Iginalaw ko ang kamay ko na medyo nasasanay na at...

Nanigas ang katawan ko.

Wala nga dito.

Tulad ng sinabi na Klein, ang buton na nandun lang noong beta test -hindi, kahit na noong pagkatapos kong mag-logged-on- ay nawala.

Napatitig ako sa bakanteng espasyo ng ilang segundo at tumingin ulit sa menu, naniniguradong hindi lang ito nag-iba ng posisyon. Tumingin si Klein na may "Tama?" na nakasulat sa mukha niya.

"...Wala diyan diba?"

"Oo, wala nga rito."

Tumango ako, kahit medyo nakakainis na sumang-ayon agad ako. Ngumiti si Klein at sinimulang himasan ang kanyang makapal na baba.

"well, unang araw palang naman kaya siguradon ang ganitong mga bug ay pwedeng mangyari. Siguro ngayon, baka umiiyak na ang mga GM sa dami ng mensaheng pumapasok sa kanila," kalmadong sabi ni Klein.

"Ayos lang ba sayo na tumayo ka lang diyan? Sabi mo ay um-order ka ng pizza, diba?" tanong ko na parang nang-aasar.

"Ah. Tama ka!"

Ngumiti ako habang pinapanood siyang tatalon-talon na parang bata.

Tinapon ko ang ibang gamit na di naman kailangan sa imbentaryo ko, na naging pula dahil sa dami ng gamit, at saka naglakad palapit kay Klein.

"Argh! Ang pizza ko at salabat...!"

"Bakit di mo tawagan ang GM? Baka matulungan ka nilang makalabas."

"Sinubukan ko na, pero walang sagot. 5:25 na! Oi, Kirito! Meron pa bang ibang paraan para makapag-log-out?"

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Klein, na kinakampay ang dalawa niyang braso...

"Nanigas ang kalamnan ko. Nakaramdam ako ng takot na dumaloy mula sa likod ko.

"Tignan natin... Para makapag-log-out..." sinabi ko habang nag-iisip.

Para makalabas sa birtwal na riyalidad na ito at makabalik sa kwarto ko, kailangan kong: buksan ang main menu, pindutin ang 'Log Out' button, at pindutin ang 'Yes' sa kwadrado na lilitaw sa kanan. Napakasimple lang nun. Pero... sa parehong oras, maliban sa mga panuto, hindi ko alam ang iba pang paraan para makapag-log-out.

Tumingala ako sa mukha ni Klein, na mas mataas kaysa sa akin, at saka umiling.

"Hindi... wala ng iba. Kung gusto mong mag-log-off, kailangan mong gamitin ang menu. Maliban dun, wala ng ibang paraan."

"Imposible yan... siguradong meron pang iba!"

Nagsimulang magsisigaw si Klein na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Return, Log-out, Escape!"

Pero tulad nun, walang nangyari. Walang voice commands sa SAO ayon sa deskripsyon nito.

Pagkatapos isigaw yun ni Klein at tumalon-talon, kinausap ko siya.

"Klein, walang magagawa yan. Kahit ang manwal ay walang panuto kung anung gagawin sakaling magkaroon ng emergency."

"Pero... isa tong kalokohan! Kahit na bug toh, hindi ako makabalik sa kwarto at sa katawan ko kahit gusto ko!" sigaw ni Klein na may takot nang ekspresyon sa kanyang mukha.

Lubos akong sumasang-ayon sa kanya.

Napakaimposible nito. Kalakohan toh. Pero hindi maitatangging katotohanan ito.

"Hey... anu toh? Talagang kakaiba na toh. Ngayon, hindi na tayo makalabas sa laro!"

Nagpakawala si Klein ng isang desperadong tawa at mabilis na nagsalita ulit.

"Teka, pede nating i-off ang power. O hilihin nalang ang «Gear» patanggal."

Habang pinapanuod ko si Klein na igalaw ang mga kamay niya na parang may tinatanggal na hindi makitang sumbrero, nakaramdam ako na bumalik ang pagkatamlay ko.

"Imposible pareho yan. Sa oras na toh, hindi natin maigagalaw ang mga katawan natin... ang tunay na katawan. Inililipat ng «Nerve Gear» ang lahat ng signal na pinapadala ng utak natin dito," tinapik ko ang likod ng ulo ko, "at pinapadala dito para mapagalaw ang mga karakter natin.

Dahan-dahang sinarado ni Klein ang bibig niya at ibinaba na din ang kanyang kamay.

Pareho kaming natahimik sa sandaling yun, wala ng maisip na paraan.

