Toradora!:Tomo1 Kabanata4

From Baka-Tsuki
Revision as of 05:43, 21 August 2012 by Rukito (talk | contribs) (Created page with "'''Kabanata 4''' Simple lang ang plano... Magkakaroon ng isang laro ng basketball para sa PE ngayong araw. Mahahati ang babae't lalake sa dalawa at maglalaro sa parehong kas...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 4

Simple lang ang plano...

Magkakaroon ng isang laro ng basketball para sa PE ngayong araw. Mahahati ang babae't lalake sa dalawa at maglalaro sa parehong kasarian nila, pero kailangan muna nilang mag-warm-up bago yon... May dalawang tao na magkakapareha para mag-warm-up, na tatagal ng mga 10 minuto ng stretching at pasahan ng bola.

Ang mga estudyante ay libreng pumili kung sino ang gusto nilang makapareha para sa warm-up, hindi na iyon iniintindi ng kanilang guro sa PE basta magkaroon sila ng kapareha.

"... Na kung bakit, ito ang magandang oportunidad para sa dalawang tao na bihirang magsalita na magkaroong ng kausap. Sa tingin ko maganda ito! Kaya sige, makipagpareha ka kay Kitamura! Tapus ang istorya."

Pinaliwanag ni Ryuji ang kanyang strategy habang naglalakad papuntang himnasyo, nakasuot ng kanyang PE uniform. Naglalakad din sa tabi niya si Aisaka, na pinaglalaruan ang kanyang ponytail na itinali niya sa likod.

"Makipagpareha sa kanya... Pero sino naman sa klase ang gustong makipagpareha sa kabilang kasarian? Lagi akong nakikipagpareha kay Minorin, at si Kitamura ay laging kasama mo. At ngayon sasabihin mo na makipagpareha ako sa kanya... Di ko yun kayang gawin!"

Tumahimik siya ng matapos niya ang kanyang sinasabi. Tut, tut, tut! Winagayway ni Ryuji ang kanyang daliri habang buong kapurihang pinapaliwanag ang kanyang strategy.

"Yun ang buong punto. Ngayon makinig ka! Ang pakay natin ay ang natural at kaswal na pagpareha sa kanya, ang kailangan lang natin ay konting paghahanda. Una, Makikipagpareha ako kay Aisaka..."

Tumingin si Aisaka sa mukha ni Ryuji ng may paghihinala,

"...At tapos?"

"Kapag nangyari yun, mapipilitan si Kitamura na makipagpareha sa iba. Pagkatapos, yung lalaking makikipagpareha kay Kitamura ay 'aksidenteng' matatamaan ng bola na ibabato ko. Bagaman hindi siya masasaktan doon, tama na yun para magkaroon ng konting kaguluhan, at dahil dun dadalhin ko siya sa school clinic. Kung gayon, hulaan mo kung sinong maiiwan?"

"...Ako at si Kitamura?"

"Tama? Sa ganitong paraan maaari kang lumapit at sabihing 'Mukhang wala na tayong choice kundi makipagpareha sa isa't isa'..."

"Isa ka talagang teribleng aktor. Akala mo ba madali akong lokohin? ... At sa tingin mo ganun lang kadali ang mangyayari?"

"Gagawin ko ang lahat para mapadali yun!"

DI PA TAPOS****