Difference between revisions of "Suzumiya Haruhi:Tomo4 Kabuuang Teksto"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
 
Line 6: Line 6:
   
Prologue
 
Prologue
  +
   
Ang lamig ng umaga. Sa sobrang lamig ay aakalain mo na pwedeng mabasag ang yelo sa mundo kung bubutasin ng ice pick. O kaya ang mundo ay parang isinilid sa loob ng isang plastic tapos inilagay sa refrigirator.
 
Pero natural naman kasi dapat na malamig ngayon dahil winter na. Natapos na ang Cultural Festival isang buwan ng nakakaraan,noong panahon na iyon ay napaka-init. Tapos ngayong Disyembre, parang ngayon lang naalala ng Inang Kalikasan na taglamig na, at ngayon ay naranasan ng katawan ko, na walang taglagas ngayong taon. 'Wag mong sabihin na may tao na nanggulo ng "business prosperity rebus" gamit-gamit ang kung anong mahika... Ang sistema ng malamig na hangin ng Siberia ay dapat nang mag-iba ng kurso. Wala naman talagang dahilan para bumisita s'ya bawat taon.
+
Pero natural naman kasi dapat na malamig ngayon dahil taglamig na. Natapos na ang Cultural Festival isang buwan ng nakakaraan,noong panahon na iyon ay napaka-init. Tapos ngayong Disyembre, parang ngayon lang naalala ng Inang Kalikasan na taglamig na, at ngayon ay naranasan ng katawan ko, na walang taglagas ngayong taon. 'Wag mong sabihin na may tao na nanggulo ng "business prosperity rebus" gamit-gamit ang kung anong mahika... Ang sistema ng malamig na hangin ng Siberia ay dapat nang mag-iba ng kurso. Wala naman talagang dahilan para bumisita s'ya bawat taon.
   
Latest revision as of 09:20, 21 September 2012

Suzumiya Haruhi Ika-apat na Tomo: Ang Pagkawala ni Haruhi Suzumiya[edit]

Prologue

Ang lamig ng umaga. Sa sobrang lamig ay aakalain mo na pwedeng mabasag ang yelo sa mundo kung bubutasin ng ice pick. O kaya ang mundo ay parang isinilid sa loob ng isang plastic tapos inilagay sa refrigirator.

Pero natural naman kasi dapat na malamig ngayon dahil taglamig na. Natapos na ang Cultural Festival isang buwan ng nakakaraan,noong panahon na iyon ay napaka-init. Tapos ngayong Disyembre, parang ngayon lang naalala ng Inang Kalikasan na taglamig na, at ngayon ay naranasan ng katawan ko, na walang taglagas ngayong taon. 'Wag mong sabihin na may tao na nanggulo ng "business prosperity rebus" gamit-gamit ang kung anong mahika... Ang sistema ng malamig na hangin ng Siberia ay dapat nang mag-iba ng kurso. Wala naman talagang dahilan para bumisita s'ya bawat taon.

Nabaliw na ba ang pag-ikot ba ng Mundo sa Araw? Habang ako'y naglalakad at nagbibigay ng alala para sa kalusugan ng Inang Kalikasan, narinig ko ang "Yo, Kyon!"

Isang lalaki na walang magandang iniintidi sa buhay ay tumakbo papunta sa akin at tinapik ng kasing gaan ng helium ang aking balikat. Masyadong nakakapagod kung hihinto pa ako kaya inilingon ko na lang ang aking ulo patungo sa kaniya.

"Yo, Taniguchi," sagot ko habang inilingon ko ulit ang aking ulo pabalik sa aking harapan at nanghahamak akong tumingin sa rurok ng isang malayong burol. Nag-uusap kami sa libis na ito araw-araw kaya bakit hindi nila dalian ang aming klase sa Physical Education? Lahat ng aming guro sa Physical Education, katulad na lamang ng aming guro ng klase na si Okabe, ay dapat na mas nag-aalala sa mga estudyante na kailangang maglakad ng sobrang haba para lang makarating dito araw-araw. Ang mga guro ay gumagamit ng kotse, sinasabi ko lang naman.

"Bakit ka nagsasalita na parang matandang coot? Bilisan mo ang iyong mahahabang hakbang! Ito'y magandang ihersisyo! Naiinitan ka, 'di ba? Eto, tingnan mo ko, hindi nga ako nakasuot ng panlamig. Ayoko ng tag-araw, pero gusto ko at maganda para sa akin ang panahon na ito!"

Ayos lang na maging sobrang masigla pero saan mo ba nakuha yan? Bahagian mo nga ako.

Ang hindi tumitigil na bunganga ni Taniguchi ay bumaluktot sa isang ngiti.

"Tapos na ang pagsusulit para sa katapusan ng termino! Salamat dito, tapos na ang ating pag-aaral ngayong taon. Hindi ba at mayroong mangyayari na mas kagila-gilalas sa madaling panahon?"

Ang pagsusulit para sa katapusan ng termino ay pumataw ng walang indiskriminasyon sa lahat ng estudyante sa paaralang ito, at natapos din ng walang indiskriminasyon. Ang tanging pagkakaiba, kung meron man, ay baka ang mga numero na nakasulat sa mga namarkahan na papel na pangsagot na naibalik na sa mga estudyante.

Naalala ko ang ekspresyon ng aking nanay noong nasimulan n'yang mag-alala sa nagbabala na cram school, at ang aking kalooban ay bumagsak. Kapag kami ay pumasok na para sa panglabing-isang taon, ang aming klase ay mahahati base sa mas gusto naming kolehiyo. Ang kursong pangsinig ba o kursong pangsiyensya? Pampubliko o pribadong kolehiyo? Pina-ikot ng mga pagpipilian ang ulo ko.

"Sinong may pakielam d'yan?" Tumatawa na sinabi ni Taniguchi. "Mas maraming mahalaga na bagay ang dapat nating intindihin, 'di ba. Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"Ika-labing pito ng Disyembre," sagot ko. "Ano ngayon?"

"Anong klaseng sagot yan? Hindi mo man lang maalala kung anong espesyal na araw sa susunod na linggo ang magpapalipad ng iyong puso?"

"Oh, nakikita ko." Napagtanto ko ang sagot ngayon lang. "Ang seremonya ng pagtatapos ng ating termino. Ang bakasyon para sa taglamig ay kakayayaang paghintayan."

Ngunit, tiningnan ako ni Taniguchi na parang isang maliit na hayop na nakakita ng isang sunog sa kagubatan. "Seryoso ka ba? Ang petsa sa susunod na linggo! Isipin mo! Lilitaw at lilitaw din ang sagot!"

"Hmm.."

Binuga ko ng malakas ang aking puting hininga.

Ika-dalawampu't apat ng Disyembre.