Difference between revisions of "Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 1"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
(Improvements on prose, grammar (first part).)
(No difference)

Revision as of 02:49, 11 April 2021

''May isang bagay sa mundong ito na hindi pa nakikita ng kahit sino man

Ito ay malambot at matamis.

At kung ito ay matagpuan, tiyak na gugustuhin ito ng lahat,

Sapagkat ito ay mahusay na itinago ng daigdig, upang ito ay mahirap hanapin.

Ngunit, darating ang araw na may makatatagpo nito,

At ang tanging makakukuha nito ay ang mga karapat-dapat lamang.

Iyon lang.


(!)

Kabanata 1

"Naman!"

Alas siete trenta na ng umaga. Maganda naman ang araw, at madilim-dilim pa sa loob ng bahay. Dalawa ang silid sa bahay, na may kusinang nakaharap patimog sa loob ng dalawang palapag na paupahan, sampung minuto na lakad mula sa estasyon ng tren. Nasa 80,000 yen ang renta.

"Suko na 'ko! Di ko makuha 'to nang tama!"

Pinunasan ng isang nayamot na kamay ang hamog sa salamin. Mahamog ang sira-sirang palikuran dahil sa pagligo sa madaling-araw. Kaya naman pagkapunas sa salamin, bumalik ito sa pagiging maulap. Walang kapupuntahan ang pagtuon ng galit sa isang salamin, gaano man kayamot ka...

"Walang kwenta naman nito!"

Maging gwapo sa lumulutang na bangs — Yan ang slogan sa pinakabagong labas na magasin ng men's fashion. Dahil doon, "lumulutang" na ang mga bangs si Takasu Ryuuji. Ayon na rin sa nakalagay sa artikulo, hinila niya yung mga bangs niya, binlow-dry hanggang sa tumayo sila, at saka mahinahong nilagyan ang parehong gilid ng hair gel. Sadya siyang gumising nang kahalating oras na mas maaga para maging katulad ng modelo ang buhok niya at matupad ang kahilingan niya.

Gayunpaman, "Siguro, napakawalang muwang naman ako para baguhin ang sarili ko sa bangs lang."

Galit na itinapon ni Ryuuji ang magasin, na seryosong pinag-ipunan niya ng tapang para bilhin, sa basurahan. Sa kasamaang palad, dahil napakahina niyang umasinta, di niya ito naipasok, imbes ay bumuklat pa ito habang pabagsak, at kinalat ang basurang nasa basurahan sa sahig. Sabi sa nakabuklat na pahina, "May oras ka pa para makapasok sa paaralan. Maamo o brusko? Ang ating paglalakbay sa pagiging modelo."

Kung ako lang ang tatanungin, di ako sigurado kung magmomodelo ako. Kahit na, gusto ko pa ring magbago.

Pero bigo ako.

Pakiramdam na talunan siya, binasâ ni Ryuuji ang mga kamay niya ng tubig at ginulo ang buhok na pinagtuunan niya ng maraming oras para ayusin. Bumalik siya sa pangkaraniwan niyang magulong tuwid na buhok. Pagkatapos, lumuhod siya para pulutin ang kalat sa sahig.

"Hala?! Ano 'tong... a... amag... maamag!"

Kahit na palagi niyang pinupunasan ang hamog, kahit na buong araw niyang nilinis ang mga amag sa kusina at palikuran nung nakaraang linggo... lahat yon, napunta sa wala dahil sa napaka-alinsangan na silid. Kinakagat ang labi sa inis, sinubukan ni Ryuuji kung maaalis niya ang mga amag gamit ang mga tisyu. Siyempre, di yon madali, at napunit niya ang mga ito bandang dulo.

"Naman, kakaubos ko lang nito nung isang araw lang e. Mukhang bibili na naman ako ng pantanggal-amag." Sa ngayon, iiwanan ko muna sila, pero babalikan ko kayo para kayo'y puksain! Tumingin pababa si Ryuuji sa amag havang nagpupulot ng mga kalat. Pagkatapos, marahas niyang pinunasan ang sahig gamit ang ilang tuwalyang gawa sa papel, sinigurong walang tinirang hibla ng buhok at dumi, at pinunasan ang hamog sa hugasán bago niya tinaas ang ulo at nagbuntong-hininga.

"Aa, oo. Pet food. Hoy, In~ko-chan!"

"Ah..."

Sumagot ang isang napakatinis na boses sa galit na sigaw ng isang estudyanteng nasa haiskul.

