Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 3

From Baka-Tsuki
Jump to: navigation, search


Kabanata 3

"Ding, ding...!!!!" Napatayo ako at si Cline sa malakas na tunog na iyon. Parang kalembang iyon ng kampana o kaya naman pang-babalang kalembang.


“Ah...”


“Ano yun!?”


Sigaw namin at saka kami nagkatitigan, parehong nanlalaki ang mga mata namin.


Pinalibutan kaming dalawa ng kulay asul na ilaw. Ang paligid namin ay unti-unti na ring nanlalabo.


Ilang beses ko na tong naranasan noong beta testing. «Teleport» ito na pinagana ng isang bagay. Wala akong gaanong bagay lalong hindi ko isinigaw ang tamang command. Ang mga tagapamahala ba ang nagsimula ng pwersahang teleport na to? Kung ganun, bakit hindi nila kami sinabihan?


Habang tumatakbo ang utak ko, lalong tumitingakad ang ilaw na nakapalibot sa akin at saka ako kinakain ng kadiliman.


Nang nawala ang asul na ilaw, mas naging malinaw ang paligid ko. Kaya lang, hindi na ‘to yung lugar na kinatatayuan namin.


Malaking kalsada na pinatag ng bato. Sinaunang mga kalye na pinalilibutan ng mga poste ng ilaw at isang malaking kastilyo na kumikinang ang dilim ng kulay.


Ito ang starting point, ang central plaza ng «Starting City».


Tumingin ako kay Klein na nakabuka ang mga bibig malapit sa akin. Pagkatapos sa maraming tao na pumipalibot sa aming dalawa.


Habang tumitingin sa mga naggagandahang mga tao na mayroong iba't ibang gamit at iba't ibang kulay ng buhok, hindi maipagkakaila na mga manlalaro din sila katulad ko. Tinatayang nasa sampung libo ang tao dito. Na parang lahat ng nasa loob ng laro sa mga oras na ito ay sapilitang inilipit dito sa liwasan.


Sa loob ng ilang segundo, tumingin tingin lang sa paligid ang lahat, walang nagsasalita.


Pagkatapos nun ay mga bulungan na maririnig kung saan-saan; hanggang sa lumakasang mga iyon.


"Anong nangyayari?"


"Pede na ba tayong mag-log-out?"


"Pwede bang pakibilisan nila?!"


Ang mga komentong tulad niyan ang tanging naririnig.


Nang mag-umpisa ng mainis ang mga manlalaro, ang mga sigaw na "Biro ba ito?" at "Ilabas niyo kami dito mga GM!" ang maririnig.


At pagkatapos...


Mayroong isa na sumigaw na mas malakas pa sa mga nagbubulungan.


"Ah.. Tignan niyo yung taas!"


Si Klein at ako ay awtomatikong tumingala. Doon, isang kakaibang tanawin ang bumati sa amin.


Ang ilalim ng ikalawang palapag, isang daang metro sa taas namin, ay naging parang lambat-lambat na kulay pula.


Nang titigan kong mabuti, nakita ko ang pattern na gawa sa dalawang parirala: ang mga salita ay [ Warning ] at [ System Announcement ] na nakasulat sa kulay pula.


Nagulat ako sa ilang sandali pero naisip ko, "Oh, magsisimulang nang magbigay-alam ang mga tagapamahala," at ang tensyon sa aking mga balikat ay gumaan ng kaunti.


Ang bulangan ay namatay na sa liwasan at mararamdaman mo na ang lahat ay naghihintay sa kung anu man ang maririnig nila.


Subalit, ang sumunod na nangyari ay hindi ang kung ano ang inaasahan ko.


Mula sa gitna ng pattern, isang likido na mukhang dugo ang nagsimulang lumabas pababa doon. Bumaba iyon na pinapakita kung gaano kasama ito, pero hindi ito tuluyang bumagsak pababa; sa halip, nagsimula itong mabuo sa isang hugis.


Ang nagpakita ay isang dalawpung metro kalaking pigura na may suot na robang may pandong.

Hindi, hindi iyon tama. Mula sa aming kinatatayuan, madali naming nakikita ang loob ng pandong- wala itong mukha. Talagang wala itong laman. Nakikita din naming mabuti ang panloob at ang berdeng mga burda sa loob ng pandong. Pareho iyon ng nasa loob ng roba, ang tanging nakikita namin sa loob ay anino lang.


