Difference between revisions of "Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 1"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
m (Formatting.)
m
Line 30: Line 30:
 
"Walang kwenta naman nito!"
 
"Walang kwenta naman nito!"
   
''Maging gwapo sa lumulutang na bangs'' — Yan ang slogan sa pinakabagong labas na magasin ng men's fashion. Dahil doon, "lumulutang" na ang mga bangs si Takasu Ryuuji. Ayon na rin sa nakalagay sa artikulo, hinila niya yung mga bangs niya, binlow-dry hanggang sa tumayo sila, at saka mahinahong nilagyan ang parehong gilid ng hair gel. Sadya siyang gumising nang kahalating oras na mas maaga para maging katulad ng modelo ang buhok niya at matupad ang kahilingan niya.
+
''Maging gwapo sa lumulutang na bangs'' — Yan ang slogan sa pinakabagong labas na magasin ng men's fashion. Dahil doon, "lumulutang" na ang mga bangs si Takasu Ryuuji. Ayon na rin sa nakalagay sa artikulo, hinila niya yung mga bangs niya, binlow-dry hanggang sa tumayo sila, at saka mahinahong nilagyan ang parehong gilid ng hair gel. Gumising talaa siya nang kahalating oras na mas maaga para maging katulad ng modelo ang buhok niya at matupad ang kahilingan niya.
   
Gayunpaman, "Siguro, napakawalang muwang naman ako para baguhin ang sarili ko sa bangs lang."
+
Gayunpaman, "Napakatanga ko naman yata para baguhin ang sarili ko sa bangs lang."
   
 
Galit na itinapon ni Ryuuji ang magasin, na seryosong pinag-ipunan niya ng tapang para bilhin, sa basurahan. Sa kasamaang palad, dahil napakahina niyang umasinta, di niya ito naipasok, imbes ay bumuklat pa ito habang pabagsak, at kinalat ang basurang nasa basurahan sa sahig. Sabi sa nakabuklat na pahina, "May oras ka pa para makapasok sa paaralan. Maamo o brusko? Ang ating paglalakbay sa pagiging modelo."
 
Galit na itinapon ni Ryuuji ang magasin, na seryosong pinag-ipunan niya ng tapang para bilhin, sa basurahan. Sa kasamaang palad, dahil napakahina niyang umasinta, di niya ito naipasok, imbes ay bumuklat pa ito habang pabagsak, at kinalat ang basurang nasa basurahan sa sahig. Sabi sa nakabuklat na pahina, "May oras ka pa para makapasok sa paaralan. Maamo o brusko? Ang ating paglalakbay sa pagiging modelo."
   
''Kung ako lang ang tatanungin, di ako sigurado kung magmomodelo ako. Kahit na, gusto ko pa ring magbago.''
+
''Kung ako lang ang tatanungin, di ako sigurado kung magmomodelo ako. Kahit ganon, gusto ko pa ring magbago.''
   
 
Pero bigo ako.
 
Pero bigo ako.
Line 136: Line 136:
 
"Anong klase ba ng tao yung mga nakatira diyan, ha? Buksan niyo na yang ilaw niyo!"
 
"Anong klase ba ng tao yung mga nakatira diyan, ha? Buksan niyo na yang ilaw niyo!"
   
