Suzumiya Haruhi:Tomo1 Kabanata2

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search

Status: Incomplete

Kabanata 2

Mula sa nangyari, ang mga hinihinala ko ay nagkatotoo.

Pagkatapos ng klase, hindi agad nawala si Haruhi sa silid-aralan na tulad ng dati. Ngayon naman ay hinila niya ako bigla at kinaladkad palabas ng silid-aralan, papunta sa koridor, paakyat ng hagdan, at sa wakas ay tumigil sa harap ng pintuan ng pinakatuktok na palapag.

Ang pintuang iyon ay kadalasang nakakandado, at ang hagdan sa ibabaw ng ika-apat na palapag ay mukhang ginagamit bilang bodega ng Art Club. Malalaking canvas, mga malapit nang masirang frame ng litrato, mga estatwa ng mga diyos ng digmaan na siyang nawawalan ng mga ilong at iba't iba pa ang nandito sa may hagdan na siyang nagpapasikip pa lalo sa masikip na lugar na ito.

Anung gusto niya gawin at dinala niya ako dito?

"Kailangan ko tulong mo."

Sinabi ito ni Haruhi habang hila-hila niya ang kurbata ko. Kasama ng matalas na tingin niya sa banda ibaba ng ulo ko, nagkaroon ako ng pakiramdam na tinatakot niya ako.

"Tulungan ka saan?"

Nagtanga-tangahan ako.

"Tulungan mo akong gumawa ng bagong club!"

"Sige nga, sabihin mo sa'kin, bakit kita kailangan tulungan na biglaan mo nalang naisip?"


"Kasi kailangan kong makakuha ng silid para sa club pati narin mga miyembro, kaya kailangan mong alamin anu-anung mga papeles ang kailangan magawa para sa maa-prubahan ng paaralan."

Ni 'di nga siya nakikinig sa akin. Hinawi ko ang kamay ni Haruhi.

"Anung club ang gusto mong gawin?"

"'Di na importante 'yun! Ang importante ay makagawa muna tayo ng club."

Sa tingin ko'y 'di papayagan ng paaralan na bumuo ng club na walang partikular na aktibidad.

|Makinig ka! Pagkatapos ng klase, kumilos ka at alamin mo kung ano ang kailangan na gawin, hahanap naman ako ng silid para sa club. Okay?"

'AYAW!'

Kung sumagot ako ng ganun, sigurado akong patay ako. Habang nagdadalawang isip ako kung paano sasagot, nakaalis na agad si Haruhi at bumaba ng palapag, iniwan niya ang isang naguguluhang lalaking mag-aaral na nakatayo mag-isa sa may maalikabok na paligid.

"... hindi pa ako um-oo sa pagtulong..."

Bugtong hininga, ang pagsasabi nito sa isang estatwa ay walang mapupuntahan. Makakaladkad ko lamang ang mabigat kong mga paa, habang iniisip kung paano ko ito ipapaliwanag sa mga kamag-aaral kong usisero.


Mga Kinakailangan upang bumubo ng isang "samahan":

Limang miyembro o mas marami pa. Isang inaamang guro, pangalan ng samahan, pinuno ng samahan, mga nais gawin ng samahan/isang buod ng nais makamit ang kinakailangan-kung saan kinakailangan din ng pag-apruba mula sa Kataas-taasang Komite ng Konseho ng Mag-aaral. Ang mga gawain ng samahan ay nararapat lamang na alinsunod sa pilosopiyang pagkamalikhain at pagiging aktibo ng paaralan. Base sa mga tala at resulta ng mga gawain ng samahan, ang Kataas-taasang Komite ay pag-uusapan kung nararapat lang na itaguyod ang samahan bilang isang "aral grupo." Dagdag pa, bilang isa samahan, ang paaralan ay hindi mag-bibigay ng kahit anung pinansyal na tulong.


Hindi ko na kailangan pang hanapin pa ang mga kinakailangan kasi lahat naman ay nakasulat sa likot ng student handbook.

Madali lang ang miyembro, kahit sino lang diyan pwede na basta maka-lima, kaya 'di ito problema. Yung inaamang guro ang mahirap hanapin, pero sa tingin ko kaya naman. Para sa pangalan ng samahan, sa tingin basta hindi masama ay ayus na. At ang pinuno ng samahan, sino pa ba, kundi si Haruhi mismo.

Pero pustahan tayo, na, hindi aakma ang mga gawain ng samahan namin sa "pagkamalikhain at pagiging aktibo."