Sword Art Online Vol 01 - 043.jpg


Ganoon din ang nararamdaman ng di mabilang na mga manlalaro sa paligid ko.


"Siya ba yung GM?"


"Bakit wala siyang mukha?"


Madaming bulungan na katulad nun.


Pagkatapos, ang kanang manggas niya ay gumalaw na parang pinapatahimik ang mga manlalaro.


Isang purong puting guwantes ang nagpakita mula sa tupi ng mahabang manggas. Pero ang manggas na iyon, katulad ng ibang parte ng roba, ay walang tinatakpan na parte ng katawan.


Pagkatapos, ang kaliwang manggas ay unti-unting tumaas din. At habang iniunat niya ang dalawang guwantes na walang laman sa harap ng sampung libong manlalaro, ibinuka ng walang mukhang tao ang kanyang bibig-hindi, pero parang ganun nga. Tapos ang mababa, kalmada, panlalaking boses ay umalingawngaw sa hangin. “Players, maligayang pagdating sa aking mundo.”


Hindi ko nakuha ang sinabi niya.


Aking mundo? Kung GM siya, meron naman talaga siyang kontrol sa mundong ‘to na parang isang diyos. Kaya niyang baguhin ang mundong ‘to kung kailan niya gusto. Pero bakit pa niya pinangangalandakan yan ngayon?


Naguguluhan na nagkatinginan na lang kami ni Klein.


“Ako si Kayaba Akihiko. Sa ngayon, ako lang ang tanging may kakayahan na kontrolin ang mundong ‘to.”


“Ano...!?”


Nanigas ang avatar at lalamunan ko. Baka nga ang leeg ko sa totoong mundo ay sandaling hindi gumalaw.


Kayaba—Akihiko!!


Kilala ko ang pangalan na ‘yan. Walang dahilan para hindi ko makilala ‘yan.


Bukod sa pagiging designer at genius sa quantum physics, ang taong ito ang nagtatag sa Argus, na dati ay maliit na kumpanya lang, at ngayon ay isa na sa nagungunang kumpanya.


Siya rin ang development director ng SAO at designer ng Nerve Gear.


Bilang hardcore gamer, nirerespeto ko ng todo si Kayaba. Binibili ko ang lahat ng magasin na may laman na patungkol sa kanya at binabasa ko ang kanyang mga interview hanggang sa maisapuso ko na ang mga iyon. Kapag naririnig ko ang boses niya, nakikinita ko siya na nakasuot ng puti na overall na palagi niyang sinusuot.


Pero palagi siyang nasa likod ng eksena, ayaw na ayaw niyang malantand sa media, ni hindi nga siya naging GM—kaya bakit niya ginagawa ang ganito?


Pinilit kong paganahin ang aking utak para bigyan ng saysay ang sitwasyon. Pero ang mga salitang lumabas sa taong naka-pulang roba ay parang pinagtatawanan lang ang pagpipilit kong makaunawa.


“Sa tingin ko, halos lahat dito sa inyo ay nadiskubre na nawawala ang log out button sa main menu. Hindi ito bug; parte lahat ‘to ng «Sword Art Online»’s system.”


“Parte...ng system?” bulong ni Cline, parang nababasag ang boses nito.


“Hanggang hindi niyo nararating ang pinakamataas na palapag ng kastilyo, hindi kayo malayang makakapag-log out.”


Kastilyo? Hindi ko maintindihan ang una niyang sinabi. Wala namang Kastilyo sa «Starting City».


Nawala lang ang pagkalito ko sa sunod na sinabi ni Kayaba.


“...isa pa, ang pag-diskonekta o pagtanggal ng Nerve Gear mula sa labas ay mahigpit na pinagbabawal. Kapag nangyari ‘yon…”


Nagkaroon ng katahimikan.


Tahimik na tahimik ang sampung libong manlalaro. Ang tagal pa bago masundan ang sinabi ni Kayaba.


“Ang signal sensors na nasa inyong Nerve Gear ay maglalabas ng malakas na electromagnetic pulse, masisira ang inyong utak at matitigil ang lahat ng basic functions ninyo.”


Nagkatinginan kami ni Cline sa gulat.


Parang bang ayaw maniwala ng utak ko sa mga narinig ko. Pero ang maikling pahayag ni Kayaba ay mabagsik na lumagos sa aking katawan.


Sirain ang utak.


Sa ibang salita, patayin kami.


Sinumang user ang magtanggal ng Nerve Gear ay mamamatay. Iyan ang sinabi ni Kayaba.


