Difference between revisions of "Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 1"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
m
m
Line 1: Line 1:
 
<center>
 
<center>
 
{{Navigation
 
{{Navigation
| Toradora (Filipino)
+
|Toradora (Filipino)|[[Toradora!:Volume1 Illustrations|'''Illustrasyon''']]
| [[Toradora!:Volume1 Illustrations|'''Illustrayong Kinulayan''']]
+
|[[Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 2|'''Kabanata 2''']]}}
| [[Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 2|'''Kabanata 2''']]
 
}}
 
 
</center>
 
</center>
 
<center>''May isang bagay sa mundo na di pa nakikita ng sinuman,''
 
<center>''May isang bagay sa mundo na di pa nakikita ng sinuman,''
Line 110: Line 108:
 
"Sensya na."
 
"Sensya na."
   
Kitang-kita ang batik-batik na panty niya. Habang tumatayo, tumatalbog ang dibdib niya habang napunta naman ang ilang hibla ng magulo niyang buhok sa pagitan ng mga ito. Wagaswas man yan ng buhok niya o dahil sa haba na rin ng kuko niya sa daliri, ramdam mo ang pagkababae niya. Pero kahit ganon, "Napasobra yata inom ko, isang oras pa lang ako sa bahay. Ah, naantok ako," humikab siya, "Aa oo... may dala akong pudding pauwi."
+
Kitang-kita ang batik-batik na panty niya. Habang tumatayo, tumatalbog ang dibdib niya habang napunta naman ang ilang hibla ng magulo niyang buhok sa pagitan nito. Wagaswas man yan ng buhok niya o dahil sa haba na rin ng kuko niya sa daliri, ramdam mo ang pagkababae niya. Pero kahit ganon, "Napasobra yata inom ko, isang oras pa lang ako sa bahay. Ah~, antok na 'ko," humikab siya, "Aa oo... may dala pala akong pudding pauwi."
   
Habang humihinga siya nang malalim, at kinakamot ang makapal na pilikmata niya, dahan-dahan siyang pumunta sa sulok ng silid para makuha ang mga pinamili niya. Ang hitsurang yon — ang napakapulang niyang labing bumubulong ng "pudding," ang mataba niyang pisngi, at ang mabilog niyang mata — mukhang di yata bagay sa kanya ang hitsurang bata. Kakaiba siya, oo, pero masasabi mo pa rin na maganda siya.
+
Habang humihinga siya nang malalim, at kinakamot ang makapal na pilikmata niya, dahan-dahan siyang pumunta sa sulok ng silid para makuha ang mga pinamili niya. Ang hitsurang yon — ang napakapulang niyang labing bumubulong ng "pudding," ang mataba niyang pisngi, at ang mabilog niyang mata — mukhang di yata bagay sa kanya ang hitsurang bata. Kakaiba siya, oo, pero masasabi mo pa ring maganda siya.
   
 
"Hala... Ryuu-chan, di ko makita yung kutsara."
 
"Hala... Ryuu-chan, di ko makita yung kutsara."
Line 120: Line 118:
 
"Imposible! Nakita ko siyang nilagay yung kutsara. Nakakapagtaka naman..."
 
"Imposible! Nakita ko siyang nilagay yung kutsara. Nakakapagtaka naman..."
   
Nanay ito ni Takasu Ryuuji, si Takasu Yasuko: pangalan sa trabaho "Mirano". Edad tatlumpu't tatlo (palagi niyang sinasabi na 23 siya habambuhay), nagtatrabaho siya bilang hostess sa kaisa-isang bar sa kanila, "Bishamonten Kuni."
+
Nanay ito ni Takasu Ryuuji, si Takasu Yasuko: pangalan sa trabaho "Mirano". Edad tatlumpu't tatlo (palagi niyang sinasabi na 23 siya habambuhay), nagtatrabaho siya bilang hostess sa kaisa-isang bar sa kanila, "Bishamonten Kuni."<ref>Literal na ''Bansa ni Bishamonten''. Si Bishamonten ay isa sa mga diyos ng Budismong Mahayana, na pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa panahon ng digmaan o labanan. Isa rin siya sa Pitong Pampasuwerteng Diyos (七福神, ''shichifukujin'') sa mitolohiyang Hapones. [https://en.wikipedia.org/wiki/Seven_Lucky_Gods Wikipedia].</ref>
   
Binuhos ni Yasuko ang mga laman ng bag sa palapag at naghanap sa mga ito sa gilid ng kanyang futon. Sumimangot siya, "Ang dilim naman rito... di ko talaga makikita yung kutsara kung ganito! Ryuu-chan, pwede pabukas ng kurtina?"
+
Binuhos ni Yasuko ang mga laman ng bag sa palapag at naghanap sa gilid ng kanyang futon. Sumimangot siya, "Ang dilim naman rito... di ko talaga makikita yung kutsara kung ganito! Ryuu-chan, pwede pabukas ng kurtina?"
   
