Golden Time Tomo 1 Kabanata 1

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 1: Isang Blackout sa Tagsibol[edit]

Golden Time vol01 015.jpg


Si Tada Banri ay umiiyak habang tumatakbo .

Ang kalye ng Tokyo pagsapit ng ala-una ng madaling araw, sa kabila ng pagiging ”Ang Tokyo”, ay isang madilim na lugar na walang senyales ng anumang buhay, kahit liwanag na nangagaling sa mga bintana ay wala. Pagdating ng araw ngayon (o sa halip, ay kahapon na), sa kabila ng pagiging buwan ng Abril, naging mainit na ang panahon kaya’t siya ay nakasuot na lamang ng sando at umiinom ng iced coffee, bumubulong sa sarili “Siguro’y ito ang Global Warming.” Siya ngayon nanginginig sa lamig at balisa. Ang sleeves ng kanyang flannel hoodie na kinuha pababa sa kanyang mga kamay, ang kanyang masyado’t mahinang yapak ay gumagawa ng isang tunog mula sa kanyang tsinelas sa kanyang paang walang suot, sa papaanong paraan, kung makakarating siya sa pangunahing kalye ay magiging ayos ang lahat… Dapat ay maayos ang lahat. Gusto niyang mangyari iyon. Gamit ang kanyang buong puso sa kanyang pagtakbo.

“ Ang isang lalaki na magiging labing-siyam ngayong taon ay hindi na dapat tumatakbo sa kalye ng gabi habang umiiyak…”, Naisip ko, pero naiintindihan ko ang pakiramdam ni Banri.

Kung ako ay nasa parehong sitwasyon ay, baka ako’y umiyak din.

Siya ay dumating sa kabisera kasama ang kanyang ina na, para sa kapakanan ng kanyang anak na magsisimulang mamuhay mag-isa, ay nakaayos ang mga kasangkapan, aparato, gas, tubig, kuryente, at kung ano ano pa. Siya ay nakaranas ng mga pormalidad mapa-doon o ditto man, at pagkatapos ngayong hapon (ang bilis!) bumalik na siya sa kanyang tirahan sakay ng Hikari bullet train.

At pagkatapos, sa wakas, talaga ngang nagsimula na ang kanyang unang gabi na mag-isa lamang siyang mamumuhay. Subalit, ang gabing ito ang dahilan upang abutan siya ng umaga nang kanyang college entrance ceremony. Madaling araw ng gabi, bilang ang bagong araw ay nagsisimula pa lamang, siya’y hindi makatulog dahil sa kanyang pag-aalala, ginawa niya ang dapat gawin ng sinumang residente sa Tokyo upang guluhin ang kanyang sarili: pumunta siya sa isang convenience store at mula sa isa pa… ngunit siya ay naligaw ng kanyang daan sa mga kalyeng kanyang dinaanan. Masahol, at tila ba’y kung saan, kung papaano, nawala ang kanyang susi para sa bago niyang tirahan. Gayunpaman, wala na ito sa kanyang bulsa ngayon.

Ang mga paa ni Banri ay biglang tumigil at naglakad nang may tatlong hakbang pabalik sa kanyang pinatunguhan. Nakakita siya ng mapa ng isang residential area na nakatindig sa gilid ng bangketa. “Ligtas”, sabi niya sa kanyang sarili habang nilapitan niya at hinanap ang kanyang apartment building kung saan siya ngayon nakatira, “Motomachi”, binabaybay ang ruta gamit ang kanyang daliri “Nandito ka”. Gayunpaman, kapag siya’y nakabalik sa harap ng apartment building, balak niyang maglakad sa kanyang dinaanan patungo sa convenience store, upang hanapin ang kanyang susi.

Ngunit… ahh, tama na.

Kung ang boses na ito ay aabot kay Banri, sasabihin ko sa kanya, “ Tignan mong mabuti ang mapa. Ang ‘Motomachi’ iyon ay ang ‘Motomachi’ na nasa susunod na distrito’’’ Hindi, sa halip aking sasabihin ay, “Naiwan mo iyon sa apartment simula pa lang nung una, nakalimutang ikandado! Nasa kuwarto iyon!’’ Sa kasamaang-palad, iyon ay di ko magagawa.

Pansamantala, ang aking magagawa ay magdasal lamang sa kung sakali’y si Banri ay makabalik na nang apartment at kahit papaano’y makatulog na nang mahimbing, at malamang siya ay makaligtas bukas sa darating na entrance ceremony ng walang anumang problema. At gaano kahalaga ang magagawa ng isang araw sa iyong buhay na, ang bagong college student entrance ceremony? Kahit ako--- bagaman naging isang pagala-galang kaluluwa, ay mauunawaan.

Hindi ako naniniwala sa posibilidad na ang kaluluwa ng mga lalaki, kahit iniwan na nila ang kanilang katawan, nandito at nananatili dito sa mundo upang magbantay sa isang tao. Ang bahagi ng mundong ito ay nakatago, kaya’t ngayon ko lamang ito natuklasan.