Lahat ng nandito ay nagsimula nang magbulungan, pero walang nagsisigawan o nagpa-panick. Dalawa lang yun, kagaya ko, hindi nila pa nila maintindihan o ayaw lang nilang intindihin.


Itinaas ni Cline ang kamay niya at sinalat kunwari ang headgear na suot ng katawan niya sa totoong mundo. Tinatamad na tumawa ito at nagsimulang magsalita.


“Haha...ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba ang taong ‘yan? Walang namang sense ang mga pinagsasabi niya. Ang Nerve Gear… Laro lang naman ‘to. Sirain daw ang utak… papano naman niya gagawin yun? Di ba Kirito?”


Pumiyok si Cline sa huling sigaw niya. Tumingin ng husto sa akin si Cline, pero hindi ako makatango sa kanya.


Ang walang katapusan na signal sensors ng Nerve Gear ay naglalabas ng maliliit na electric pulses upang magpadala ng mga virtual signals sa utak.


Matatawag nga na makabago ang teknolohiya na ‘to, ngunit ang pangunahing teorya ay kapareho ng ilang mga appliance sa bahay na ginagamit na sa higit 40 taon sa bansang Hapon—ang microwave.


Kung may sapat na kuryente, posible para sa Nerve Gear na mag-vibrate ng water particles sa utak at prituhin ito sa init mula sa friction. Pero…


“Okay, theoretically possible, pero... baka nanloloko lang siya. Dahil kung hihilahin natin ang plug sa Nerve Gear, walang paraan para maglabas ito ng isang malakas na pulso. Maliban na lang kung may isang baterya na may malaking imbakan ng enerhiya... sa loob ...”


Nahulaan na ni Klein kung bakit huminto.


“Meron…isa,” sabi niya, pasigaw. “Thirty percent ng bigat ng gear ay nasa battery. Pero…kahibangan lang lahat yan! Paano kung nawalan ng kuryente?”


Nag-umpisang magpaliwanag si Kayaba, na parang narinig niya ang sigaw ni Cline.


“To be more specific, pagkawala sa source ng kuryente for ten minutes, nadiskonekta sa system sa loob ng mahigit ng dalwang oras, o anumang tangkang pagbukas, pagtanggal, o pagsira sa Nerve Gear. Kung alinman sa kondisyon na ito ay nangyari, diyan na mag-uumpisa ang pagkasira ng utak.


“Ang mga kondisyon na ito ay pinaalam na sa gobyerno at sa publiko sa pamamagitan ng media sa labas ng mundong it. Pero may mga ilan pa ring kaso kung saan ang mga kamag-anak o kaibigan ang di pinansin ang babalang ito at sinubukang tanggalin ang Nerve Gear. Ang resulta—


Humugot ng maikling hininga ang metallic na boses.


“—nakakalungot man, 213 player na ang umalis sa larong ‘to, at sa totoong mundo, habangbuhay.”


May mahaba at matinis na sigaw akong narinig. Pero halos lahat ng players ay hindi makapaniwala sa mga narinig nila. Nakatayo lang sila at nakanganga, o kaya naman ay nakangiwi.


Ang utak ko ay sinubukang ibasura ang mga sinabi ni Kayaba. Pero ang katawan ko at tuhod ko ay nagsimulang manginig ng todo.


Muntik na akong matumba sa panghihina ng tuhod ko. Si Klein naman ay bumagsak, walang buhay ang kanyang ekspresyon.


213 players na.


Paulit-ulit iyon na bumabalik sa isip ko.


Kung totoo ang sinabi ni Kayaba, mahigit 200 nang katao ang namatay?


Baka iba sa kanila, beta-tester din na katulad ko. Baka nga kilala ko ang kanilang mga character names at avatars. Ang mga taong iyon ay nasunog ang kanilang utak at…namatay; ito ba ang sinasabi ni Kayaba?


“…di ako naniniwala… di ako naniniwala,” sabi ni Klein sa paos na boses na nakaupo pa rin sa sahig. “Tinatakot niya lang tayo. Paano niya maaatim na gumawa ng ganyang bagay? Itigil mo na ang birong ‘to at hayaan mo na kaming makalabas. Wala kaming oras para sa bobo na opening ceremony mo. Di ba… isang event lang lahat ‘to. Isang opening show, di ba?”


Sa loob ng isip ko, pareho kami ni Klein ng sinisigaw.