 
"Nakabukas na sila."
 
"Nakabukas na sila."

Revision as of 02:12, 12 April 2021

May isang bagay sa mundo na di pa nakikita ng sinuman,

Malambot ito at matamis.

At kung makita ito, siguradong magugustuhan ito ng lahat,

Dahil mahusay ang pagkakatago nito sa daigdig, para mahirap itong mahanap.

Pero, dadating din ang araw na may makakakita nito.

At ang dapat makakuha nito ay ang karapat-dapat lamang.

Iyon lang.


"Naman!"

Alas siete trenta na ng umaga. Maganda naman ang araw, at madilim-dilim pa sa loob ng bahay. Dalawa ang silid sa bahay, na may kusinang nakaharap patimog sa loob ng dalawang palapag na paupahan, sampung minuto na lakad mula sa estasyon ng tren. Nasa 80,000 yen[1] ang renta.

"Suko na 'ko! Di ko makuha 'to nang tama!"

Pinunasan ng isang nayamot na kamay ang hamog sa salamin. Mahamog ang sira-sirang palikuran dahil sa pagligo sa madaling-araw. Kaya naman pagkapunas sa salamin, bumalik ito sa pagiging maulap. Walang kapupuntahan ang pagtuon ng galit sa isang salamin, gaano man kayamot ka...

"Walang kwenta naman nito!"

Maging gwapo sa lumulutang na bangs — Yan ang slogan sa pinakabagong labas na magasin ng men's fashion. Dahil doon, "lumulutang" na ang mga bangs si Takasu Ryuuji. Ayon na rin sa nakalagay sa artikulo, hinila niya yung mga bangs niya, binlow-dry hanggang sa tumayo sila, at saka mahinahong nilagyan ang parehong gilid ng hair gel. Sadya siyang gumising nang kahalating oras na mas maaga para maging katulad ng modelo ang buhok niya at matupad ang kahilingan niya.

Gayunpaman, "Siguro, napakawalang muwang naman ako para baguhin ang sarili ko sa bangs lang."

Galit na itinapon ni Ryuuji ang magasin, na seryosong pinag-ipunan niya ng tapang para bilhin, sa basurahan. Sa kasamaang palad, dahil napakahina niyang umasinta, di niya ito naipasok, imbes ay bumuklat pa ito habang pabagsak, at kinalat ang basurang nasa basurahan sa sahig. Sabi sa nakabuklat na pahina, "May oras ka pa para makapasok sa paaralan. Maamo o brusko? Ang ating paglalakbay sa pagiging modelo."

Kung ako lang ang tatanungin, di ako sigurado kung magmomodelo ako. Kahit na, gusto ko pa ring magbago.

Pero bigo ako.

Pakiramdam na talunan siya, binasâ ni Ryuuji ang mga kamay niya ng tubig at ginulo ang buhok na pinagtuunan niya ng maraming oras para ayusin. Bumalik siya sa pangkaraniwan niyang magulong tuwid na buhok. Pagkatapos, lumuhod siya para pulutin ang kalat sa sahig.

"Hala?! Ano 'tong... a... amag... maamag!"

Kahit na palagi niyang pinupunasan ang hamog, kahit na buong araw niyang nilinis ang mga amag sa kusina at palikuran nung nakaraang linggo... lahat yon, napunta sa wala dahil sa napaka-alinsangan na silid. Kinakagat ang labi sa inis, sinubukan ni Ryuuji kung maaalis niya ang mga amag gamit ang mga tisyu. Siyempre, di yon madali, at napunit niya ang mga ito bandang dulo.

"Naman, kakaubos ko lang nito nung isang araw lang e. Mukhang bibili na naman ako ng pantanggal-amag." Sa ngayon, iiwanan ko muna sila, pero babalikan ko kayo para kayo'y puksain! Tumingin pababa si Ryuuji sa amag havang nagpupulot ng mga kalat. Pagkatapos, marahas niyang pinunasan ang sahig gamit ang ilang tuwalyang gawa sa papel, sinigurong walang tinirang hibla ng buhok at dumi, at pinunasan ang hamog sa hugasán bago niya tinaas ang ulo at nagbuntong-hininga.

