Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 7

From Baka-Tsuki
Jump to: navigation, search

Chapter 7[edit]

Ang panahon ngayon ay masyadong maulap at ang kaumagahang hamog na sumasakop sa lungsod na ito ay hindi pa nawawala. Ang araw na sumisikat sa labas ay pinuntarahan ang lungsod na ito na kulay lemon-yellow.

Ayon sa kalendaryo ng Aincrad, ngayon ay «Buwan ng Ash Tree». Ibig-sabihin nito ay lumalapit na ang katapusan ng taglagas. Ang simoy ng hangin ay masarap sa katawan, gawa ngayong buwan na ito ang pinaka malamig na buwan sa buong taon. Pero ngayon, hindi ayos ang pakiramdam ko.

Iniintay ko si Asuna sa gate plaza ng 74th floor kung saan nakatira ang mga ibang tao. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi at ang lahat lang ng ginawa ko sa simple kong kama sa Algade ay mag pagulong-gulong ng paulit-ulit mula sa magkabilang dulo. Konting minuto lang lampas ng three sa umaga ay nagawa ko ring makatulog. Maraming features ang SAO na tumutulong sa mga players ngunit walang button ang tumutolong sa mga player na gustong tumulog ngunit hindi makatulog.

Nakakatawa man, merong kabaliktaran ang button na yon. Sa time related menu, merong isang bagay na tawag ay «Alarm Clock». Ang «Alarm Clock» na ito ay pinipilat ang player na gumising sa gusto nilang oras. Pero kung gusto mo mang bumalik sa pagtulog mo, ang desisyon na ito ay hindi para sayo. Ngunit nag-tagumpay ako na gumising at tumayo sa aking kama nung ginising ako ng system noong 8:50am.

Marahil ang grasya ng mga tamad na players, hindi na kailangan maligo o magpalit ng damit sa SAO - pero maraming tao parin ang naliligo araw-araw. Subrang hirap gayahin ang basang kapaligiran para sa Nerve Gear, kaya hindi ito makapag-gawa ng tunay na perpektong paliguan. Pagkatapos kong gumising malapit sa pinag-usapan naming oras, sinuot ko lahat ng aking mga gamit sa loob ng dalawangpu't na segundo at naglakad palabas ng Algade patungo sa teleport gate. Kahit naiinis ako sa aking pagkakulang ng tulog, inintay ko pa rin siya, ngunit—

"Late sya..."

Ang oras ay 9:10am na. Ang mga masisipag at masigasig na players ay nag simula ng lumabas sa gate patungo sila sa Labirint. Walang magawa, tiningnan ko ang mapa ng labirint at ang completion rate ng aking mga skills, kahit alam ko na lahat ito.

Ahhh...Sana may portable game console ako.

Hindi ako makapagsalita nung pagkatapos kong isipin iyon. Gusto kong maglaro ng laro, habang nasa loob ako ng laro... Lumalala na ako...

Bumalik kaya ako sa pagtulog ko? Nagsimula ulit akong mag-isip. Merong ulit na asul na teleport effect ang lumabas sa gate, hindi ko na alam kung pang-ilan na nyan. Pinanuod ko ng walang gaanong inaasahan. Pero—

"Kyaaaaa! Pasensya na, makikiraan lang—!"

"Ahhhhh!?"

Kadalasan ang mga player na nag teleport ay lumalabas sa lupa na nakatayo, ngunit ang taong ito ay hindi—lumilipad sya sa ere papunta sa akin.

"Huh, huh...!?"

Walang oras para sambutin o ilagan, nagbangaan kami at nahulog namagkasabay sa lupa. Napaumpog ang ulo ko sa matigas na lupa. Kung hindi ito sa loob ng lungsod, mababawasan sana ako ng HP.

Ibigsabihin nito—ang ungas na player na ito ay nag teleport habang tumatakbo at lumabas sa kabilang teleport gate na tumatakbo pa rin. Nag-isip ako gamit ang utak ko. Kahit naliliyo pa ako, tinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang player habang sinusubukan kong itulok sya.

"...Hmmm?"

May nahawakan ako bagay ngunit di ako sigurado kung anuman ito. Pinisil ko ito ng dalawang beses, tatlong beses para malaman ko kung ano itong malambot at matalbog na bagay na nasa kamay ko.

"K-Kyaaaaa—!!"

Malakas na sigaw ang napakinig ko habang ang aking ulo ay tumama na naman sa matigas na lupa. Sa sumusunod na oras, nawala ang taong nasa taas ko.