Nung nakaraang taon, ilang metro lang ang layo mula sa timog na bahagi ng bahay, may itinayong sampung palapag na pang-mayaman na apartment. Dahil do'n, di na sinisikatan ng araw ang loob ng bahay. Ito ang dahilan kung bakit ilang beses na'ng nasiraan ng ulo si Ryuuji dahil sa inis at irita — di na matuyo-tuyo ang mga labada, umuunat na ang tatami dahil sa alinsangan, nakabaliko sa mga sulok at inaamag na; minsan, lumalabo nang sobra-sobra ang mga bintana. Nagsisimula na'ng mapilas ang dingding, siguro dahil na rin sa alinsangan. ''Wala akong pake kasi inuupahan lang naman ito'', gustong sabihin ni Ryuuji sa sarili niya. Pero dahil na rin sa ugali niyang linisin ang lahat ng duming makikita niya, di niya magawang mawalan ng pake rito at magkaroon ng kompromiso. Tinitingala ang marangyang condo na naka-tile nang puti, walang magawa ang kaawa-awang mag-ina kundi tumayo nang magkasama't nakanganga.
+
Nung nakaraang taon, ilang metro lang ang layo mula sa timog na bahagi ng bahay, may itinayong sampung palapag na pang-mayamang apartment. Dahil do'n, di na sinisikatan ng araw ang loob ng bahay. Ito ang dahilan kung bakit ilang beses na'ng nasiraan ng ulo si Ryuuji dahil sa inis at irita — di na matuyo-tuyo ang mga labada, umuunat na ang tatami dahil sa alinsangan, nakabaliko sa mga sulok at inaamag na; minsan, lumalabo nang sobra-sobra ang mga bintana. Nagsisimula na'ng mapilas ang dingding, siguro dahil na rin sa alinsangan. ''Wala akong pake kasi inuupahan lang naman ito'', gustong sabihin ni Ryuuji sa sarili niya. Pero dahil na rin sa ugali niyang linisin ang lahat ng duming makikita niya, di niya magawang mawalan ng pake rito at magkaroon ng kompromiso. Tinitingala ang marangyang condo na naka-tile nang puti, walang magawa ang kaawa-awang mag-ina kundi tumayo nang magkasama't nakanganga.
   
 
"Hmm, di naman ako naaapektuhan nang sobra, tulog naman Ya-chan tuwing umaga e!"
 
"Hmm, di naman ako naaapektuhan nang sobra, tulog naman Ya-chan tuwing umaga e!"

Revision as of 00:40, 24 April 2021

May isang bagay sa mundo na di pa nakikita ng sinuman,

Malambot ito at matamis.

At kung makita ito, siguradong magugustuhan ito ng lahat,

Dahil mahusay ang pagkakatago nito sa daigdig, para mahirap itong mahanap.

Pero, dadating din ang araw na may makakakita nito.

At ang dapat makakuha nito ay ang karapat-dapat lamang.

Iyon lang.


"Naman!"

Alas siete trenta na ng umaga. Maganda naman ang araw, at madilim-dilim pa sa loob ng bahay. Dalawa ang silid sa bahay, na may kusinang nakaharap patimog sa loob ng dalawang palapag na paupahan, sampung minuto na lakad mula sa estasyon ng tren. Nasa 80,000 yen[1] ang renta.

"Suko na 'ko! Di ko makuha 'to nang tama!"

Pinunasan ng isang nayamot na kamay ang hamog sa salamin. Mahamog ang sira-sirang palikuran dahil sa pagligo sa madaling-araw. Kaya naman pagkapunas sa salamin, bumalik ito sa pagiging maulap. Walang kapupuntahan ang pagtuon ng galit sa isang salamin, gaano man kayamot ka...

"Walang kwenta naman nito!"

Maging gwapo sa lumulutang na bangs — Yan ang slogan sa pinakabagong labas na magasin ng men's fashion. Dahil doon, "lumulutang" na ang mga bangs si Takasu Ryuuji. Ayon na rin sa nakalagay sa artikulo, hinila niya yung mga bangs niya, binlow-dry hanggang sa tumayo sila, at saka mahinahong nilagyan ang parehong gilid ng hair gel. Gumising talaa siya nang kahalating oras na mas maaga para maging katulad ng modelo ang buhok niya at matupad ang kahilingan niya.

Gayunpaman, "Napakatanga ko naman yata para baguhin ang sarili ko sa bangs lang."

Galit na itinapon ni Ryuuji ang magasin, na seryosong pinag-ipunan niya ng tapang para bilhin, sa basurahan. Sa kasamaang palad, dahil napakahina niyang umasinta, di niya ito naipasok, imbes ay bumuklat pa ito habang pabagsak, at kinalat ang basurang nasa basurahan sa sahig. Sabi sa nakabuklat na pahina, "May oras ka pa para makapasok sa paaralan. Maamo o brusko? Ang ating paglalakbay sa pagiging modelo."