"Aa, oo. Pet food. Hoy, In~ko-chan!"

"Ah..."

Sumagot ang isang napakatinis na boses sa galit na sigaw ng isang estudyanteng nasa haiskul.

Salamat, gising na siya. Pinapasigla ang sarili uli, nakapaang pumasok si Ryuuji sa kusinang nakakahoy na tile, kumuha ng pet food at diyaryo, at pumunta sa isang sulok ng kanilang sala na naka-tatami.[2] Tinanggal niya pagkatapos ang damit sa nagtatakip sa kulungan ng ibon doon, at binati ang kanyang cute na alagang hindi niya nakita buong gabi.

Ngayon, iba-iba ang paraan ng pag-alaga ng mga tao sa kanilang alaga, pero ganito inaalagaan ng mga Takazu ang kanilang alagang parrot. Dahil nakakatakot ang hitsura nito sa pagtulog, kinakailangang takpan ng damit ito.

"Magandang umaga, Inko-chan."

Dilaw na parrot si Inko-chan. Tulad ng parati, kinakausap ni Ryuuji ito habang nilalagyan niya ito ng pagkain.

"Ga-gandang umaga," pataas ang pagkurap nito sa paraang di kaaya-aya o misteryoso, bagamat kaya nitong sumagot sa wikang Hapones. Kahit na kakagising lang, mukhang nasa magandang mood ito. Ito ang dahilan kung bakit siya cute.

"Inko-chan, sabihin mo kain tayo."

"Ka... Ka... Kain... Kain tayo! Kain tayo! Kain! Tayo!"

"Okey, tama na. Ngayon, tingnan naman natin kung kaya mong sabihin yon! Subukan mo kung kaya mo na'ng sabihin pangalan mo... dali, sabihin mo, Inko-chan."

"I... I... In... I... Iii... Ii..." Mukhang matindi ang ginagamit na enerhiya ni Inko-chan, habang ginagalaw niya ang kanyang ulo at mabilis na humihigop ng hangin, ay pagkatapos ay winawagaswas niya nang mabilis ang pakpak niya. "Iiiiii...."

Dumuduling ang mga mata niya, at makikita nang kaunti ang kanyang kulay-abong dila na unti-unting lumalabas sa tuka niya. Siguro magagawa niya ito ngayong araw, iniisip ng kanyang amo na todo ang pagdasal. Sa huli...

"Ble...!"

Naman... bakit ang bobo ng mga ibon? Tulad talaga ng inaasahan sa katiting lang ang utak. Nagbuntong-hininga si Ryuuji, habang binabalot ang pinagdumihang diyaryo. Tinapon niya ito sa isang plastik. Habang papunta sa basurahan para itapon ito kasama ng mga kalat sa kusina,

"...Sa'n... ka... pupunta..."

Mukhang gising na rin yata ang tangang nasa likod ng fusuma.[3]

"Ryuu-chan, diba uniporme yang suot mo? Bakit?" antok na tanong niya.

Maayos na binalot ni Ryuuji ang lalagyan ng basura at sumagot sa boses, "Papasok na 'ko. Diba sinabi ko kahapon na pasukan na?"

"Ah..."

Paulit-ulit na binulong niya ang sumusunod habang binubuklat niya ang mga binti niya sa futon,[4] nagmumukhang iiyak, Edi... Edi...

"Edi, paano yung... tanghalian ni Ya-chan? Wala pa akong naaamoy na pagkain e... may ginawa ka ba sa'kin?"

"Wala."

"Ano~... Edi... ano'ng gagawin ni Ya-chan... pagkagising niya...? Walang masarap na kakainin e..."

"Pauwi na 'ko pagkagising mo! Pupunta lang ako sa opening ceremony."

"Ano... yun lang ba..."

Hehehehe, ngumiti siya habang sinira niya ang nabukakang binti at nagsimula magpalakpak ...Patawad, palakpak ng paa.

"Opening ceremony ba? Congrats~! Edi ibig sabihin, Grade 11[5] na si Ryuu-chan mula ngayon?"

