Suzumiya Haruhi:Tomo4 Kabuuang Teksto

From Baka-Tsuki
Revision as of 11:28, 6 October 2010 by Ginbrix 013 (talk | contribs) (New page: == Suzumiya Haruhi Ika-apat na Tomo: Ang Pagkawala ni Haruhi Suzumiya == ---- Prologue Ang lamig ng umaga. Sa sobrang lamig ay aakalain mo na pwedeng mabasag ang yelo sa mundo kung b...)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Suzumiya Haruhi Ika-apat na Tomo: Ang Pagkawala ni Haruhi Suzumiya



Prologue

Ang lamig ng umaga. Sa sobrang lamig ay aakalain mo na pwedeng mabasag ang yelo sa mundo kung bubutasin ng ice pick. O kaya ang mundo ay parang isinilid sa loob ng isang plastic tapos inilagay sa refrigirator.


Pero natural naman kasi dapat na malamig ngayon dahil winter na. Natapos na ang Cultural Festival isang buwan ng nakakaraan,noong panahon na iyon ay napaka-init. Tapos ngayong December, parang ngayon lang naalala ng Inang Kalikasan na winter na.