Kung ako lang ang tatanungin, di ako sigurado kung magmomodelo ako. Kahit ganon, gusto ko pa ring magbago.

Pero bigo ako.

Pakiramdam na talunan siya, binasâ ni Ryuuji ang mga kamay niya ng tubig at ginulo ang buhok na pinagtuunan niya ng maraming oras para ayusin. Bumalik siya sa pangkaraniwan niyang magulong tuwid na buhok. Pagkatapos, lumuhod siya para pulutin ang kalat sa sahig.

"Hala?! Ano 'tong... a... amag... maamag!"

Kahit na palagi niyang pinupunasan ang hamog, kahit na buong araw niyang nilinis ang mga amag sa kusina at palikuran nung nakaraang linggo... lahat yon, napunta sa wala dahil sa napaka-alinsangan na silid. Kinakagat ang labi sa inis, sinubukan ni Ryuuji kung maaalis niya ang mga amag gamit ang mga tisyu. Siyempre, di yon madali, at napunit niya ang mga ito bandang dulo.

"Naman, kakaubos ko lang nito nung isang araw lang e. Mukhang bibili na naman ako ng pantanggal-amag." Sa ngayon, iiwanan ko muna sila, pero babalikan ko kayo para kayo'y puksain! Tumingin pababa si Ryuuji sa amag havang nagpupulot ng mga kalat. Pagkatapos, marahas niyang pinunasan ang sahig gamit ang ilang tuwalyang gawa sa papel, sinigurong walang tinirang hibla ng buhok at dumi, at pinunasan ang hamog sa hugasán bago niya tinaas ang ulo at nagbuntong-hininga.

"Aa, oo. Pet food. Hoy, In~ko-chan!"

"Ah..."

Sumagot ang isang napakatinis na boses sa galit na sigaw ng isang estudyanteng nasa haiskul.

Salamat, gising na siya. Pinapasigla ang sarili uli, nakapaang pumasok si Ryuuji sa kusinang nakakahoy na tile, kumuha ng pet food at diyaryo, at pumunta sa isang sulok ng kanilang sala na naka-tatami.[2] Tinanggal niya pagkatapos ang damit sa nagtatakip sa kulungan ng ibon doon, at binati ang kanyang cute na alagang hindi niya nakita buong gabi.

Ngayon, iba-iba ang paraan ng pag-alaga ng mga tao sa kanilang alaga, pero ganito inaalagaan ng mga Takazu ang kanilang alagang parrot. Dahil nakakatakot ang hitsura nito sa pagtulog, kinakailangang takpan ng damit ito.

"Magandang umaga, Inko-chan."

Dilaw na parrot si Inko-chan. Tulad ng parati, kinakausap ni Ryuuji ito habang nilalagyan niya ito ng pagkain.

"Ga-gandang umaga," pataas ang pagkurap nito sa paraang di kaaya-aya o misteryoso, bagamat kaya nitong sumagot sa wikang Hapones. Kahit na kakagising lang, mukhang nasa magandang mood ito. Ito ang dahilan kung bakit siya cute.

"Inko-chan, sabihin mo kain tayo."

"Ka... Ka... Kain... Kain tayo! Kain tayo! Kain! Tayo!"

"Okey, tama na. Ngayon, tingnan naman natin kung kaya mong sabihin yon! Subukan mo kung kaya mo na'ng sabihin pangalan mo... dali, sabihin mo, Inko-chan."

"I... I... In... I... Iii... Ii..." Mukhang matindi ang ginagamit na enerhiya ni Inko-chan, habang ginagalaw niya ang kanyang ulo at mabilis na humihigop ng hangin, ay pagkatapos ay winawagaswas niya nang mabilis ang pakpak niya. "Iiiiii...."

Dumuduling ang mga mata niya, at makikita nang kaunti ang kanyang kulay-abong dila na unti-unting lumalabas sa tuka niya. Siguro magagawa niya ito ngayong araw, iniisip ng kanyang amo na todo ang pagdasal. Sa huli...

"Ble...!"