Sa inahan ko, merong babaeng player na nakaupo sa lupa, suot ang pula at puting knight uniform at tuhod-haba na miniskirt, merong silver-white rapier sa kanyang scabbard. Di ko alam kung bakit, nakatingin sa aking gamit ang kanyang naglilisik na mata na punong-puno ng galit para sa akin. Ang muka nya ay pulang-pula uma-abot sa kanyang tainga at ang kanyang kamay ay naka cross sa kanyang dib-did— ...Dib-Dib...?

Nahulaan ko agad kung ano ang nahawakan ko sa aking kanang kamay. Kasabay nito, nalaman ko kung gano kalala at kadilikado ang sitwasyon na ito. Lahat ng dilikadon sitwasyon na pinag-sanayan ko sa ulo ko ay wala. Habang binubuksan at sinasaraduhan ko ang kanang kamay ko, binuksan ko ang aking bibig at nagsalita.

"H-Hey. Magandang-umaga, Asuna"

Ang galit sa kanyang mata ay lalong nag-igi. Ang matang iyon ay talagang pinapakita na gusto nyang higitin ang kanyang espada.

Sinimulan kong maghanap ng daan para makatakas ako habang lumabas ulit yung asul na teleport effect. Tumingin si Asuna sa likuran nya mukang gulat na gulat at tumayo agad sya tapos tumago sa likuran ko.

"Eh...?"

Di ko alam kung bakit, tumayo rin ako. Yung gate ay lumiwanag ulit. Ngayon iton player na ito ay nakatayo sa gitna ng teleport gate at ang dalawa niyang paa ay nasa lupa.

Habang nawala yung liwanag, nakilala ko agad kung sino itong lalaki. Suot ang kanyang puting kapa ng may pulang simbolo. Galing sya sa KoB at meron rin syang dalang espada na punong-puno ng dekorasyon. Siya ang bodyguard ni Asuna na laging nasunod sa kanya katulad kahapo. Di ako sigurado, pero Kuradeel ata ang pangalan nya.

Nagpakita ng galit na mukha si Kuradeel nung nakita nya si Asuna na nakatago sa likuran ko. Hindi naman sa mukhang subrang tanda. Parang mahigit twenty years old lang sya pero ang mga kulubot niya sa mukha ay nagpamukha sa kanya na siya ay matandang lalaki. Kinagat nya ang kanyang ngipin na subrang lakas, na napakinig namin iyon, nagsalita sya habang pinipigilan nyang umapaw ang kanyang galit.

"A...Asuna-sama, hindi ka dapat kumikilos ng sarili mo katulad ng ganito...!"

Narinig ko ang boses niya na parang mag-wawala siya. na-isip ko Magiging komplikado ito. Ang kanyang mata ay nalilisik, nagsalita ulit si Kuradeel.

"Asuna-sama, balik na tayo sa HQ"

"Hindi. Wala naman akong duty ngayon!... At Kuradeel, bakit ka nakatayo sa unahan ng bahay ko kaninang subrang-aga?"

Sumagot si Asuna na nasa likuran ko na galit na galit.

"Fufu, alam kong mangyayari ito kaya sinimulan kong bantayan ang bahay mo sa Salemburg habang isang buwan na ang nakakalipas."

Nagulat ako sa sagot ni Kuradeel. Pati si Asuna, di alam kung anong sasabihin. Pagkatapos ng sandali, nagsalita si Asuna.

"Iyon... Hindi naman iyon parte ng utos ng leader sayo ah"

"Ang trabaho ko ay iyong escort, Asuna-sama. Kasama na pag-babantay ng bahay mo..."

"Anong ibig mong sabihin kasama, ungas!"

Nagsimulang maglakas si Kuradeel papunta sa amin, ang mukha nya ay punong-puno ng galit at pagkainis. Tinulak nya ako at kinuha ang kamay ni Asuna.

"Hindi mo ata naiintindihan. Wag ka naman maging ganito...Tara, balik na tayo sa HQ"

Ang mukha ni Asuna ay punong-puno ng takot nung marinig nya ang boses na parang may tinatagona bagay. Tumingin sya sa akin na parang nag makakaawa na tulungan siya.

Sabihin ko ang katotohanan, di ko alam kung gusto kong tumakbo katulad ng lagi kong ginagawa. Ngunit noong nakita ko ang mga mata ni Asuna, ang kamay ko ay gumalaw mag-isa. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Kuradeel, yung kamay na humihigit kay Asuna, pinisil ko ang kamay ni Kuradeel habang iniwasan kong laksan ang pisil para hindi ko ma activate ang crime prevention code.

"Pasensya na, pero hihiramin ko ang sub-captain nyo ngayon."