Bumalik ang seryosong boses ni Kayaba at nagpaliwanag na para bang binalewala lang ang pag-asa na nabubuhay sa amin.


“Players, wala kayong dapat ipag-alala sa mga naiwang katawan niyo. Sa ganitong oras, lahat ng TV, radio, at internet ay paulit-ulit na nire-report ang sitwasyon, kabilang na ang mga ilang bilang na namatay. Wala na kayong dapat ikatakot na baka tanggalin ang Nerve Gear niyo. Sa isang sandali, gamit ang dalawang oras na binigay ko, lahat kayo ay ililipat sa isang ospital o anumang pasilidad at bibigyan ng magandang pangangalaga. Kaya makakapag-relax kayo… at ituon ang buo niyong atensyon na matapos ang laro.”


“Ano…?” sabi ko.


Mayamaya bigla akong napasigaw. “Ano ba ang pinagsasabi mo?! Tapusin ang laro?! Gusto mo kaming maglaro sa ganitong sitwasyon?!”


Paulit-ulit akong sumigaw, galit na nakatitig sa nakapulang roba na bigla na lang lumabas sa itaas na palapag. “Hindi na ito isang laro!!”


Saka muling nagpaliwanag si Kayaba sa seryoso nitong boses.


“Hinihingi ko sa inyong lahat na maintindihan niyo na ang «Sword Art Online» ay hindi na basta isang simpleng laro. Kundi isang pangalwang katotohanan… simula ngayon, lahat ng uri ng pagbuhay ay hindi na gagana. Sa sandaling bumaba sa 0 ang HP mo, ang avatar mo ay habang buhay ng mawawala, kasabay niyon—


Nahuhulaan ko na ang kadugtong ng sasabihin niya.


“Ang utak mo ay wawasakin ng Nerve Gear.”


Bigla, pakiwari ko gusto kong tumawa ng malakas. Pero hindi ko ginawa.


Isang mahabang linya ang kumikinang sa kaliwang itaas na bahagi ng aking paningin. Nang mag-focus ako dun, nakita ko ang makasulat roon, 342/342.


Hit points. Saka Life force ko.


Sa sandaling bumaba ito sa zero, mamatay ako—ang electromagnetic wave ay susunugin ang utak ko, papatayin ako sa isang iglap lang. Ito ang sinabi ni Kayaba.


Walang duda isa nga itong laro, isang laro kung saan nakataya ang iyong buhay. Sa madaling salita, Death Game.


Tantya ko isang daang beses akong namatay nung dalawang buwan ko sa beta testing. Nakakahiya man, paulit-ulit rin akong nabuhay at bumabalik sa main plaza ng Black Iron Palace, para muling lumaban.


Ganyan ang RPG, paulit-ulit kang namamatay, natutututo at nag-le-level up. Pero ngayon hindi na pwede? Kapag namatay ka, literal na patay ka na? AT hindi ka rin pwdeng huminto?


“…utot nila, hindi ako papayag,” bulong ko.


Sino naman ang nasa tamang pag-iisip ang lalaban sa ganitong kondisyon? Siyempre, lahat na magtatago na lang sa loob ng City para makaligtas.


“Players, isang paraan lang para makalaya sa larong ‘to. Gaya ng sabi ko kanina, kailangan marating niyo ang tuktok ng Aincrad, ang ika-sandaang palapag, at talunin ang final boss na nandoon. Lahat ng mga players na buhay sa mga oras na iyon ay agad-agad ila-logged out sa laro,” sabi ni kayaba na parang narinig ang iniisip ko, o ng maging ibang manlalaro. “Isa yang pangako.”


Natahimik ang sampung libong manlalaro.


Saka ko lang na-realize ang ibig sabihin ni Kayaba na ‘marating ang tuktok ang ng kastilyo’.


Ang kastilyong ito—ibig sabihin ay isang malaking kulungan kung saan nakakulong ang lahat ng players sa first floor at mayroon pang ninety-nine floors na pinagpatong-patong pataas, na matayog na nakalutang sa kalangitan. Ang Aincrad mismo ang sinasabi niya.


“I-clear...lahat ng 100 floors!?” Mayamaya ay sigaw ni Klein. Mabilis na tumayo siya at itinaas ang kamao sa ere. “At paano mo gustong gawin namin yan? Narinig ko na kahit sa beta-testing ay napakahirap na ang umakyat pataas!”


