Difference between revisions of "Toradora!:Tomo1 Kabanata4"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "'''Kabanata 4''' Simple lang ang plano... Magkakaroon ng isang laro ng basketball para sa PE ngayong araw. Mahahati ang babae't lalake sa dalawa at maglalaro sa parehong kas...")
 
m
 
Line 31: Line 31:
 
"Gagawin ko ang lahat para mapadali yun!"
 
"Gagawin ko ang lahat para mapadali yun!"
   
  +
Isinuot nilang dalawa ang kanilang sneakers at nagtipon kasama ang kanilang mga kaklase sa harap ng kanilang guro sa PE.
DI PA TAPOS****
 
  +
  +
"Ngayong araw... magsasanay tayo sa pagpasa ng bola sa pamamagitan ng isang laban." Paliwang ng guro.
  +
  +
"Ngayo'y magsimula na tayo sa mga warm-up! Kayong lahat, hanapin niyo mga kapares ninyo!"
  +
  +
"Hoy, Aisaka!"
  +
  +
"Andito ako! Takasu, mag-grupo tayo!"
  +
  +
"Sige! Tara na!"
  +
  +
"Sige, tiwalag! Mukhang marami rito ang hindi na makapaghintay ngayong araw!"
  +
  +
Nagmamadaling naglakad sina Ryuji at Aisaka mula sa tiponan patungo sa isnag sulok ng gymansium pagkatapos nilang magpares. "Grabe... Hindi na pinahahagalahan niyang si Takasu ang sarili niyang buhay.""Mukhang siya na ang bagong alaga ng Palmtop Tiger." Ito ang mga bulong ng mga takot na mga tao na nakapaligid sa kanila ngunit hindi ito umabot sa pandinig ng dalawang taong pinaguusapan. Habang nakaharap sa isa't isa, patago silang nagsumangguni.
  +
  +
"Natapos natin ang unang parte ng plano nang walang problema."
  +
  +
"Oo."
  +
  +
Parehas silang tumango at nagpalitan ng tingin.
  +
  +
Ngunit, ang biglaang pagkilos nina Ryuji at Aisaka ay nagbigay ideya sa mga estudyante. Maliban sa mga mahiyain, nagimula nang kumilos ang mga iba nilang mga kaklase.
  +
  +
"Hmm... Ganitong klaseng araw ang araw nito, huh? Makikipares ako sa babae ngayong araw. Sino gusto makipares sa akin!?"
  +
  +
Simula sa isang malanding boses.
  +
  +
"Ako rin! Gusto ko ring makipares sa isang lalaki!"
  +
  +
"Tama ka, mukhang masaya parin sa ganitong paraan."
  +
  +
Nasasabik na ang buong klase maliban sa mga nangakong makikipares sa kanilang mga kaibigan, yung mga bawas ang kahihiyan ay nakipares sa kabilang kasarian.
  +
  +
Sa huli...
  +
  +
"Maru~o! Oops, Kitamura pala! Makipares ka sa akin."
  +
  +
"Huh? Ahhh, sige, dahil ipinagpalit ako ni Takasu..."
  +
  +
''AH!'' Nakarinig ng sigaw si Ryuji dahil hinampas siya sa ulo ni Aisaka.
  +
  +
"A, anong nangyayari? May nakapares si Kitamura na kakaibang babae!"
  +
  +
Ang sinasabihan na kakaiba ay isa sa mga kilalang bibini sa kanilang klase, si Kihara Maya - Siya ay may malambot na katawan para sa isang 17 taong gulang na estudyante. Mayroon siyang mahahabang extensions sa kanyang pilikmata, habang ang kanyang mga labi ay may suson ng kulay-rosas na lipstick. Nakasuot ng kaunting pampaganda na nakapasa sa patakaran ng paaralan, siya ay maganda... Iyon ang nasa isipan ni Ryuji.
  +
  +
"Anong ibig sabihin no sa 'kakaibang babae? Siya si Kihara. Huwag mong tawagin ng ganyan ang mga kaklase mo! Kahit hindi umayon ang mga pangyayari sa ating mga plano.. WHA!"
  +
  +
Si Ryuji naman ang napasigaw sa mga sumusunod na pangyayari.
  +
  +
"Kushieda, magpares tayo!"
  +
  +
Ang nagsalita sa mahiyaing paraan ay si Noto Hisamitsu, isang dating kaklase sa 1-A na nakakama ni Ryuji ng mabuti. Kakaabot palang ng 17 taong gulang - ngunit ang sikat na itim na salamin ay hindi bagay sa kanya. ''"Anak ng- Ano'ng ginagawa ng bastardong 'yon?"''

Latest revision as of 17:00, 22 October 2015

Kabanata 4

Simple lang ang plano...

Magkakaroon ng isang laro ng basketball para sa PE ngayong araw. Mahahati ang babae't lalake sa dalawa at maglalaro sa parehong kasarian nila, pero kailangan muna nilang mag-warm-up bago yon... May dalawang tao na magkakapareha para mag-warm-up, na tatagal ng mga 10 minuto ng stretching at pasahan ng bola.

Ang mga estudyante ay libreng pumili kung sino ang gusto nilang makapareha para sa warm-up, hindi na iyon iniintindi ng kanilang guro sa PE basta magkaroon sila ng kapareha.

"... Na kung bakit, ito ang magandang oportunidad para sa dalawang tao na bihirang magsalita na magkaroong ng kausap. Sa tingin ko maganda ito! Kaya sige, makipagpareha ka kay Kitamura! Tapus ang istorya."

