Toradora! (Filipino): Guidelines

From Baka-Tsuki
Revision as of 05:00, 11 April 2021 by GsH26 (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Ito po ang mga panuntunan sa pagsasalin mula sa isang wika patungo sa wikang Filipino. Para po ito sa seryeng Toradora!.

Gabay sa Pagsalin (2021)

Hangga't maaari, isalin po ang serye sa orihinal na wika nito (wikang Hapones). Kung hindi kaya o imposible, maaari naman po na gamitin ang opisyal na salin sa wikang Ingles ng serye. Pero, bago muna ang lahat ng iyon, magparehistro muna po kayo.

Simple lang po ang mga panuntunan sa pagsalin, dahil maliit na proyekto pa lamang ito.

Saligang-Batas

Narito ang "saligang-batas" na dapat sundin ng mga nagsasalin ng serye.

  • Dapat isalin ang lahat ng mga salita sa normal na pang-araw-araw na wikang Filipino.
    • Hindi ibig sabihin nito na bawal gamitin ang Ingles o Hapones sa salin. May mga salita talagang imposibleng masalin sa ibang wika.
  • Gamitin ang baybay na ginagamit ng nakararami.
    • Halimbawa, "konti" imbes na "kaunti", "kesa" imbes na "kaysa".
  • Gamtin ang balarila (grammar) na "ginagamit ng madla."
    • Sa madaling salita, wag maging purista sa pagsalin. Para saan ang pagsasalin kung nakakailang basahin ito?

Pwede ma-override ang mga ito depende sa mga kaso at kung ano na ang pinag-usapan. Pero, dapat tandaan na ito ang pinakamataas sa mga panuntunan sa pagsasalin.

Mga Kaso ng Pagsalin

Paki-update po ito para maipakita ang mga napag-usapan na.

Honorifics at ayos ng pangalan

  • I-retain ang mga honorifics. (kun, chan, san) Wag i-italicize.
  • I-retain din ang mga palayaw.
  • I-retain din ang ayos ng pangalan (una muna ang apelyido bago pangalan).

Paggamit ng mga malalalim o lumang salita

  • Depende sa kaso. Kung kailangang gamitin ang lumang Filipino sa eksena, gamitin ito. Ang mga halimbawa nito ay kung ginamit ang lumang Hapones o Ingles sa serye.
  • Pero, pinapayuhan na wag ito masyadong gamitin. Hangga't posible, gamitin ang pangkaraniwang Filipino.

Pagsalin sa mga salitang teknikal

  • Kung kaya, sige lang. Lagyan lang ng footnote ang bawat paggamit sa salita para maabisuhan ang mga mambabasa tungkol sa kung ano ang ibig sabihin nito. Magbigay din ng link sa Wikipedia kung posible.
  • Pero, kung di kaya, gamitin ang Ingles. Lagyan din ng footnote ang mga ito at magbigay ng maikling paliwanag tungkol rito. Magbigay din ng link sa Wikipedia kung posible. Wag i-italicize.