Suzumiya Haruhi:Tomo1 Kabanata2
Mula sa nangyari, ang mga hinihinala ko ay nagkatotoo.
Pagkatapos ng klase, hindi agad nawala si Haruhi sa silid-aralan na tulad ng dati. Ngayon naman ay hinila niya ako bigla at kinaladkad palabas ng silid-aralan, papunta sa koridor, paakyat ng hagdan, at sa wakas ay tumigil sa harap ng pintuan ng pinakatuktok na palapag.
Ang pintuang iyon ay kadalasang nakakandado, at ang hagdan sa ibabaw ng ika-apat na palapag ay mukhang ginagamit bilang bodega ng Art Club. Malalaking canvas, mga malapit nang masirang frame ng litrato, mga estatwa ng mga diyos ng digmaan na siyang nawawalan ng mga ilong at iba't iba pa ang nandito sa may hagdan na siyang nagpapasikip pa lalo sa masikip na lugar na ito.
Anung gusto niya gawin at dinala niya ako dito?
"Kailangan ko tulong mo."
Sinabi ito ni Haruhi habang hila-hila niya ang kurbata ko. Kasama ng matalas na tingin niya sa banda ibaba ng ulo ko, nagkaroon ako ng pakiramdam na tinatakot niya ako.