Naman... bakit ang bobo ng mga ibon? Tulad talaga ng inaasahan sa katiting lang ang utak. Nagbuntong-hininga si Ryuuji, habang binabalot ang pinagdumihang diyaryo. Tinapon niya ito sa isang plastik. Habang papunta sa basurahan para itapon ito kasama ng mga kalat sa kusina,

"...Sa'n... ka... pupunta..."

Mukhang gising na rin yata ang tangang nasa likod ng fusuma.[3]

"Ryuu-chan, diba uniporme yang suot mo? Bakit?" antok na tanong niya.

Maayos na binalot ni Ryuuji ang lalagyan ng basura at sumagot sa boses, "Papasok na 'ko. Diba sinabi ko kahapon na pasukan na?"

"Ah..."

Paulit-ulit na binulong niya ang sumusunod habang binubuklat niya ang mga binti niya sa futon,[4] nagmumukhang iiyak, Edi... Edi...

"Edi, paano yung... tanghalian ni Ya-chan? Wala pa akong naaamoy na pagkain e... may ginawa ka ba sa'kin?"

"Wala."

"Ano~... Edi... ano'ng gagawin ni Ya-chan... pagkagising niya...? Walang masarap na kakainin e..."

"Pauwi na 'ko pagkagising mo! Pupunta lang ako sa opening ceremony."

"Ano... yun lang ba..."

Hehehehe, ngumiti siya habang sinira niya ang nabukakang binti at nagsimula magpalakpak ...Patawad, palakpak ng paa.

"Opening ceremony ba? Congrats~! Edi ibig sabihin, Grade 11[5] na si Ryuu-chan mula ngayon?"

"Basta. Diba sinabi ko na na gaano ka man ka-busy, dapat tinatanggal mo muna yung makeup mo bago matulog? Angal ka nang angal diyan sa kung gaano kahirap tanggalin niyan, diba sinabi ko mismong bumili ka ng tisyu na pantanggal-makeup," tiningnan pa nang maigi ang paligid niya, "Ah... Hala! Kumalat yung makeup mo sa punda! Di ko yan maaalis sa labáhan! Dapat inaalagaan mo na yang balat mo! Di ka na bata!"

"Sensya na."

Kitang-kita ang batik-batik na panty niya. Habang tumatayo, tumatalbog ang dibdib niya habang napunta naman ang ilang hibla ng magulo niyang buhok sa pagitan nito. Wagaswas man yan ng buhok niya o dahil sa haba na rin ng kuko niya sa daliri, ramdam mo ang pagkababae niya. Pero kahit ganon, "Napasobra yata inom ko, isang oras pa lang ako sa bahay. Ah~, antok na 'ko," humikab siya, "Aa oo... may dala pala akong pudding pauwi."

Habang humihinga siya nang malalim, at kinakamot ang makapal na pilikmata niya, dahan-dahan siyang pumunta sa sulok ng silid para makuha ang mga pinamili niya. Ang hitsurang yon — ang napakapulang niyang labing bumubulong ng "pudding," ang mataba niyang pisngi, at ang mabilog niyang mata — mukhang di yata bagay sa kanya ang hitsurang bata. Kakaiba siya, oo, pero masasabi mo pa ring maganda siya.

"Hala... Ryuu-chan, di ko makita yung kutsara."

"Baka nakalimutang ilagay ng nagtitinda?"

"Imposible! Nakita ko siyang nilagay yung kutsara. Nakakapagtaka naman..."

Nanay ito ni Takasu Ryuuji, si Takasu Yasuko: pangalan sa trabaho "Mirano". Edad tatlumpu't tatlo (palagi niyang sinasabi na 23 siya habambuhay), nagtatrabaho siya bilang hostess sa kaisa-isang bar sa kanila, "Bishamonten Kuni."[6]

Binuhos ni Yasuko ang mga laman ng bag sa palapag at naghanap sa gilid ng kanyang futon. Sumimangot siya, "Ang dilim naman rito... di ko talaga makikita yung kutsara kung ganito! Ryuu-chan, pwede pabukas ng kurtina?"