Salamat, gising na siya. Pinapasigla ang sarili uli, nakapaang pumasok si Ryuuji sa kusinang nakakahoy na tile, kumuha ng pet food at diyaryo, at pumunta sa isang sulok ng kanilang sala na naka-tatami. Tinanggal niya pagkatapos ang damit sa nagtatakip sa kulungan ng ibon doon, at binati ang kanyang cute na alagang hindi niya nakita buong gabi.

Ngayon, iba-iba ang paraan ng pag-alaga ng mga tao sa kanilang alaga, pero ganito inaalagaan ng mga Takazu ang kanilang alagang parrot. Dahil nakakatakot ang hitsura nito sa pagtulog, kinakailangang takpan ng damit ito.

"Magandang umaga, Inko-chan."

Dilaw na parrot si Inko-chan. Tulad ng parati, kinakausap ni Ryuuji ito habang nilalagyan niya ito ng pagkain.

"Ga-gandang umaga," pataas ang pagkurap nito sa paraang di kaaya-aya o misteryoso, bagamat kaya nitong sumagot sa wikang Hapones. Kahit na kakagising lang, mukhang nasa magandang mood ito. Ito ang dahilan kung bakit siya cute.

"Inko-chan, sabihin mo kain tayo."

"Ka... Ka... Kain... Kain tayo! Kain tayo! Kain! Tayo!"

"Okey, tama na. Ngayon, tingnan naman natin kung kaya mong sabihin yon! Subukan mo kung kaya mo na'ng sabihin pangalan mo... dali, sabihin mo, Inko-chan."

"I... I... In... I... Iii... Ii..." Mukhang matindi ang ginagamit na enerhiya ni Inko-chan, habang ginagalaw niya ang kanyang ulo at mabilis na humihigop ng hangin, ay pagkatapos ay winawagaswas niya nang mabilis ang pakpak niya. "Iiiiii...."

Dumuduling ang mga mata niya, at makikita nang kaunti ang kanyang kulay-abong dila na unti-unting lumalabas sa tuka niya. Siguro magagawa niya ito ngayong araw, iniisip ng kanyang amo na todo ang pagdasal. Sa huli...

"Ble...!"

Naman... bakit ang bobo ng mga ibon? Tulad talaga ng inaasahan sa isang katiting lang ang bigat ng utak. Nagbuntong-hininga si Ryuuji, habang binabalot ang pinagdumihang diyaryo. Tinapon niya ito sa isang plastik. Habang papunta sa basurahan para itapon ito kasama ng mga kalat sa kusina,

"...Sa'n... ka... pupunta..."

Mukhang gising na rin yata ang tangang nasa likod ng fusuma.

"Ryuu-chan, diba uniporme yang suot mo? Bakit?" antok na tanong niya.

Maayos na binalot ni Ryuuji ang lalagyan ng basura at sumagot sa boses, "Papasok na 'ko. Diba sinabi ko kahapon na pasukan na?"

"Ah..."

Paulit-ulit na binulong niya ang sumusunod habang binubuklat niya ang mga binti niya sa futon, nagmumukhang iiyak, Edi... Edi...

"Edi, paano yung... tanghalian ni Ya-chan? Wala pa akong naaamoy na pagkain e... may ginawa ka ba sa'kin?"

"Wala."

"Ano~... Edi... ano'ng gagawin ni Ya-chan... pagkagising niya...? Walang masarap na kakainin e..."

"Pauwi na 'ko pagkagising mo! Pupunta lang ako sa opening ceremony."

"Ano... yun lang ba..."

Hee hee hee hee, ngumiti siya habang sinira niya ang nabukakang binti at nagsimula magpalakpak ...Patawad, palakpak ng paa.

"Opening ceremony ba? Congrats~! Edi ibig sabihin, Grade 11 na si Ryuu-chan mula ngayon?"

"Basta. Diba sinabi ko na na gaano ka man ka-busy, dapat tinatanggal mo muna yung makeup mo bago matulog? Angal ka nang angal diyan sa kung gaano kahirap tanggalin niyan, diba sinabi ko mismong bumili ka ng tisyu na pantanggal-makeup," tiningnan pa nang maigi ang paligid niya, "Ah... Hala! Kumalat yung makeup mo sa punda! Di ko yan maaalis sa labáhan! Dapat inaalagaan mo na yang balat mo! Di ka na bata!"

"Sensya na."

Ang batik-batik niyang panty ay kitang-kita. Sa kanyang pagtayo, ang malusog niyang dibdib ay umalog habang ang ilan sa magulo niyang blond na buhok ay naipit sa pagitan ng kanyang dibdib. Maaaring dahil sa hampas ng kayang buhok o ang mahahabang kuko ng kanyang daliri, nagbigay siya ng matinding impresyon ng pagka-babae. Pero, "Masyado yata akong maraming nainom, kararating ko lang mga isang oras nang nakalipas. Ah~ Nakakaantok," sabay hikab, "Ah, nga pala... may dala akong pudding."