Kahit sabihin ko 'yun, si Haruhi naman talaga ang tipong walang pakielam sa mga patakaran.


Nang tumunog na ang kampana para sa katapusan ng klase, ipinakita na naman ni Haruhi ang nakakatakot niyang lakas sa pamamagitan ng pagpisil ng manggas ng jaket ko habang hinihila palabas ng silid-aralan na parang kinikidnap sa bilis. Nahirapan ako ng lubos para lang masiguro na hindi ko maiwan ang bag ko sa loob ng silid-aralan.

"San tayo pupunta?"

Nagtanong ako, kasi, normal akong tao.

"Sa Club Room."

Si Haruhi, na punong-puno ng enerhiya na pawang sinisipa niya ang mga mababagal maglakad sa harap namin, ay sumagot ng isang maikling pangungusap, tapos tumahimik na. Paki-usap, pwede bang bitawan mo man lang ang kamay ko?

Pagkatapos namin makaalis sa unang pasilyo, pumunta kami sa isa pang gusali at umakyat. Naglakad kami sa isang madilim na pasilyo at sa kalagitnaan nito, tumigil si Haruhi. Siyempre, tumigil din ako.

May pintuan sa harap namin.

Samahang Panitikan

Nakadikit ang tabinging pangalan sa harap ng pinto.

"Nandito na tayo."

'Di man lang kumatok, binuksan ni Haruhi ay pintuan at naglakad papasok ng silid ng walang pagsasaalang-alang. Siyempre, sinundan ko siya sa loob.

Nakaka-gulat ang lawak ng silid, o mukha lang ganun kasi iisang parihabang mesa, bakal na upuan, at isang bookshelf lamang ang nandun. Kitang-kita na luma ang gusali dala ng mga sira sa kisame at dingding

Isang babae, na parang matagal nang nakatira sa silid, ang naka-upo sa isang bakal na upuan habang nagbabasa ng isang napaka-kapal na libro.

"Simula ngayon, ito na ang ating club room."

Binuksan ni Haruhi ang mga kamay niya at pormal na ipinahayag. Ang mukha niya'y nakinang kasama ng isang buhay na buhay na ngiti. 'Kung sana ipinapakita mo iyang ngiti mo sa klase...' inisip ko 'yun, pero wala akong lakas na loob na sabihin ng malakas.

"Teka lang, ano itong lugar na ito?"

"Ang gusali para sa Samahan ng Sining at Kultura. Merong pang-sining at musikang mga silid ang lugar na ito para sa Samahan ng Sining at ang Samahan ng Orkestra. Ang mga club at samahan na walang regular na silid ay dito nagtitipon para sa kani-kanilang gawain, dito sa gusaling tinatawag na Old Complex. Itong silid na ito ay sa Samahang Panitikan."

"Eh pano na ang Samahang Panitikan?"

"Pag nakapagtapos na ang mga nasa ikatlong taon ngayong tagsibol, ang samahan na ito'y wala nang miyembro. Ngayon taon ay wala silang bagong mga miyembro, kaya ang samahan ay mawawala na. Siya nga pala, ang babaeng iyan ay nasa unang taon at siya lang ang bagong miyembro."

"Kung ganun e hindi pa sila mawawala!"

"Okay lang! Ang isang samahan na iisa lang ang miyembro ay parang wala naring miyembro."

Sira ka talaga! Balak mo bang sakupin ang silid ng isang samahan? Bahagya kong tinignan ang natatanging kasapi ng Samahang Panitikan.

Isa siyang babaeng may salamin at maikli ang buhok.

Ganito na kaingay si Haruhi. Subalit ang babae, kahit isang saglit, ay 'di man lang inangat ang ulo niya. Maliban sa paglilipat ng pahina gamit ang mga daliri niya, mukha siyang 'di nagalaw, na parang wala kami doon sa lugar. Mukhang kakaiba rin ang babaeng ito!

Binabaan ko ang boses ko at tinanong si Haruhi:

"Panu na itong babaeng ito?"

"Wala naman daw siya pakielam!"

"Talaga?"

"Tinanung ko siya kaninang lunch. Sabi ko sa kanya na kailangan kong mahiram ang silid at sabi naman niya 'sige,' basta nababasa niya ang libro niya. Pero ngayong nabanggit mo, parang kakaiba siya."

Ikaw sa lahat ng tao ang magsasabi nun!

Tinignan ko ng mabuti ang kakaibang babae ng Samahang Panitikan ngayon.