Totoo yun. Sa dalawang buwan ng beta-testing, ang isang libong players na sumali ay nakaakyat lang hanggang six fllor. Kahit pa sampung libo ang maglalaro ngayon, gaano katagal naman sila aabutin bago makarating sa ika-100 floor?


Lahat ng mga players na naroon ay maaring tinatanong na rin ang tanong na ‘yan na walang kasagutan. Ang katahimikan ay naging bulungan. Pero walang sign ng pagkatakot o kawalan ng pag-asa.


Karamihan sa mga narito ay malamang nalilito kung totoo bang may panganib o isa lamang itong simpleng opening event. Lahat ng sinabi ni Kayaba ay nakakatakot to the point na parang hindi na totoo.


Pinilit ko na ang utak ko na tanggapin na ang sitwasyon na ito. Hindi na ako makaka-log out, kahit kelan. Hindi na ako makakabalik sa aking kwarto, sa aking buhay. Ang tanging paraan para maibalik ko sa akin ang lahat ay talunin ang final boss. Kung ang HP ko ay bumaba sa zero bago pa man matalo ang final boss—mamatay ako. Isang totoong kamatayan at permanenteng mawawala na ako.


Pero.


Kahit anong pilit kong tanggapin ang katotohanan na ito, imposible pa rin. Lima o anim na oras pa lang ang nakalipas, kumain ako ng hapunan na niluto ni mama, nakipagkwentuhan sa kapatid kong babae, at nilibot ang bahay namin.


Ngayon di na ko maibabalik lahat ng yun? At ito na ang totoong reality?


Ang nakapulang roba na palaging isang hakbang ang layo sa kanila ay kinumpas ang kanang gwantes at nag-umpisang magsalita na walang bahid na emosyon. “Ipapakita ko sa inyo ang magpapatunay na ito na ang totoong reality. Sa inyong inventory, meron jan na regalo mula sa akin. Mangyaring kumpirmahin ito.”


Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niya, pinagdikit ko ang daliri ko at hinlalaki at nag-swipe pababa. Ganoon din ang ginawa ng iba pang mga players at ang buong plaza ay napuno ng tunog ng mga bells.


Pinindot ko ang item button sa menu na lumabas. Nandoon nga ang item, na nasa taas ng belongings list. Ang pangalan ng item ay—«hand mirror»


Bakit naman kami binigyan ng ganito? Kahit nagtataka, tinapik ko ang pangalan at pinindot ang “make into object” button. Agad-agad, merong kumikislap na tunog akong narinig at isang rectagular na salamin ang lumabas.


Nag-aalangan kong hinawakan ito pero wala namang nagyari. Ang nakita ko lang ay yung mukha ng avatar na pinaghirapan kong binuo. Tiningan ko si Klein. Nakatingin din siya sa salamin na hawak niya na blangko ang ekspresyon.


—Pagkatapos.


Bigla binalot si Klein at ang mga naroon ng liwanag. Ganoon din ang nagyari sa akin at ang nakikita ko lang ay puro liwanag. Pagkalipas ng ilang segundo, nawala na ang liwanag, at paligid ay ganoon pa rin naman…


Hindi.


Ang mukha na kaharap ko ay hindi yung nakasanayan ko.


Ang armor na gawa sa metal, ang bandana, at ang spiky na pulang buhok ay ganoon pa din. Pero ang mukha niya ay naging iba ang shape. Ang kanyang mahaba, matalim na mata ay naging lubog at maliwanag. Ang matangos na ilong naging baluktot, meron na ring bigote sa pisngi at baba niya. Kung and avatar niya dati ay bata at carefree samurai, ngayon ay parang isang talunan na mandirigma ito—o kaya isang bandido.


“Sino… ka?” tanong ko, na sandali kong nakalimutan ang sitwasyon.


“Hey…sino ka?” tanong din ng lalaki sa harap ko.


Bigla akong kinutuban at na-realized ko kung ano ang ibig sabihin ng regalo ni Kayaba. Mabilis na itinaas ko ang salamin, isang mukha ang nakita ko doon.


Itim ang buhok na nakaayos, dalawang mapupungay na mata na makikita sa medyo mahabang buhok, at pinong mukha na minsan ay napagkakamalan na mukha ng isang babae.


Ang payapang mukha ng isang mandirigma na kanina ay gamit ni Kirito ay wala na. Ang mukha na nasa salamin ay—


Ay ang kanyang totoong mukha!


“Ah… ako ‘to,” sabay na sabi namin ni Klein.


Sabay na napatingin kami sa isa’t-isa at sabay ding napasigaw.


