Toradora! (Filipino): Bol. 1, Kab. 1

From Baka-Tsuki
Revision as of 13:03, 19 December 2008 by Xxfate13 (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search
''May isang bagay sa mundong ito na hindi pa nakikita ng kahit sinu man

Ito ay malambot at matamis.

At kung ito ay matagpuan, tiyak na gugustuhin ito ng lahat,

Sapagkat ito ay mahusay na itinago ng daigdig, upang ito ay mahirap hanapin.

Ngunit, darating ang araw na may makakatagpo nito,

At ang tanging makakakuha nito ay ang mga karapat dapat lamang.

Iyun lang.


(!)

Kabanata 1

"Naman!"

Alas siyete noon.

Malumanay na araw ngunit madilim sa loob.

Ang paupahang-bahay na ito ay may dalawang kuwarto at kusing na nakaharap sa bahaging timog ng dalawang palapag na gusali. Mula dito ay sampung minuto ang layo nito sa istasyon ng tren.

Ang upa dito ay 32,000 piso.

"Ayoko na! Di ko kaya 'to!"

Tinanggal ng (mukhang)inis na kamay ang hamog sa salamin. Pero dahil may pagkaluma na ang banyo, matapos punasan ay bumalik ulit ang hamog.

Pero wala ring saysay na pagbuntungan ng galit ang isang salamin, kahit gaano pa ka-init ang ulo mo...

"Wala naman palang kwenta 'tong mga ito!"

Magmukhang maamo gamit ang naka-angat na bangs - Yun ang nakasulat sa pinakabagong fashion magazine na para sa mga kalalakihan.

Ang mga bangs ni Takasu Ryuji ngayon ay naka-angat na rin. Hinatak niya ito ng todo tulad ng nakasaad sa artikulo ng babasahin, pinatuyo upang umangat, at inayos ito ng patagilid gamit ang pomada. Sinunod nya ang lahat ng nakasaad sa artikulo. Gumising pa nga siya ng maaga(30 minuto mula sa kinagisnang oras) upang maitulad nya ang kanyang buhok sa mga modelo at nang matupad ang pangarap niya.

Pero...

".. Baka naman nagilusyon lang ako na kaya kong baguhin ang sarili ko sa pamamagitan lamang ng buhok.."

Nagmumukmok, tinapon ni Ryuji ang magasin na kinailangan niya ng lakas ng loob para bilhin. Pero di siya asintado at ito ay bumuklat matapos ikalat ang laman ng basurahan.

Nakasulat sa pahina na iyon, "May oras ka pa bago magsimula ang klase. Maamo o Marupok? Dito nagsisimula ang ating paglalakbay patungo sa pagmomodelo".... Kung ako man iyon, di ako sigurado kung gusto kong mag modelo

Pero gusto kong magbago

Di nga lang maganda ang kinalabasan.

Matapos iyon ay binasa ni Ryuji and kanyang mga kami at ginulo ang buhok na matagal nyang inayos, at binalik ito sa dating porma nito (unat). Pagkatapos ay pinulot nito ang mga kalat sa papag.

"Ah!? Ano 'to...a..amag.. AMAG!"

Kahit na pinunasan na niya ang hamog, kahit na isang linggo pa nyang nilinisan ang mga amag sa banyo, lahat ng iyon ay nasayang sa isang mainit na kwarto. Kagat ang kanyang labi, Sinubukang tanggalin ni Ryuji and mga amag gamit ang tissue. Malamang na hindi ito madali, kaya pinunit na lamang nya ang mga ito.

"hay, kakaubos ko lang nito. Kailangan ko nanamang bumili ng pantanggal amag"

Mamaya na siguro. Pero babalik ako para ubusin kayo! Tinitigan ni Ryuji and amag habang pinupulot ang mga kalat. PAgkatapos ay pinunasan nya ng maigi ang papag gamit ang mga tuwalya, kasama ang pagtanggal sa mga nakakalat na buhok at pagpunas ng hamog sa banyo bago nya inangat ang kanyang ulo at nagbuntong-hininga..

"Ah, oo nga pala... Oi, In~ko!"

"Ah.."

Isang matinis na boses ang sumagot sa sigaw ng binata. Mabuti naman at gising na siya.

Habang inaaoys ang sarili, pinuntahan ni Ryuji ang kusina, kumuha ng pagkain para sa kanyang alaga at mga gamit na diyaryo. Matapos nito ay pumunta sa gilid ng sala. Pagtanggal nito ng takip sa bahay-ibon, binati ni Ryuji and kanyang alaga na hindi pa nya nakikita buong gabi. Hindi ko alam kung panu pinapalaki ng ibang tao ang kanilang alaga, pero ganito ang pamamaraan ng mga Takasu sa kanilang alagang loro.

"Magandang umaga, Inko-chan."

Isang dilaw na loro, iyon si Inko-chan. Tulad ng dati, binigyan ni Ryuuji ng pagkain ang alagang loro habang kinakausap ito.

"Ma, magandang... umaga," kumindat pataas ang kanyang mga mata sa kakaiba at misteryosong paraan, pero nagawa pa rin niyang sumagot sa salitang Hapones. Kahit kakagising pa lang niya, siya ay nasa isang magandang modo. Iyon ang rason kung bakit siya nakakagiliw.

"Inko-chan, pakisabi nga ang kakain na."

"Ka, kain, n...kakain na! Kakain na! Kakain! Na!"

"Okey, tama na. Ngayon, tingnan natin kung kaya mo nang sabihin 'yon! Kayanin mo na kayang sabihin ang pangalan mo... halika na, Inko-chan."

"I, I, In, I, In, Iiii...I..." Umuubos ng maraming lakas si Inko-chan, habang umiiling at humihinga ng malalim, pagkatapos ay pumagaspas ang mga pakpak ng mabilis. "......iiiii......"


(!)


Habang naduduling ang mga mata, bahagyang makikita ang kulay abong dila mula sa tuka nito. Baka magagawa niya ito ngayon," naisip ng kanyang amo habang itinikom ng madiin ang kanyang kamao. Sa huli...

"Blegh!"

Ahhh... bakit ba bobo ang mga ibon? Gaya ng inaasahan kung meron kang utak na tumitimbang lang ng 1 gramo, buntung-hininga ni Ryuuji habang tinutupi ang mga maduming dyaryo. Itinapon niya ang mga dyaryo sa isang supot. Nang isasama na niya ito sa ibang basura sa kusina,

"...saan...ka...pupunta..."

Ang taong nakahiga sa likod ng fusuma ay mukhang nagising na din.

"Ryuu, uniporme mo ba 'yang suot mo? bakit?" bahagyang tanong.

Maiging inayos ni Ryuuji ang supot ng basura at sinagot ang boses, "Pupunta na ako sa school. 'Di ba sinabi ko na sa'yo kahapon na ngayon ang simula ng klase?"

"...Ah."

Bumukaka siya sa ibabaw ng futon, paulit-ulit niyang sinambit ang mga kataga na parang maiiyak, E di, e di..

"E di, paano na ang kay Ya-chan (!)na... tanghalian? Wala pa akong naaamoy na pagkain...di mo ba ko ginawa ng konti?"

"Hindi."

"Ehhh~... e di... anu na ang gagawin ni Ya-chan...'pag nagising na siya...? Walang masarap na pagkain..."

"Makakabalik ako ng bahay bago ka gumising! Pupunta lang ako sa Term Opening Ceremony." (!)


(!)