Maputla ang kanyang balat at may mukhang walang emosyon. Ang mga daliri niya'y gumagalaw ng parang robot. Natatakpan ang kanyang magandang mukha nang maikli niyang buhok na pawang gugustuhin mong tanggalin yung salamin na makita lang ng mas maayos. Isang kataka-takang manika ang dating niya sa'kin. Sa ibang salita, isang misteryoso at walang emosyon na weirdo.

Siguro ay napansin niyang pinagmamasdan ko siya, biglang inangat niya ang ulo niya at itinulak ang niya ang salamin niya gamit ang daliri niya.

Nakita ko ang mga mata niyang may malalim ang kulay na siyang nakatitig sa akin mula sa likod ng mga salamin na iyon. Ang mata niya at bibig ay hindi nagpakita ng kahit anung pagpapahayag, parang isang maskara. Iba siya kay Haruhi-ang mukha niya ay ang tipong hindi nagpapakita ng emosyon.

"Nagato Yuki."

Sa tono ng pananalita niya ay parang nagsasabing ang pangalan niya ang nakakalimutan ng karamihan ng mga tao sa loob lamang ng tatlong segundo matapos ito marinig.

Tinitigan ako ni Nagato Yuki ng sandali; pagkatapos na parang nawalan ng interes, balik sa pagbabasa ng kanyang libro.

"Nagato-san," tinawag ko siya, "Gustong gamitin ng babaeng ito ang silid ng samahan niyo para sa papangalanan-palang na samahan niya. Ayus lang ba 'yun sa'yo?"

"Oo."

Di man lang naalis ang pagtingin ni Nagato sa libro.

"Pero baka nakakaabala sa'yo ito."

"Okay lang."

"Baka mapaalis ka pa nga eh?"

"Sige lang."

Kahit na sumagot naman siya, wala paring pagpapahayag mula sa kanya. Mukhang wala talaga siyang pakielam dito.

"Okay, e di ayus na," biglang sabay ni Haruhi.

Mukhang hyper nanaman siya, masama kutob ko dito.

"Simula ngayon, dito tayo magpupulong pagkatapos ng klase. Siguraduhin mong pupunta ka! Kundi patay ka!"

Sinabi niya 'yun nang may ngiti na parang isang cherry blossom na namumulaklak. Nag-atubili akong tumungo.

Paki-usap, ayaw ko pang mamatay!


Nakahanap na kami ng silid para sa samahan, pero wala paring nangyayari sa mga papeles. 'Di pa kami nakakapag-isip ng pangalan ng samahan at mga gawain na nais gawin ng samahan. Sinabihan ko na si Haruhi na ayusin muna ang mga bagay na ito, pero mukhang may iba siyang balak gawin.

"Pwede natin pag-isipan yan mamaya!" idineklara ni Haruhi ng malakas. "Ang tamang gawin ngayon ay ang maghanap ng mga miyembro. Kailangan pa natin ng kahit dalawang tao pa."

Sinama mo narin ang babae sa Samahang Panitikan? Huwag mong sabihin sa'kin na kinonsidera mo nang parang palamuti lang sa samahan si Nagato Yuki, ano?

"'Wag kang mag-alala dun. Makakakuha ako ng mga tao sa lalong madaling panahon, mayroon na nga akong mga taong naiisip eh."

Panung hindi ako mag-aalala? Lalong hindi ako mapakali sa mga gagawin mo!


Sumunod na araw pagtapos ng klase, pagkatapos kong tanggihan ang alok nina Taniguchi at Kunikida na sabay na umuwi, nag-atubili akong kaladkarin ang mabibigat kong mga paa at tumungo sa club room.

Sabi lang sa'kin ni Haruhu "Mauna ka na!" at lumabas ng silid aralan ng may bilis na nanaisin makuha ng mga nasa Samahang Pampalakasan. Napakabilis niya na napa-isip ako kung mayroon ba siyang mga pampabilis sa loob ng sapatos niya. 'Di ko malaman kung nagmamadali siyang makahanap ng bagong miyembro ng samahan, o baka naman excited siya kasi may nalaman na siyang paraan para makipag-usap sa mga taga ibang planeta.

Sa kabilang dako, magagawa ko lang ay dalhin ang bagahe ko, kaya dahan-dahan akong tumungo sa silid ng Samahang Panitikan.


Sa pagpasok ko sa club room, nalaman kong nasa loob na pala si Nagato Yuki, nasa parehon posisyon habang binabasa niya ang kanyang libro. Dahan-dahang akong lumapit sa kanya, pero tulad ng kahapon ang ulo niya'y nakabaon sa libro, parang walang ako sa paligid. Talaga bang puro basa lang ginagawa sa Samahang Panitikan? Bakit pa siya magbabasa buong magdamag?