“Ikaw si Klein?”


“Ikaw si Kirito?”


Sword Art Online Vol 01 - 057.jpg


Nagbago din ang boses namin, malamang hindi na gumana ang voice modulator. Pero wala na kaming pagkakataon para pansinin pa ‘yon.


Nahulog ang hawak naming salamin at tumama sa lupa. Nabasag iyon at lumikha ng mahina ngunit kumakalat na tunog.


Nang inikot ko uli ang aking paningin sa paligid, wala na yung mga manlalaro na kamukha ng mga fantasy game character. Napalitan na sila ng mga ordinaryong kabataan. Parang nasa isang game show venue sila at nakabihis ng armor. Malaki din ang nabago sa mga kasarian na naroon.


Papaano ‘to nangyari? Si Klein at ako, at marahil ang mga player na nakapalibot sa amin, ay nagbago mula sa avatar na ginawa namin papunta sa totoo namin na itsura. Parehas pa rin sa polygon model ang tekstura, at kakaiba pa rin ng konti sa pakiramdam, pero halos kopyang-kopya ang itsura namin. Parang may full body scanner ang gear.


—Scan.


“…ah, tama!” bulalas ko saka tumingin kay Klein. “May high density signal sensors ang nerve gear na tinatakpan ang buo nating ulo. Kaya naman hindi lang nito masasabi kung paano ang magiging itsura natin, kasama na rin ang ating mukha…”


“P-pero, paano naman nito malalaman kung ano ang itsura ng ating katawan… kagaya nang kung gaano tayo kataas?” tanong ni Klein, habang nililibot ng tingin ang paligid.

Ang karaniwang taas ng isang manlalaro, na ngayon ay tinitingnan ang kanilang mga sarili at katabi na may iba-ibang ekspresyon sa mukha, ay kapansin-pansin na nabawasan pagkatapos ng mga naging pagbabago. Ako, at malamang si Klein, ay naka-set ang taas katulad ng taas namin sa totoong mundo. Maganda iyon para hindi maka-sagabal sa aking paggalaw. Pero karamihan sa mga naroon ay nagdagdag ng sampu hanggang dalawampung sentemetro sa kanilang taas.


Hindi pa ‘yun lahat. Ang aktwal na kabuuan at sukat ng manlalaro ay lumaki din. Walang paraan para sa nerve gear na malaman ang lahat nang detalye na ito.

“Ah…teka. Kabibili ko lang ng Nerve gear kahapon kaya natatandaan ko pa,” sabi ni Klein. “Sa isang parte ng set-up, meron doon na… ano nga ang tawag doon, calibration? Basta, sa parte na iyon hahawakan mo ang iba-ibang parte ng katawan mo, baka ‘yun na ‘yun…?”

“Wala nang iba… ‘yun na nga ‘yun…” sagot ko.


Ang calibration ay kung saan ang nerve gear ay sinusukat kung gaano mo kailangan na galawin ang iyong kamay para abutin ang katawan mo. Ginagawa iyon para makopya ng tama ang pakiramdam ng paggalaw sa laro. Pwedeng sabihin na halos hawak ng Nerve gear ang datos tungkol sa ating eksaktong hugis ng nakatwan na naka-save dito.


Posible ngang gawin, na ang lahat ng avatar ng mga players ay eksaktong replika ng kanilang sarili. Malinaw na sa akin ang layunin nito.


“…reality,” bigkas ko. “Sabi niya ito ang reality. Na itong avatar…at ang ating HP ay ang totoong katawan at ating totoong buhay. At para maniwala tayo, gumawa siya ng eksaktong kopya natin…”


“Preo…pero Kirito. Bakit? Anong rason kung bakit niya ginagawa ‘to?” sigaw ni Klein.


Hindi ko siya sinagot. Sa halip itinuro ko ang naka-pulang roba sa itaas. “Hintayin natin. Malamang sasagutin niya ‘yan mamaya.”


Ganoon nga ang nagngyari. Pagkaraan ng ilang sandali, pumailanlang ang boses ni Kayaba. “Lahat kayo malamang nagtatanong, ‘bakit’, bakit ako—ang lumikha sa nerve gear at SAO, Kayaba Akihiko—ginagawa ang ganitong bagay? Terrorist attack ba ito? Ipapatabos ba niya tayo ng pera?


