Toradora (Saling Tagalog)

From Baka-Tsuki
Jump to: navigation, search
Talop ng Tomo 1.

Nababasa rin ang seryeng toradora sa mga sumusunod na wika:

Buod ng Kwento[edit]

Sinimulan ni Takasu Ryuji ang pangalawang taon sa mataas na paraalan sa hangaring mapabuti ang kanyang imahe. Subalit meron siyang katangiang lubos na nagpapahirap sa kanya: sa kabila ng kanyang maamong personalidad, namana niya ang nakakasindak na mata ng kanyang amang hoodlum at dito siya karaniwang hinuhusgahan ng kanyang mga kamag-aral. Magbabago ang lahat ng ito nang di sinasadyang nakabangga niya sa unang araw ng pasukan ang pinaka mapanganib na nilalang sa paaralan - si Aisaka Taiga na mas kilala sa palayaw na "Palmtop Tiger." Maliit man ang pangangatawan ni Taiga, nagpapakita siya ng di kanais-nais na asal, at nagiging "duguan" ang landas na kanyang nadaanan, kaya ganon na lamang ang kanyang palayaw.

Matapos ang kaniyang di magandang pagtatagpo kay Taiga, ginawa ni Ryuji ang lahat makaiwas lamang sa dalaga. Subalit natuklasan ni Ryuji na may tinatagong paghanga si Taiga sa matalik nitong kaibigan na si Kitamura Yuji at natuklasan din ni Taiga na may gusto si Ryuji sa kaibigan niyang si Kushieda Minori. Sa ganitong pangyayari ay napagpasyahan ni Taiga na hayaang maging "katulong" niya si Ryuji upang mapalapit siya kay Kitamura at tutulangan naman nito ang binata na mapaganda ang imahe para mapalapit ito kay Minori.

Dahil sa obsesyon ni Ryuji sa kalinisan at magkalapit lang ang kanilang tirahan, kadalasang makikita si Taiga sa tahanan ni Ryuji at pinapangalagaan naman ng binata ang apartment ni Taiga. Di nagtagal, natuklasan ni Ryuji ang mga bagay-bagay tungkol kay Taiga na hindi karaniwang nalalaman ng iba. Dahil dito, naging malapit sila sa isa't isa na humantong sa mga haka-haka na sila ay magkasintahan.

Dito nagsisimula ang sagupaan ng Tigre at Dragon - Toradora!

Pagsalin[edit]

Talaan[edit]

Pinapayuhan ang mga tagasalin na itala kung ang ang mga kabanatang isinasalin nila. (Tingnan ang mga Panuntunan sa mga Tagasalin para sa mga patakaran sa paggamit.)

Mga Pamantayan ng Pormat[edit]

Kinakailangang umayon ang bawat kabanatang isinasalin sa mga napag-kasunduan nang mga panuntunan

Talaan ng Pagsalin[edit]

  • Mayo 12, 2008 - Sinimulan ang proyekto

Ang seryeng Toradora ni Takemiya Yuyuko[edit]

Tomo 1[edit]

Tomo 2[edit]

Tomo 3[edit]

Tomo 4[edit]

Tomo 5[edit]

Tomo 6[edit]

Tomo 7[edit]

Tagasalin[edit]