"Nakabukas na sila."

"Ano~? Aa, oo... di nga pala ako madalas magising nang ganitong oras, kaya baka nalimutan ko lang..." Sa loob ng madilim na silid, sabay na nagbuntong-hininga ang mag-ina.

Yun ang bintanang nakaharap sa timog.

Anim na taon na nung lumipat sila rito. Sa loob nitong maliit nilang bahay na tinitirhan nilang dalawa, ang kaisa-isang pinagkukunan nila ng natural na liwanag ay mula sa bintana sa timog. Dahil nasa hilaga ang pintuan at dahil may kapitbahay sila sa magkaparehong gilid, tanging ang timog lang ang may bintana. Kahit ganito, marami-rami ang nakukuha nilang sinag ng araw, lalo na tuwing umaga. Di na kailangan pang buksan ang ilaw mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, maliban lang kung umuulan. Malaki noon ang nakukuha liwanag ni Ryuuji habang nakauniporme at naghahanda ng almusal nilang dalawa at kay Yasuko na mahimbing namang natutulog.

Subalit, lahat yon, nagtapos nung nakaraang taon.

"Putik yang apartment kasi e."

"Anong klase ba ng tao yung mga nakatira diyan, ha? Buksan niyo na yang ilaw niyo!"

Nung nakaraang taon, ilang metro lang ang layo mula sa timog na bahagi ng bahay, may itinayong sampung palapag na pang-mayamang apartment. Dahil do'n, di na sinisikatan ng araw ang loob ng bahay. Ito ang dahilan kung bakit ilang beses na'ng nasiraan ng ulo si Ryuuji dahil sa inis at irita — di na matuyo-tuyo ang mga labada, umuunat na ang tatami dahil sa alinsangan, nakabaliko sa mga sulok at inaamag na; minsan, lumalabo nang sobra-sobra ang mga bintana. Nagsisimula na'ng mapilas ang dingding, siguro dahil na rin sa alinsangan. Wala akong pake kasi inuupahan lang naman ito, gustong sabihin ni Ryuuji sa sarili niya. Pero dahil na rin sa ugali niyang linisin ang lahat ng duming makikita niya, di niya magawang mawalan ng pake rito at magkaroon ng kompromiso. Tinitingala ang marangyang condo na naka-tile nang puti, walang magawa ang kaawa-awang mag-ina kundi tumayo nang magkasama't nakanganga.

"Hmm, di naman ako naaapektuhan nang sobra, tulog naman Ya-chan tuwing umaga e!"

"Wala naman kwentang magreklamo. At isa pa, bumaba naman yung renta nang 5,000 yen[7] e."

Kumuha ng kutsara sa kusina si Ryuuji at binigay ito kay Yasuko, sabay kamot sa ulo at sinabing, "O sige na, aalis na 'ko." Di ito oras mag-family bonding; kailangan niya na'ng umalis.

Suot-suot ang gakuran[8] niya, hinila ni Ryuuji ang medyas niya. Pagkasiguro niyang nadala niya ang lahat, bigla niyang naalala ang mahinang tawag sa puso niya.

Tama, ngayon ang unang araw ng pasukan. Pagkatapos ng opening ceremony, magpapalitan na ng klase. Kahit na bigo siyang palitan ang imahe niya, hindi yon sapat para ma-depress siya, kasi may pag-asa pa rin siya, ika niya. O baka nag-eexpect lang siya nang masyado? Basta, yan yung mahinang nadama niya, pero ayaw niya munang sabihin ito.

"Alis na 'ko. I-lock mo yung pinto ha, at palitan mo yang pajama mo!"

"Okey~! Aa, ano Ryuu-chan," umupo si Yasuko sa futon at kinagat ang kutsara gamit ngipin. Nagsimula siyang ngumiti na parang bata, "Mukhang masigla ngayon si Ryuu-chan ha! Laban lang! Grade 11 ka na! Di nadaanan yan ni Ya-chan, alam mo ba."