Sa tainga ko, ang mga salitang ito ay parang salita ng bobo, pero di ko babawiin ang mga sinabi ko. Si Kuradeel na hindi man lang pinapansin ako, ay nag gawa ng tunog gamit ang mga ngipin habang hinigit nya ang kanyang kamay para mabitawan ko.

"Ikaw...!"

Simugaw sya gamit ang magaspang na boses. Kahit na nagkamali ang system, meron paring kakaiba sa kanyang boses.

"Ipinapangako ko ang kaligtasan ni Asuna. Di naman kami lalaban sa boss ngayon. Pwede ka nang bumalik sa HQ mag-isa"

"Wag mo nga akong lokohin!! Kala mo ba na ang mahinang player na katulad mo ay kayang protektahan si Asuna-sama?!"

"Mas kaya ko syang protektahan kaysa sa iyo."

"Ikaw na mayabang na tanga...! Kung kaya mong mag-salita ng ganyan di kayo mong ipa-alam sa akin...?"

Ang mukha ni Kuradeel ay namuti, gamit ang kanyang kanang kamay, pinalabas nya ang menu screen. Makalipas ang konting sigundo, may lumabas na transparent system message sa harapan ko. Nahulaan ko agad kung ano ito bago ko pa basahin kong ano man iyon.

[A 1-on-1 duel has been requested by Kuradeel. Do you accept?]

Sa baba ng kumikintab na Yes/No button merong madami pang option. Tumingin ako kay Asuna. Hindi niya kita yung message pero alam nya kung anong nang-yayari. Kala ko pipigilan nya ako pero tumango sya nung tiningnan ko sya.

"...Ayos lang ba ito? Di ba ito magiging problema sa guild...?"

Sinagot ni Asuna ang mga bulong ko.

"Ayos lang yan. Ako mismo ang mag-rereport nito sa leader."

Tumango ako sa mga sinabi nya habang pinindot ko ang «First Strike Mode» sa mga options.

Para manalo ka sa duel na ito, kailangan mong pababain ang HP ng kalaban nang mahigit kalhati o matamaan sila ng ayos. Ang message ay nag-iba at naging [You have accepted the 1-on-1 duel with Kuradeel]. May lumabas na countdown, 60 seconds katagal sa baba nung message. Pag bumaba sa 0 yung countdown, mawawala ang protection system ng hp namin at magiging pwede kaming mag duel hagang matalo ang isa sa amin.

"Panuudin mo ako Asuna-sama! Papatunayan ko na ako ang pinaka magaling na tao na pweding mag protekta sa iyo!"

Sumigaw sya na hagya na nyang maitago ang kanyang kaligayahan. Inilabas nya ang kayang malaking double-handed na espada na nasa kanyang baywang.

Sinigurado ko na si Asuna ay malayo sa akin bago ko kinuha ang one-handed espada na nasa likudan ko. Tulad ng inaasahan sa miyembro ng kilalang-kilala na guild, ang kanyang espada ay mas magaling tingnan kaysa sa akin. Hindi lang ito sa laki ng espada, ang espada nya ay puno-puno ng dekorasyon gawa ng top class craftsman.

Ang pag-itan namin ay 5 metro, nag-iintay na matapos ang countdown, maraming tao ang pumalibot sa amin. Di naman ito kakaiba. Ito kasi ang gate plaza sa kalagitnaan ng floor na ito at parehas kami ay kilala ng mga tao.

"Solo player Kirito at KoB member ay mag du-duel!"

Habang may sumigaw nuon, maraming tao ang nagsigawan para sa amin. Ang duel kasi ay para sa mga taong gustong ipakita ang mga skills nila.

Ang timer ay malapit nang matapos, lahat ng mga sigawan ay nawala. Nakapakiramdam ako ng lamig sa katawan ko parang nuong ako ay nakikipaglaban sa mga monster. Pinagmasdan ko si Kuradeel na nakatingin sa akin habang pinagmasdan ko nang maigi ang tayo nya at kung pano gumalaw ang mga paa nya.

Ang mga katawan ng mga tao ay ang kanilan kahinaan. Sa unang tingin madali mong masasabi kung anong gagawin nila. Attack man o defend, madaling hulaan kong anong aksyon ang gagawin nilang sunod. Ito ang kanilan kahinaan.

