Difference between revisions of "Golden Time Tomo 1 Kabanata 1"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
Line 1: Line 1:
 
==Kabanata 1: Isang Blackout sa Tagsibol==
 
==Kabanata 1: Isang Blackout sa Tagsibol==
  +
  +
[[Image:Golden Time vol01 015.jpg|thumb]]
  +
   
 
Si Tada Banri ay umiiyak habang tumatakbo .
 
Si Tada Banri ay umiiyak habang tumatakbo .

Revision as of 15:32, 5 September 2014

Kabanata 1: Isang Blackout sa Tagsibol

Golden Time vol01 015.jpg


Si Tada Banri ay umiiyak habang tumatakbo .

Ang kalye ng Tokyo pagsapit ng ala-una ng madaling araw, sa kabila ng pagiging”Ang Tokyo”, ay isang madilim na lugar na walang senyales ng anumang buhay, kahit liwanag na nangagaling sa mga bintana ay wala. Pagdating ng araw ngayon (o sa halip, ay kahapon na), sa kabila ng pagiging buwan ng Abril, naging mainit na ang panahon kaya’t siya ay nakasuot na lamang ng sando at umiinom ng iced coffee, bumubulong sa sarili “Siguro’y ito ang Global Warming.” Siya ngayon nanginginig sa lamig at balisa. Ang sleeves ng kanyang flannel hoodie na kinuha pababa sa kanyang mga kamay, ang kanyang masyado’t mahinang yapak ay gumagawa ng isang tunog mula sa kanyang tsinelas sa kanyang paang walang suot, sa papaanong paraan, kung makakarating siya sa pangunahing kalye ay magiging ayos ang lahat… Dapat ay maayos ang lahat. Gusto niyang mangyari iyon. Gamit ang kanyang buong puso sa kanyang pagtakbo.

“ Ang isang lalaki na magiging labing-siyam ngayong taon ay hindi na dapat tumatakbo sa kalye ng gabi habang umiiyak…”, Naisip ko, pero naiintindihan ko ang pakiramdam ni Banri.

Kung ako ay nasa parehong sitwasyon ay, baka ako’y umiyak din.

Siya ay dumating sa kabisera kasama ang kanyang ina na, para sa kapakanan ng kanyang anak na magsisimulang mamuhay mag-isa, ay nakaayos ang mga kasangkapan, aparato, gas, tubig, kuryente, at kung ano ano pa. Siya ay nakaranas ng mga pormalidad mapa-doon o ditto man, at pagkatapos ngayong hapon (ang bilis!) bumalik na siya sa kanyang tirahan sakay ng Hikari bullet train.

At pagkatapos, sa wakas, talaga ngang nagsimula na ang kanyang unang gabi na mag-isa lamang siyang mamumuhay. Subalit, ang gabing ito ang dahilan upang abutan siya ng umaga nang kanyang college entrance ceremony. Madaling araw ng gabi, bilang ang bagong araw ay nagsisimula pa lamang, siya’y hindi makatulog dahil sa kanyang pag-aalala, ginawa niya ang dapat gawin ng sinumang residente sa Tokyo upang guluhin ang kanyang sarili: pumunta siya sa isang convenience store at mula sa isa pa… ngunit siya ay naligaw ng kanyang daan sa mga kalyeng kanyang dinaanan. Masahol, at tila ba’y kung saan, kung papaano, nawala ang kanyang susi para sa bago niyang tirahan. Gayunpaman, wala na ito sa kanyang bulsa ngayon.

Ang mga paa ni Banri ay biglang tumigil at naglakad nang may tatlong hakbang pabalik sa kanyang pinatunguhan. Nakakita siya ng mapa ng isang residential area na nakatindig sa gilid ng bangketa. “Ligtas”, sabi niya sa kanyang sarili habang nilapitan niya at hinanap ang kanyang apartment building kung saan siya ngayon nakatira, “Motomachi”, binabaybay ang ruta gamit ang kanyang daliri “Nandito ka”. Gayunpaman, kapag siya’y nakabalik sa harap ng apartment building, balak niyang maglakad sa kanyang dinaanan patungo sa convenience store, upang hanapin ang kanyang susi.

Ngunit… ahh, tama na.

Kung ang boses na ito ay aabot kay Banri, sasabihin ko sa kanya, “ Tignan mong mabuti ang mapa. Ang ‘Motomachi’ iyon ay ang ‘Motomachi’ na nasa susunod na distrito’’’ Hindi, sa halip aking sasabihin ay, “Naiwan mo iyon sa apartment simula pa lang nung una, nakalimutang ikandado! Nasa kuwarto iyon!’’ Sa kasamaang-palad, iyon ay di ko magagawa.

Pansamantala, ang aking magagawa ay magdasal lamang sa kung sakali’y si Banri ay makabalik na nang apartment at kahit papaano’y makatulog na nang mahimbing, at malamang siya ay makaligtas bukas sa darating na entrance ceremony ng walang anumang problema. At gaano kahalaga ang magagawa ng isang araw sa iyong buhay na, ang bagong college student entrance ceremony? Kahit ako--- bagaman naging isang pagala-galang kaluluwa, ay mauunawaan.

Hindi ako naniniwala sa posibilidad na ang kaluluwa ng mga lalaki, kahit iniwan na nila ang kanilang katawan, nandito at nananatili dito sa mundo upang magbantay sa isang tao. Ang bahagi ng mundong ito ay nakatago, kaya’t ngayon ko lamang ito natuklasan.

Ako si, ang nagsasalita, isang kaluluwa.

Ang pangalan ko dati’y Tada Banri.

Wala nang nakakarinig sa aking boses , kahit sinuma’y walang nakakapansin sa aking pag-iral.

Pinapanood itong bagong Tada Banri na patuloy na namumuhay, kahit na ako ay, ang kanyang kaluluwa, ay wala na sa kanya.

“Binata, sa oras na ito ano---, anong nangyare---“ Biglaan at, ang nabubuhay na Tada Banri ay lumingon ang mukha paharap at isang sikat ng liwanag tuwiran sa kanyang mga mata, parang usa na nagyeyelo sa headlights ng isang kotse.

“Ah, ano… ako, ako’y nawala…”

“Meron ba kayong lisensya, passport, o kahit anong bagay na meron na nagpapatunay kung sino ka?”

“Eh, ah, huh…”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumailalim siya sa isang interogasyon ng pulis. Ito ay magiging mahabang gabi. Ang sitwasyon bang ito ay isang krisis? Ito ba ay regalo mula sa Diyos? Hindi mo malalaman kung saan ba talaga nagaalala si Banri.


* * *


Main Page | Kabanata 2