Para maipanganak si Ryuuji. nag-dropout si Yasuko nung Grade 10 pa lang siya, kaya wala siyang kaide-ideya kung ano ang pakiramdam na maging Grade 11.[9] Nakadama saglit ng lungkot si Ryuuji.

"...oo nga e."

Ngumiti siya nang konti at itinaas ang kamay niya. Paraan niya ito ng pagpapasalamat sa nanay niya. Gayunpaman, nauwi sa di-inaasahang masamang resulta ang ginawa niyang ito. "HALA!" tumili si Yasuko sabay nagpagulong-gulong sa sahig, at sinabi niyq na rin sa wakas iyon. Sinabi niya na rin sa wakas iyon!

"Ang angas ni Ryuu-chan~! Nagiging kamukha mo na yung tatay mo!"

"!!!"

...sinabi niya na.

Tahimik na sinara ni Ryuuji ang pinto sa harapan at tumingala sa kalangitan. Paikot-ikot ang tingin niya, pakiramdam niya kasi na hinihigop siya ng ipo-ipong nasa ilalim niya. AYOKO! Ayoko non! Ayokong-ayoko non! Tumahimik ka na lang!

Yon! Yon ang isang bagay na ayokong marinig. Lalo na ngayong araw.

Kamukha mo yung tatay mo — mukhang hindi yata mapansin ni Yasuko ang nagdudusa si Ryuuji sa mga salitang iyon. Yun din ang dahilan kung bakit binili niya yung magasin at sinubukang niyang "palutangin" ang bangs niya.

Pagkalabas ng bahay, tumungo na si Ryuuji papunta sa paaralan, na kaya niyang malakad papunta. Mukhang baliko ang matigas niyang mukha. Kahit ganito, naglakad pa rin siya nang masigla na para bang nakasakay siya sa hangin. Nagbuntong-hininga siya, at sinuklay ang bangs gamit daliri para matago ang mga mata niya. Palagi niya itong ginagawa. Oo, ang pinagmulannng lahat ng mga pagdurusa niya ay ang mata niya.

Masama sila! Di dahil sa perpekto niyang paningin. Yung hitsura kasi nito; parang gusto ng gulo.

Mabilis na lumaki si Ryuuji sa nakalipas na taon, kaya lalaking laki na ang hitsura niya. Hindi siya gwapong-gwapo, hindi rin naman siya mukhang palatutok sa kompyuter ...Ahem. Basta, hindi naman masama ang hitsura niya, kahit na wala pang nagsabi non; at least yun ang nasa isip ni Ryuuji.

Talababa

  1. Katumbas ng P35,400 sa pera ngayon (2021).
  2. Uri ng banig na gawa sa kahoy. Madalas makikita sa mga tradisyonal na bahay sa Japan. Wikipedia.
  3. Uri ng dingding na gawa sa papel. Nagsisilbing divider ng mga silid sa isang tradisyonal na bahay sa Japan. Wikipedia.
  4. Isang uri ng kutson sa Japan. Wikipedia.
  5. Sa Japan, ang Grade 11 (ang unang taon ng senior high) ay katumbas ng ikalawang taon nila sa high school. Sinalin ito sa kasalukuyang katumbas na baitang sa Pilipinas. (Bago ang K-12, katumbas ito ng unang taon sa kolehiyo)
  6. Literal na Bansa ni Bishamonten. Si Bishamonten ay isa sa mga diyos ng Budismong Mahayana, na pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa panahon ng digmaan o labanan. Isa rin siya sa Pitong Pampasuwerteng Diyos (七福神, shichifukujin) sa mitolohiyang Hapones. Wikipedia.
  7. Nasa 2,200 piso ngayon (2021).
  8. Uri ng damit pampaaralan para sa mga lalaki sa Japan. Ito yung kulay-itim na jacket na makikita sa mga anime. Wikipedia.
  9. Para lang malinaw, ang Grade 11 ay ang ikalawang taon sa high school sa Japan, kaya ibig sabihin, nag-dropout siya sa high school. Isinulat ang Toradora! bago ang implementasyon ng K-12 sa Pilipinas, kaya pwede ring tingnan ito bilang "di nakapagkolehiyo si Yasuko."