Haruhi Suzumiya:Tomo1 Mga Palatandaan sa Pagsalin

From Baka-Tsuki
Revision as of 17:14, 15 October 2008 by Diesus (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Nakita ang aking Mommy na hinahalikan si Santa Klaws

Hango sa awiting "I Saw Mommy Kissing Santa Claus" na isang kilalang kantang Pamasko na isinulat at inirekord ni Jimmy Boyd. Umabot ito sa unang puwesto ng Billboard noong 1952.

Esper

Tawag sa isang taong may taglay na ESP (extra-sensory perception) o mas kilala sa tawag na "sixth sense".

Gitnang paaralan

Sa Hapon, ito ang tatlong taon na pag-aaral matapos ang elementarya o mababang paaralan.

Alpha Centauri

Isang kumpol ng tatlong bituin na tila iisang bituin mula sa paningin. Ito ang pinakamalapit na sistemang pangbituin maliban sa Araw, sa layong 4.39 light year (o 25.8 trilyong milya).

Ika-10 baitang

Sa Hapon, ito ang simula ng hayskul o mataas na paaralan.

Kabanata 2

Moe

Sa salitang Hapon, nangangahulagang mainit sa salitang tagalog. Sa loob ng panahon ay naiba na ang gamit ng salitang Moe sa kulturang Hapon. Ngayon ay ginagamit itong pang-uri para sa mga taong "turn-on". Sa panitikan na ito, maaaring "turn-on factor" ang ibig sabihin at paggamit sa nasabing salita.


Ibalik sa Unang Pahina Ibalik sa Prologo