Ang espada ni Kuradeel ay nakahilig sa gitna ng kanyang katawan habang ang kanyang babaan ay naka huyok. Alam na alam kaagad na ang gagamitin niyang skill ay high aiming charge-type na atake. Pweden rin naman itong pag-papakunwari. Sa manatalang ako, ay basta lang naka-handa ang espada na kung titingnan mo, ang gagamitin kong skill ay mahina lang na tatama sa baba ng katawan nya. Karanasan at "pakiramdam" ang tutulong para malaman mo kung ang gagawing atake ng kalaban ay pag-kukunwari lang o hindi.

Ang countdown at nasa one digit nalang. Napakinig ko ang mga tunog na nang-gagaling sa kapaligiran ko.

Nakita ko si Kuradeel sa harapan ko. agad siyang tumingin sa akin. Ang salitang "DUEL" ay lumabas sa harapan namin, agad akong tumalon. Merong kumislap sa ilalim ng sapatos ko habang ang hangin ay tumunog habang ang akin balikat ay umibo.

Wala pang isang segundo ang nakalipas at ang katawan ni Kuradeel ay umibo na rin. Pero ang mukha niya ay punong-puno ng pagkagulat, gawa ata ito ng galaw ng aking katawan, kala niya defend-type attack skill and charged ang move na gagawin ko.

Ang unang atake nya, tamang-tama ako - high hitting two-handed sword charge skill: «Avalanche». Pag ang guard ay masyadong mahina, ang defender ay may pag-kakataon na i block ang atakepero di agad sila makaka-atake gawa ng impact. Pero yung umatake naman ay meron pag-kakataon na i charge ulit ang iba nilang skill handa nang umatake ulit. Ang skill na ginamit niya ay mataas na level, para sa mga monsters.

Ako naman, na nahulaan ang galwa ni Kuradeel, pinili ko ang charge-type skill «Sonic Leap». Kung nagpatuloy ang aming direksyon, ang espada namin ay mag-sasalpukan.

Kung titingnan ang level ng skill na gamit namin, mas-mataas ang kanya. Ang espada ko ay mapapatalsik ng espada niya tapos tatamaan ako ng skill niya at ang bawas nito ay ayos na para gawin siyang panalo ng duel na ito. Pero hindi nama si Kuradeel ang habol ko.

Ang distansya namin sa isat-isa ay lumapit. Ang tingin ko ay bumilias at ang paligid ko ay parang bumagal. Hindi ako sigurado kung gawa ito ng system o ito ay abilidid ng mga tao. Pero ito ang alam ko; kitang kita ko lahat ng mga galwa niya.

Ang espada na naka-hilig sa kanya ay umilaw ng orange haban palapit ng palapit sa akin. Ang stats niya ay mataas, Tama lang sa miyembro galing sa pinaka-malakas na guild gawa ang mattas na level na skill na ginamit niya ay mabilis ang charge time sa inaasahan ko. Ang maliwanag na espada ay pabilis ng pabilis ang pag-lapit sa akin. Pag natamaan ako ng skill na yan, siguradong-sigurado ako, ako ang magiging talo sa duel na ito. Ang mukha ni Kuradeel ay punong-puno ng kasiyahan sa pag-kapanalo niya. Pero—

Sword Art Online Vol 01 - 124.jpg

Pero ang espada ko na mas mabilis sa kanya ay gumalaw habang may green na trajectory at tumama sa kanyang espada. Kinuwenta ng laro ang bawas gawa ng espada ko noong tumama sa espada nya, dahil dito, may lumabas na malaking kislap.

Ang ibang kakalabasan ng dalawang espada ng tumama sa isat-isa ay «Weapon Break». Mang-yayari lang ito pag ang espada ay tinamaan sa kanyang mahinang parte.

Pero siguradong-sigurado ako na masisira ang espada niya. Ang espang na may sobrang daming dekorayson ay mababa ang durability.

Sabi na nga ba—habang may malakas na tunogear—Ang two handed espada ni Kuradeel ay nasira. Parang epekto ng pagsabog.

Nag-kasalubong kami sa ere habang nag landing kami sa posisyon ng kalaban namin. Ang kaputol ng espanda nya ay umiikot sa ere habang ang araw ay lumiliwanag sa espada bago pumatak sa lupa. Pagkatapos nito, yung natitirang kaputol nung espada na hawak ni Kuradeel ay nasira na parang salamin.

Subrang tahimik sa plaza. Lahat ng nanu-nuod ay nakatigil habang bukas ang bibig nila. Pero pagkatapos kung mag land, tumayo ako at inibo ko ang espada mula sa kaliwa papunta sa kanan katulad nang lagi kong ginagawa. Lahat ng nanuod ay nagsigawan.

"Galing!"

"Yun ba ang plano niya?!"