Sa kanyang paghinga sabay kamot sa makapal niyang mga kilay, unti-unti siyang lumapit tungo sa convenience store bag sa sulok ng kwarto. Ang anyong iyon — ang kanyang mapupulang labi na binibigkas ay "pudding", ang kanyang malulusog na pisngi, at ang bilugan niyang mata — ang mga pambatang karakter na ito ay waring hindi nababagay sa kanya. Kahit na medyo kakaiba, maaari pa rin siyang tawaging isang magandang babae.

"Huh... Ryuu-chan, hindi ko makita ang kutsara."

"Baka nakalimutan ng 'store assistant' na ilagay sa loob?"

"Hindi! Nakita ko na inilagay niya iyun eh. Bakit ganun..."

Ito ang nanay ni Takasu Ryuuji na si Takasu Yasuko: stage name "Mirano". Tatlumpu't tatlong gulang (lagi niyang sinasabi na magiging panghabang-panahon 23), nagtatrabaho siya bilang isang hostess sa kaisa-isang bar sa nayon sa "Bishamontengoku".

Ibinuhos ni Yasuko ang laman ng convenience store bag at kinalkal iyon sa sulok ng kanyang futon. Medyo nagalit ang maliit niyang mukha, "Ang dilim naman dito... Hindi ko makikita ang kutsara nang ganito! Ryuu-chan, maaari mo bang buksan ang mga kurtina?"

"Bukas na."

"Eh~...? Ahh, tama... dahil hindi ako ganitong oras lagi gumising, nakalimutan ko na..." Sa loob ng madilim na kwarto, ang mag-ina ay sabay na napabuntong-hininga.

Iyon ay ang bintanang nakaharap sa timog.

Mag-aanim na taon na nang sila ay lumipat dito.

Sa loob ng bahay na ito kung saan silang dalawa ay nakatira, ang laging pinanggagalingan ng natural na liwanag ay mula sa bintanang iyon. Habang ang pintuan ay nasa hilaga at dahil napapaligiran sila ng kanilang mga kapit-bahay sa dakong silangan at kanluran, ang dakong timog lamang ng kanilang bahay ang may bintana. Subalit kahit ganoon, maliwanag ang sikat ng araw, lalo na tuwing umaga. Hindi na kailangang buksan ang mga ilaw mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, maliban na lamang kung umuulan. Ang magandang sikat ng araw noon ay laging tumatanglaw kay Ryuuji habang nakasuot ng kanyang uniporme at naghahanda ng umagahan para sa kanilang dalawa. Ganun din ang sikat ng araw kay Yasuko na natutulog ng mahimbing.

Subalit, lahat ng iyon ay natapos nung nagdaang taon.

"'Langya naman 'yang apartment building na 'yan."

"Ano bang uri ng mga tao ang nakatira riyan, ha? At paki-bukas nga ang mga ilaw!"

Noong isang taon, ilang metro lang mula sa timog na bahagi ng kanilang bahay, isang sampung-palapag na luxury apartment building ang itinayo. At ang resulta, hindi na umaabot ang sikat ng araw. Ito ay nagdulot kay Ryuuji ng pagkainis at pagkairita ng maka-ilang beses na — hindi na matuyo ang mga labahin; ang tatami ay lumapad na dahil sa hamog, nabibilog na ang mga dulo at tinubuan ng amag; at minsan pa ay nagyeyelo. Ang mga wallpaper ay nagsisimula nang magtuklapan, na maaring sanhi rin ng hamog. Ayos lang naman dahil sa ito ay inuupahan lang na bahay, Iyun ang nais ni Ryuuji na sabihin sa kanyang sarili. Pero bilang isa na sobrang sensitibo sa pagpapanatiling ng maayos at malinis na paligid, hindi magawa ni Ryuuji na isawalang bahala ang mga bagay. Habang nakatingala at nakatingin sa puting-tiled at high-class na condo, walang magawa ang dalawang kaawawang tao na ito kundi tumayo ng magkatabi nang nakabukas ang mga bibig.

Hindi na mahalaga kung ito ay isang inuupahang apartment lamang, Gustong sabihin ni Ryuji sa kanyang sarili. Dahil na rin sa pagiging sensitibo niya sa pagpapanatili niya na malinis ang paligid, kaya hindi mapapayagan ni Ryuji na hayaan ang mga ganitong bagay na mangyari. Nakatingala siya sa white-tiled high-class condo, wala nang magagawa ang dalawang simpleng tao na ito kundi ang tumunganga na lang na nakabukas ang kanilang mga bibig.


(!)