Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 1
Jump to navigation
Jump to search
May isang bagay sa mundo na hindi pa nakikita ng kahit sinu man
Ito ay malambot at matamis
At kung ito man ay matagpuan, tiyak na gugustuhin ito ng lahat
Sapagkat ito ay mahusay na naitago ng daigdig, ito ay mahirap hanapin
Ngunit darating ang araw na may makakatagpo nito
At ang tangin makakakuha nito ay ang mga karapat dapat lamang
yun lang[1]
Kabanata 1
"Naman!"
Alas siyete noon
Malumanay na araw ngunit madilim sa loob.
Ang paupahang-bahay na ito ay may dalawang kuwarto at kusing na nakaharap sa bahaging timog ng dalawang palapag na gusali. Mula dito ay sampung minuto ang layo nito sa istasyon ng tren.
Ang upa dito ay 32,000 piso
"Suko na ako! Di ko 'to magawa ng tama!"