Biglang nagkaroon ng emosyon ang boses ni Kayaba. Biglang sumagi sa isip ko ang salitang pakikiramay, kahit alam kong malayo namang maging totoo ‘yun. “Wala sa mga rason na ‘yun ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Ngayon para sa akin, wala nang rason o layunin para gawin pa ‘to. Iyan ay dahil… ang sitwasyon mismo na ‘to ang layunin ko sa paggawa nito. Ang bumuo at pagmasdan ang mundong ito ay ang tanging rason kaya ko ginawa ang Nerve gear at SAO. At ngayon, lahat nangyari na.”


Pagkatapos ng ilang saglit, nagsalita muli si Kayaba. This time, bumalik ulit sa dati ang boses niya, walang emosyon. “Ngayon, tinatapos ko na ang opisyal na tutorial pasa sa Sword Art Online. Players—hangad ko ang inyong tagumpay.”


Ang huling salita ni Kayaba ay dumagundong sa paligid.


Ang malaking pulang roba ay nagsimulang maglaho, parang natutunaw. Balikat, dibdib, braso at binti hanggang sa bigla na itong nawala, kasing bilis ng paglitaw nito.


Ang tunog ng ihip ng hangin sa taas ng plaza, at ang background music na tinutugtog ng NPC orchestra ay pumailanlang sa tenga namin.


Ang laro ay bumalik sa normal, sa kabila ng katotohanan na madaming rules ang nabago.


At sa wakas. Saka pa lamang nag-react ng tama ang sampung libong manlalaro doon. Sa madaling salita, madaming boses ang nagsimulang pumuno sa plaza.


“Joke lang ‘to, tama? Joke lang lahat ng ‘to, di ba!?”


“Tama na ang biro! Pakawalan niyo ako! Ilabas niyo ako dito!”


“Hindi! Hindi mo pwedeng gawin ‘to! May kakatagpuin ako sa labas!”


“Hindi ko ‘to gusto! Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang umuwi!!!!”


Sigawan. Pakiusap. Murahan.


Ang mga manlalaro ay biglang naging preso sa loob lamang ng ilang minuto. Nakaupo sila sapo ang kanilang mga ulo, kinakaway ang mga kamay, nagyayakapan o nagsisimulang sumigaw ng malakas.


Sa kabila ng ingay, nakakamangha na kalmado ang aking isipan.


Ito ang reality.

Totoo ang lahat ng sinabi ni Kayaba Akihiko. Kung ganito nga, lahat ng ‘to ay inaasahan na. Kakaiba kung hindi. Itong karunungan ay isa sa bahagi ni Kayaba kaya siya nakukuhang hangaan.


Hindi na muna ako makakabalik sa reality—malamang ilang buwan o baka higit pa. Sa panahong ito, hindi ko makikita ang aking ina o kapatid na babae, ni makausap sila. Posible na hindi ako magkaroon ng pagkakataon. Kung mamatay ako—


Mamatay ako sa totoong mundo.


Ang Nerve Gear, na dati ay isang game machine, ay isang kandado sa kulungan na ito at isang kasangkapan para sa aming kamatayan.


Huminga ako ng mahina, saka bumuga, at ibinuka ang aking bibig. “Klein, pumunta ka muna sandali dito.” Hinawakan ko ang kamay niya, na parang mas matanda sa akin sa totoong buhay, at nakiraan sa nagngingitngit na mga tao.


Nakalampas kami agad sa kanila, kasi malapit kami sa gilid. Pumasok kami sa isa sa mga kalye doon palabas ng plaza na may hugis bitwin. Tumalon ako papunta sa likod ng naka-park na karwahe.


“...Klein,” Tinawag ko uli ang pangalan niya. Blangko pa rin ang ekspresyon niya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, sinusubukan kong maging seryoso. “Makinig ka sa akin. Aalis ako sa siyudad na ‘to papunta sa susunod na bayan. Sumama ka sa akin.”


Napadilat si Klein. Nagpatuloy ako sa pagsasalita sa mahinang boses, pinipilit kung ilabas ang mga salita.


“Kung ang lahat ng sinabi niya ay totoo, para maka-survive tayo tayo sa mundong ‘to, kailangan nating palakasin ang ating mga sarili. Alam mo na ang MMORPGs ay isang labanan para sa kayamanan laban sa mga manlalaro. Tanging ang mga taong makakakuha ng maraming pera at experience ang magiging malakas...