Ako si, ang nagsasalita, isang kaluluwa.

Ang pangalan ko dati’y Tada Banri.

Wala nang nakakarinig sa aking boses , kahit sinuma’y walang nakakapansin sa aking pag-iral.

Pinapanood itong bagong Tada Banri na patuloy na namumuhay, kahit na ako ay, ang kanyang kaluluwa, ay wala na sa kanya.

“Binata, sa oras na ito ano---, anong nangyare---“ Biglaan at, ang nabubuhay na Tada Banri ay lumingon ang mukha paharap at isang sikat ng liwanag tuwiran sa kanyang mga mata, parang usa na nagyeyelo sa headlights ng isang kotse.

“Ah, ano… ako, ako’y nawala…”

“Meron ba kayong lisensya, passport, o kahit anong bagay na meron na nagpapatunay kung sino ka?”

“Eh, ah, huh…”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumailalim siya sa isang interogasyon ng pulis. Ito ay magiging mahabang gabi. Ang sitwasyon bang ito ay isang krisis? Ito ba ay regalo mula sa Diyos? Hindi mo malalaman kung saan ba talaga nagaalala si Banri.


* * *


Anumang bagay at lahat ng bagay ay itinapon sabay, ang kanyang kasalukuyang estado ng abal ay isa sa mga “ Matinding Pagkatakot”, wika ni Banri habang tinitignan ang paligid.

Ang panahon, subalit, ay napakaganda.

Ang silakbo ng mga talulot ng bulaklak ng seresa mula sa maaliwalas at bughaw na kalangitan ay parang sumasayaw sa paligid ng buong kabaliwan, habang ang mga ito’y gustong palipasin ang kanilang buhay bilang kamangha-mangha hangga’t maari. Ang awditoryum,na matatagpuan sa gitna ng mga luma at kulay abo na office buildings, ay tila ba’y maligaya sa pagdating sa sandali ng dula.

Ang tanawin ay parang kapareho ng isang bagay galing sa isang kuwadro. Bulaklak ng seresa ay kontra sa kalangitan ng Abril. Ang mga kabataan ay nagtitipon para sa mga pambungad na seremonya. Ang mga babae at lalaki ay suot ng magkapareho na bagong damit at katad na sapatos, maaliwalas na mga ngiti ay nagkalat sa buong paligid, umaasa sa buhay kolehiyo. Gustong makawala ni Banri sa dilim, sa nakatagong sulok nang kuwadrong iyon, kung saan siya nakatayo.

Ang paulit-ulit na daloy ng usapang magkakaibigan ay dumaan sa harap ng kanyang mga mata. Ang pasukan ng awditoryum ay nasa ilalim ng alero ng gusali. Sa sandaling iyon, si Banri at ang lahat ay may pareho at bagong mga damit at parehong tatak ng katad na sapatos, sa kanilang kamay ay mayroong mga sobre na may panagalan ng kanilang eskuwelahan. Sa madilim na lupon sa ilalim ng kanyang mga mata mula sa kakulangan ng pagtulog, hindi siya yung tipong freshman kung titignan. Ang kanyang kanang patilya ay nakakulot sa kakaibang angulo at ang hibla ng kanyang buhok malapit sa kanyang tainga ay nakapaloob, kumakaluskos,at iyon ay nakakaabala sa kanya.

Hindi niya magawang makatulog hanggang alas-tres ng madaling araw. Siya ay parang sira simula pa kagabi.

Nakuha niya ang ideya, sa kadiliman ng gabi, para lumabas at bumuli ng kung anuman, maligaw nang daan sa hindi pamilyar na kalye nang kalapit-bahay (sa halip ang pinaka-hangal na gagawin), ipinapaliwanag ang kanyang sitwasyon at inihatid pabalik sa kanyang apartment, na may kasamang paghihirap siya’y nakatulog na, ngunit dahil sa kanyang mga ugat, nagising siya ng alas-sais ng umaga. Pero iyon ay mas mabuti kaysa matulog ng gabi na, naisip niya, habang dahan-dahang inilalatag ang kanyang damit habang nilalasaw ang bigas ng kanyang ina na inilagay sa freezer, saka kumain ng agahan. Pagkatapos niyang maligo, at patuyuin ang kanyang buhok habang nakaupo sa kama. Hindi niya dapat ginawa iyon. Ang kanyang katawan ay nainitan na gamit ang shower, ang bagong kutson ay komportable at malamig pa rin, siya ay nahiga na lamang nang hindi namamalayan. Hindi niya matandaang pumikit ang kanyang mga mata. “Eh… Anong aking gagawin ngayon… Kainis…”, nasabi niya nang napagtanto niya na lagpas na pala ng alas-nuebe ng umaga. Ang pambungad na seremonya ay magsisimula alas-dyis ng umaga.


Prologo | Main Page | Kabanata 2