Pakinig ko ang mga pinag-uusapan nila tungkol sa laban namin. Kahit na isang skill ko lang ito, nakita nang maraming tao ang skill ko ay hindi maganda.

Ang espada ko ay nasa kamay ko at lumakad ako papunta kay Kuradeel. Ang likuran niya ay merong puting kapa habang siya ay nanginginig. Ibinalik ko ang espada ko sa likuran ko at pinatunog ko ito nang malakas habang sinabi ko ito.

"Kung gusto mong lumaban ulit gamit ang ibang sandata, lalabanan ulit kita... Pero ayos na ito diba?"

Hindi man lang sya tumingin sa akin. Ang kamay na ay nanginginig. Tapos nagsalita sya gamit ang magaspang na boses, "I resign". Pwede naman niya sabihin ang o <I give up> sa Japanese.

Pagkatapos nito may lumabas na violet na linya sinasabi kung sino ang nanalo ng duel. Nasigawan ulit ang mga tao at tumaya mulit si Kuradeel at sumigaw sa mga tao.

"Anong tinitingnan nyo? Umalis na kayo!"

Tumingin sa ka akin.

"Ikaw...Papatayin kita...Talagang papatayin kita..."

Hindi ko masasabi na hindi ako natakot sa mga mata nya.

Ang emosyon sa SAO ay hindi kompleto pero ang galit na nasa mata ni Kuradeeel ay mas kakatakot kahit sa anong monsters.

Merong pumunta sa tabi habang nakatayo sa supresa.

"Kuradeel, ako, sub-leader ng Knight of the Blood ay umutos sayo na hindi na ikaw ang bodyguard ko. Bumalik ka na sa HQ at magintay ka na lang sa mga karagdagang utos."

"...An...Ano...Ito..."

Ang tunog na ito ay bahagya nang nakaabot sa tainga namin. Yung iba ata ay pagsusumpa na nawala sa kanyang bibig. Si Kuradeel ay nakatingin sa amin gamin ang nan-lilisik niyang mata. Kahit na alam niyang papatigilin siya ng vrime prevention code, alam-na alam ko na a-atakihin niya kami gamit ang reserba niyang espada.

Pero napigil niya ang sarili niya at kunuha niya ang teleportation crystal na nasa bulsa ng suot niya. Tinaas niya ang kamay niya habang hawak yung crystal at sinabi "Teleport...Grandum". Nakatingin sa amin, punong-puno ng galit ang mga mata kahit pawala na sya.

Nawala ang ilaw, nanahimk ulit ang plaza. Ang mga tao ay na supresa sa ugali na ipinakita ni Kuradeel at nagalisan na ang mga tao. Kami na lang ni Asuna ang natira.

Anong sasabihin ko?Ang tanong na ito ay napatalbog-talbog sa ulo ko. Pero kahit na 2 years na ako na nakatira dito, wala man lang akong naiisip na ayos. Hindi ko man lang alam kung ang mga ginawa ko ay tama.

Tapos si Asuna ay umibo at sinabi ito gamit ang mahinang boses.

"...Pasensya na, Nadamay kapa dito."

"Hindi naman. Ayos lang ako, pero ok lang ba ito?"

Ang sub-leader ng pinaka-magaling na guild ay binigyan ako ng mahinang ngiti.

"Oo, sa tingin ko ako ang may gawa nito. Pinilit kong lahat ng mga rules sa player para matapos kaagad ang larong ito..."

"Sa tingin ko... hindi ikaw ang may-kasalanan. Kung hindi para sa iyo, hindi agad ma-kakaabot tayo sa mga floor na ito. Pero, hindi dapat ito ang sinasabi ng tamad na solo player na katulad ko... Ah kalimutan mo na sinabi ko."

Hindi ko na alam kong anong mga sinasabi ko. Basta-basta lang ako nagsasalita ng mga naiisip ko galing sa ulo ko.

"...Walang tao ang may karapatan na mag-sabi ng ganyan sa iyo... Sumama ka sa katulad ko kahit na wala akong ka-asikaso."

Sa mga sinabi ko, kumurap ang mga mata ni Asuna habang ang muka niya ay punong-puno ng kalituhan. Ngumiti sya sa akin.

"...Mmm, magpapasalamat ako sa iyo. Tapos susubukan kong magsaya ngayon. Ang posisyon mo ngayon ay forward."

Naging masipag agad sya, nagsimula syang maglakad paalis sa lugar na ito.

"Ano? Hoy! Di ba dapat meron akong kahalili sa forward!"

Kahit na nag-reklamo ako, sinundan ko pa rin ang chestnut-brown na buhok niya.




Bumalik sa Kabanata 6 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 8