“...ang mga taong nag-iisip ng ganito ay hahanapin ang lahat ng halimaw sa palibot «Starting City». Matagal ang hihintayin mo bago muling mabuhay ang mga halimaw. Ang pagpunta ngayon sa susunod na bayan ay ang pinamabuting gawin. Alam ko ang lahat ng daan at delikadong bahagi, kaya makakarating ako roon, kahit pa level one lang ako.”


Mahaba ang naging pahayag ko, na hindi normal sa akin, pero sa kabila niyon ay tahimik lang si Klein.


Pagkaraan ng ilang sandali nalukot ang mukha niya. “Pero...alam mo naman. Nasabi ko dati na matagal kong pinilahan ang larong ‘to kasama ang aking mga kaibigan. Tiyak na nakapag-log-in din sila at malamang sa malamang nasa plaza na sila. Hindi ako makakasama... nang wala sila.”


“...”


Napabuntong-hininga ako at kinagat ko ang pang-ibabang labi. Naiintindihan ko lahat ang gustong sabihin ni Klein sa pamamagitan ng kanyang tingin.


Matalino siya at madaling pakisamahan, at pinangangalagaan niya ang ibang tao ng mabuti. Tiyak na umaasa siya na isasama ko ang mga kaibigan niya kasama siya. Pero hindi ako makatango.


Kung si Klein, makakapunta ako sa susunod na bayan habang pinoprotektahan ko ang aming mga sarili laban sa mga agresibong halimaw. Pero kung magdadagdag ng dalawa—hindi, kahit isa lang ay delikado na para sa amin. Kung may mamamatay, mamamatay sila gaya ng sinabi ni Kayaba.


Ang responsibilidad ay walang duda na babagsak sa akin, na nag-alok na umalis sa ligtas na «Starting City» at nabigong protektahan ang aking mga kasamahan.

Ang magdala ng ganoon pasanin, ay hindi ko magagawa. Imposible.


Nabasa marahil ni Klein ang mga pag-aalinlangan na nasa isipan ko. Isang ngiti ang lumabas sa may konting balbas na pisngi nito at umiling. “Hindi... hindi ako pwedeng umasa na lang sa’yo. Isa akong guild master sa isang laro na dati ko nilalaro. Magiging ayos lang ako. Kailangan ko lang sanayin ang techniques na tinuro mo sa akin. Saka...meron pang tsansa na isa lang biro ang lahat ng ito at lahat tayo ay ila-logged off. Kaya ‘wag mo na kaming alalahanin pa at pumunta ka na sa susunod na bayan.”


“...” Sa tikom na bibig, naguluhan ako ng pagkalito na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Saka ko piniling sabihin ang salita na nagngangatngat sa akin sa loob ng dalawang taon. “...OK.”


Tumango ako, umatras, at nagsalita na tuyo ang aking lalamunan.

“Kung ganun, dito na tayo maghiwalay. Kung anuman man ang mangyari, padalhan mo lang ako ng mensahe. ...sige, kita na lang tayo, Klein.”


Tinawag ako ni Klein nang tumingin ako sa ibaba at tumalikod.


“Kirito!”


“...”


Nagtatanong ang matang tiningan ko siya, pero wala siyang anumang sinabi; ang kanyang pisngi ay gumalaw ng konti. Kumaway ako sa kanya at bumaling sa hilagang-kanluran—ang direksyon ng bayan kung saan magiging susunod kong base.


Nang makahakbang ako ng lima, isang boses muli ang tumawag sa likod ko.


“Hey, Kirito! Parang ang galing mo sa totoong buhay! Parang ako lang ikaw!”


Mapait ako na ngumiti at sumigaw. “Mas bagay sa’yo ang hitsura mo ng sampung beses!”


Saka ako tumalikod sa unang kaibigan na nagkaroon ako sa mundong ito at tumakbo ng deretso nang walang humpay. Pagkatapos kung lumampas sa paikot-ikot na daanan, lumingon ako muli. Siyempre, walang sinuman ang naroon.


Hindi ko na pinansin ang kakaibang pakiramdam sa aking dibdib at tumakbo.


Mabilis akong tumakbo sa hilagang-kanlurang tarangkahan ng Starting City at pagkatapos ay nilagpasan ang malawak na kapatagan, ang masukal na kagubatan, pagkatapos ay isang maliit na bayan ang lumitaw pagkalampas sa mga ito—pagkalampas doon ay isang walang katapusan, at malungkot na laro para sa buhay.


SWORD ART ONLINE MoniqueVelasco ironB bonitz




Bumalik sa Kabanata 2 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 4