Suzumiya Haruhi:Tomo4 Kabuuang Teksto: Difference between revisions

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
New page: == Suzumiya Haruhi Ika-apat na Tomo: Ang Pagkawala ni Haruhi Suzumiya == ---- Prologue Ang lamig ng umaga. Sa sobrang lamig ay aakalain mo na pwedeng mabasag ang yelo sa mundo kung b...
(No difference)

Revision as of 09:28, 6 October 2010

Suzumiya Haruhi Ika-apat na Tomo: Ang Pagkawala ni Haruhi Suzumiya



Prologue

Ang lamig ng umaga. Sa sobrang lamig ay aakalain mo na pwedeng mabasag ang yelo sa mundo kung bubutasin ng ice pick. O kaya ang mundo ay parang isinilid sa loob ng isang plastic tapos inilagay sa refrigirator.


Pero natural naman kasi dapat na malamig ngayon dahil winter na. Natapos na ang Cultural Festival isang buwan ng nakakaraan,noong panahon na iyon ay napaka-init. Tapos ngayong December, parang ngayon lang naalala ng Inang Kalikasan na winter na.