Para maabot ang estado ng FullDive, hinaharangan ng Nerve Gear ang mga signal na pinapadala ng utak namin pababa sa gulugod at isinasalin sila para makontrol namin ang aming karakter sa mundong ito. Kaya kahit gaano pa namin kabangis na ikampay ang mga braso namin dito, ang braso ng totong katawan ko (na nakahiga sa kama ko ngayon) ay hindi gagalaw kahit isang pulgada, siniguradong hindi ko maitatama ang ulo ko sa dulo ng lamesa o anu pa man.

At dahil din sa takbo nito, hindi namin pwedeng kanselahin ang FullDive nang kami lang.

"...Kaya, hangga't hindi naaayos ang bug o kung sino man sa totoong mundo ang maghubad ng Gear, kailangan natin maghintay?" sabi ni Klein, na naguguluhan pa din.

Tahimik akong sumang-ayon.

"Pero, mag-isa lang ako sa bahay. Ikaw?"

Nagdalawang-isip ako pero sinabi ko pa din.

"...Kasama ko ang mama at nakakabata kong kapatid na babae. Siguro makakalabas ako pag di ako bumaba para maghapunan..."

"Ano? I-ilang taon ang kapatid mo?.."

Biglang tumingin si Klein sa akin, kumikislap ang mga mata. Tinulak ko ang ulo niya palayo.

"Mukhang kalmado ka na ngayon ah? Nasa sports club siya at ayaw sa laro, kaya wala siyang interes sa mga taong tulad natin.. at higit pa dun," iniunat ko ang aking kanang kamay sa pagtatangkang ibahin ang usapan. "Di mo ba napapansin na kakaiba?"

"Well.. oo bug nga ito."

"Hindi, ang ibig kong sabihin hindi lang ito isang bug, ito ay «can't log out» bug. Isa itong malaking problema na gugulo rin sa operasyon ng laro. Tulad ng pizz mo sa totoong mundo na lumalamig bawat segundong nagdaan, isa yong aktwal na kawalan ng ekonomiya, hindi ba?"

"..Isang malamig na pizza. Walang kabuluhan yun."

Sinawalang bahala ko lang ang walang kahulugang komento niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kung ganito lang naman, kailangang isara ng mga tagapangasiwa ang server at ilabas ang lahat, anuman ang dahilan. Pero... 15 minuto na ang nakalilipas ng mapansin natin ito at wala man lang mensahe mula sa sistema, kahit na sabihin lang na isasara ang server. Talagang kakaiba na toh."

"Hmm... Kung iisipin, tama ka."

Nagsimulang himasin ni Klein ang baba niya na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Sa lugar ibaba ng bandana, na tumatakip ng kaunti sa kanyang matangos na ilong, kumislap ang katalinuhan sa kanyang mga mata.

Nagsimula akong makinig kay Klein, kahit na nakakaramdam ng pagkailang dahil sa pakikipagusap sa isang tao na hindi ko na makikita kung buburahin ko ang aking account.

"...Ang kumpanya na lumikha ng SAO, «Argus», ay ang sikat na kumpanya dahil sa kanilang pagsasaalang-alang sa kanilang mga manlalaro, di ba? Yun din ang dahilan kaya nag-away-away ang lahat para makakuha ng kopya ng unang online na laro. Parang walang kwenta kapag nagkaganito agad sa unang araw pa lang."

"Sang-ayon ako. At SAO ang pinakaunang VRMMORPG. Kapag may nangyaring mali, baka magpasa sila ng mga regulasyon sa lahat ng uri ng laro.

Si Klein at ako ay nagkatinginan sa aming mga birtwal na mukha at bumuntong hininga.

Ang panahon sa Aincrad ay base sa riyalidad, kaya taglagas na din dito.

Tumingala ako, lumanghap ng birtwal na hangin; kumuha ng isang malalim at malamig na paghinga.

Sa 100 metrong layo, nakikita ko ang matingkad na lilang ilalim ng ikalawang palapag. Habang sinusundan ang hindi pantay na anyo, nakita ko ang higanteng tre- ang «labyrinth» na daan para makaakyat sa mas mataas na palapag-at nakita ko rin na konektado ito sa panlabas na pasukan.

5:30 pa lang ng hapon nun at ang maliit na parte ng kalangitan ay makikita na sa pulang ilaw ng paglubog ng araw. Sa kabila ng sitwasyon na kinapapasukan ko, ang makita ang walang hanggang kapatagan na napinpintahan ng kulay gintong ilaw ng panggabing araw, nakita ko ang sarili ko na walang masabi sa harap ng ganda ng birtwal na mundong ito.


Pagkatapos nun...

Ang mundo ay nagbago magpakailanman.



Bumalik sa Kabanata 1 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 3