Pinaliwanag ni Ryuji ang kanyang strategy habang naglalakad papuntang himnasyo, nakasuot ng kanyang PE uniform. Naglalakad din sa tabi niya si Aisaka, na pinaglalaruan ang kanyang ponytail na itinali niya sa likod.

"Makipagpareha sa kanya... Pero sino naman sa klase ang gustong makipagpareha sa kabilang kasarian? Lagi akong nakikipagpareha kay Minorin, at si Kitamura ay laging kasama mo. At ngayon sasabihin mo na makipagpareha ako sa kanya... Di ko yun kayang gawin!"

Tumahimik siya ng matapos niya ang kanyang sinasabi. Tut, tut, tut! Winagayway ni Ryuji ang kanyang daliri habang buong kapurihang pinapaliwanag ang kanyang strategy.

"Yun ang buong punto. Ngayon makinig ka! Ang pakay natin ay ang natural at kaswal na pagpareha sa kanya, ang kailangan lang natin ay konting paghahanda. Una, Makikipagpareha ako kay Aisaka..."

Tumingin si Aisaka sa mukha ni Ryuji ng may paghihinala,

"...At tapos?"

"Kapag nangyari yun, mapipilitan si Kitamura na makipagpareha sa iba. Pagkatapos, yung lalaking makikipagpareha kay Kitamura ay 'aksidenteng' matatamaan ng bola na ibabato ko. Bagaman hindi siya masasaktan doon, tama na yun para magkaroon ng konting kaguluhan, at dahil dun dadalhin ko siya sa school clinic. Kung gayon, hulaan mo kung sinong maiiwan?"

"...Ako at si Kitamura?"

"Tama? Sa ganitong paraan maaari kang lumapit at sabihing 'Mukhang wala na tayong choice kundi makipagpareha sa isa't isa'..."

"Isa ka talagang teribleng aktor. Akala mo ba madali akong lokohin? ... At sa tingin mo ganun lang kadali ang mangyayari?"

"Gagawin ko ang lahat para mapadali yun!"

Isinuot nilang dalawa ang kanilang sneakers at nagtipon kasama ang kanilang mga kaklase sa harap ng kanilang guro sa PE.

"Ngayong araw... magsasanay tayo sa pagpasa ng bola sa pamamagitan ng isang laban." Paliwang ng guro.

"Ngayo'y magsimula na tayo sa mga warm-up! Kayong lahat, hanapin niyo mga kapares ninyo!"

"Hoy, Aisaka!"

"Andito ako! Takasu, mag-grupo tayo!"

"Sige! Tara na!"

"Sige, tiwalag! Mukhang marami rito ang hindi na makapaghintay ngayong araw!"

Nagmamadaling naglakad sina Ryuji at Aisaka mula sa tiponan patungo sa isnag sulok ng gymansium pagkatapos nilang magpares. "Grabe... Hindi na pinahahagalahan niyang si Takasu ang sarili niyang buhay.""Mukhang siya na ang bagong alaga ng Palmtop Tiger." Ito ang mga bulong ng mga takot na mga tao na nakapaligid sa kanila ngunit hindi ito umabot sa pandinig ng dalawang taong pinaguusapan. Habang nakaharap sa isa't isa, patago silang nagsumangguni.

"Natapos natin ang unang parte ng plano nang walang problema."

"Oo."

Parehas silang tumango at nagpalitan ng tingin.

Ngunit, ang biglaang pagkilos nina Ryuji at Aisaka ay nagbigay ideya sa mga estudyante. Maliban sa mga mahiyain, nagimula nang kumilos ang mga iba nilang mga kaklase.

"Hmm... Ganitong klaseng araw ang araw nito, huh? Makikipares ako sa babae ngayong araw. Sino gusto makipares sa akin!?"

Simula sa isang malanding boses.

"Ako rin! Gusto ko ring makipares sa isang lalaki!"

"Tama ka, mukhang masaya parin sa ganitong paraan."

Nasasabik na ang buong klase maliban sa mga nangakong makikipares sa kanilang mga kaibigan, yung mga bawas ang kahihiyan ay nakipares sa kabilang kasarian.

Sa huli...

"Maru~o! Oops, Kitamura pala! Makipares ka sa akin."

"Huh? Ahhh, sige, dahil ipinagpalit ako ni Takasu..."

AH! Nakarinig ng sigaw si Ryuji dahil hinampas siya sa ulo ni Aisaka.

"A, anong nangyayari? May nakapares si Kitamura na kakaibang babae!"

Ang sinasabihan na kakaiba ay isa sa mga kilalang bibini sa kanilang klase, si Kihara Maya - Siya ay may malambot na katawan para sa isang 17 taong gulang na estudyante. Mayroon siyang mahahabang extensions sa kanyang pilikmata, habang ang kanyang mga labi ay may suson ng kulay-rosas na lipstick. Nakasuot ng kaunting pampaganda na nakapasa sa patakaran ng paaralan, siya ay maganda... Iyon ang nasa isipan ni Ryuji.

"Anong ibig sabihin no sa 'kakaibang babae? Siya si Kihara. Huwag mong tawagin ng ganyan ang mga kaklase mo! Kahit hindi umayon ang mga pangyayari sa ating mga plano.. WHA!"

Si Ryuji naman ang napasigaw sa mga sumusunod na pangyayari.

"Kushieda, magpares tayo!"

Ang nagsalita sa mahiyaing paraan ay si Noto Hisamitsu, isang dating kaklase sa 1-A na nakakama ni Ryuji ng mabuti. Kakaabot palang ng 17 taong gulang - ngunit ang sikat na itim na salamin ay hindi bagay sa kanya. "Anak ng- Ano'ng ginagawa ng bastardong 'yon?"