"Basta. Diba sinabi ko na na gaano ka man ka-busy, dapat tinatanggal mo muna yung makeup mo bago matulog? Angal ka nang angal diyan sa kung gaano kahirap tanggalin niyan, diba sinabi ko mismong bumili ka ng tisyu na pantanggal-makeup," tiningnan pa nang maigi ang paligid niya, "Ah... Hala! Kumalat yung makeup mo sa punda! Di ko yan maaalis sa labáhan! Dapat inaalagaan mo na yang balat mo! Di ka na bata!"

"Sensya na."

Kitang-kita ang batik-batik na panty niya. Habang tumatayo, tumatalbog ang dibdib niya habang napunta naman ang ilang hibla ng magulo niyang buhok sa pagitan nito. Wagaswas man yan ng buhok niya o dahil sa haba na rin ng kuko niya sa daliri, ramdam mo ang pagkababae niya. Pero kahit ganon, "Napasobra yata inom ko, isang oras pa lang ako sa bahay. Ah~, antok na 'ko," humikab siya, "Aa oo... may dala pala akong pudding pauwi."

Habang humihinga siya nang malalim, at kinakamot ang makapal na pilikmata niya, dahan-dahan siyang pumunta sa sulok ng silid para makuha ang mga pinamili niya. Ang hitsurang yon — ang napakapulang niyang labing bumubulong ng "pudding," ang mataba niyang pisngi, at ang mabilog niyang mata — mukhang di yata bagay sa kanya ang hitsurang bata. Kakaiba siya, oo, pero masasabi mo pa ring maganda siya.

"Hala... Ryuu-chan, di ko makita yung kutsara."

"Baka nakalimutang ilagay ng nagtitinda?"

"Imposible! Nakita ko siyang nilagay yung kutsara. Nakakapagtaka naman..."

Nanay ito ni Takasu Ryuuji, si Takasu Yasuko: pangalan sa trabaho "Mirano". Edad tatlumpu't tatlo (palagi niyang sinasabi na 23 siya habambuhay), nagtatrabaho siya bilang hostess sa kaisa-isang bar sa kanila, "Bishamonten Kuni."[6]

Binuhos ni Yasuko ang mga laman ng bag sa palapag at naghanap sa gilid ng kanyang futon. Sumimangot siya, "Ang dilim naman rito... di ko talaga makikita yung kutsara kung ganito! Ryuu-chan, pwede pabukas ng kurtina?"

"Nakabukas na sila."

"Ano~? Aa, oo... di nga pala ako madalas magising nang ganitong oras, kaya baka nalimutan ko lang..." Sa loob ng madilim na silid, sabay na nagbuntong-hininga ang mag-ina.

Yun ang bintanang nakaharap sa timog.

Anim na taon na nung lumipat sila rito. Sa loob nitong maliit nilang bahay na tinitirhan nilang dalawa, ang kaisa-isang pinagkukunan nila ng natural na liwanag ay mula sa bintana sa timog. Dahil nasa hilaga ang pintuan at dahil may kapitbahay sila sa magkaparehong gilid, tanging ang timog lang ang may bintana. Kahit ganito, marami-rami ang nakukuha nilang sinag ng araw, lalo na tuwing umaga. Di na kailangan pang buksan ang ilaw mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, maliban lang kung umuulan. Malaki noon ang nakukuha liwanag ni Ryuuji habang nakauniporme at naghahanda ng almusal nilang dalawa at kay Yasuko na mahimbing namang natutulog.

Subalit, lahat yon, nagtapos nung nakaraang taon.

Talababa

  1. Katumbas ng P35,400 sa pera ngayon (2021).
  2. Uri ng banig na gawa sa kahoy. Madalas makikita sa mga tradisyonal na bahay sa Japan. Wikipedia.
  3. Uri ng dingding na gawa sa papel. Nagsisilbing divider ng mga silid sa isang tradisyonal na bahay sa Japan. Wikipedia.
  4. Isang uri ng kutson sa Japan. Wikipedia.
  5. Sa Japan, ang Grade 11 (ang unang taon ng senior high) ay katumbas ng ikalawang taon nila sa high school. Sinalin ito sa kasalukuyang katumbas na baitang sa Pilipinas. (Bago ang K-12, katumbas ito ng unang taon sa kolehiyo)
  6. Literal na Bansa ni Bishamonten. Si Bishamonten ay isa sa mga diyos ng Budismong Mahayana, na pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa panahon ng digmaan o labanan. Isa rin siya sa Pitong Pampasuwerteng Diyos (七福神, shichifukujin) sa mitolohiyang Hapones. Wikipedia.