Tahimik sa silid.

"... Anung binabasa mo?"

Nagtanung ako kasi hindi ko na kaya ang katahimikan. Sumagot si Nagato Yuki sa pamamagitan ng pag-angat sa libro at pagpapakita sa'kin ng cover. Nakita ko lang ay isang nakakalitong salitang dayuhan; mukhang isang nobelang pang-agham na fiction.

"Interesante ba 'yan?" "Is it interesting?"

Tinulak ni Nagato Yuki ang salamin niya pataas ng walang kahirap-hirap bago siya sumagot ng walang tono:

"Unique."

Tingin ko'y sasagutin niya kahit anung itanong ko sa kanya.

"Anung parte?"

"Lahat."

"Hilig mo ba ang magbasa?"

"Oo."

"Ahh..."

"..."

Balik sa katahimikan.

Pwede na ba akong umuwi?

Naisip ko yun habang binababa ko ang bagahe ko sa may mesa. Nang papaupo na ako sa bakal na upuan, biglang pasabog na bumukas ang pintuan na parang sinipa ito.

"Huy, pasensya na nahuli ako! Nahirapan akong huliin ang babaeng ito!"

Dumating sa wakas si Haruhi, habang kumakaway ang isa niyang kamay. Ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa pulso ng ibang tao- may hinuli siyang ibang tao! Nang pumasok si Haruhi ng kwarto, sa di malamang dahilan sinara niya ang pintuan. Click! Nang narinig ang tunog na iyon, ang magaan tignan na babae ay nagmukhang hindi komportable.

Wow, maganda siya.

Siya siguro ang "napiling kandidado" ni Haruhi.

"A... anung ginagawa mo?"

Sabi ng babae, mangiyak-ngiyak.

"S-saan ang lugar na ito? Bakit mo ako dinala dito? Tsaka, b-bakit mo kinandado ang pintuan? Anung gusto mo gawin sa'kin?"

"Tahimik!"

Sumigaw si Haruhi ng napakalakas na napatahimik na lamang ang babae.

"Ipapakilala ko siya: siya si Asahina Mikuru-chan."

Pagkatapos banggitin ang pangalan ng babae, tumigil sa pagsasalita si Haruhi. Mukhang hanggang dun lang ang pagpapakilala.

Muling naging tahimik ang silid-aralan. Ang itsura ni Haruhi ay parang may "mahusay ang nagawa ko"; si Nagato Yuki, muli, ay nagbabasa parin ng libro ng wala man lang reaksyon; at ang babaeng si Asahina Mikuru ay takot parin. Teka, bakit walang nagsasalita? Kaya naman nagsimula ako ng pag-uusapan.

"San mo naman siya kinidnap?"

"Hindi ito kidnap! Pinilit ko lang naman siya sumama sa'kin."

Pareho lang yun!

"Nakita ko siyang nagmumuni-muni sa silid ng mga nasa ikalawang taon, kaya kinuha ko siya run. Nagala ako sa mga sulok ng paaralan kapag recess, kaya maraming beses ko narin siyang nakita."

Yun pala ang lagi mong ginagawa kapag recess kapag hindi ka makita sa silid-aralan. Hindi, teka, 'di ito ang oras para isipin ito.

"Kahit ano pa, siya ay isang senpai!"

"Ano naman?"

Tinignan ko siya at di makapaniwala. Diyos ko, 'di man lang nag-iisip ang babaeng ito sa mga ginagawa niya!

"Sige nga... sabihin mo sa'kin, bakit kailangan mo siya, si, Asahina-san, di ba?"

"Eto oh, tignan mo."

Biglang tumuro si Haruhi patungo sa ilong ni Asahina Mikuru, kaya naman napa-atras kaagad siya.

"Cute niya 'di ba?"

Mga delikadong kidnapper lang ang magsasabi nun! Yun ang naisip ko.

"Naniniwala akong importante ang mga Moe na tauhan!" patuloy niya.

"... Sandali lang, ano ulit sinabi mo?"

"Sabi ko Moe! Yung nakakapag-turn on ng mga tao! Alam mo, karamihan sa mga storya ng mga imbestigador may mga tauhan dun na nakaka-turn on na siyang dahilan kung bakit sila kinaaawaan."

Napatingin ako at inobserbahan si Asahina Mikuru: may maliit siyang pangangatawan at isang mukha na madaling mapagkalaman na isang mag-aaral sa elementarya. Ang kayumanggi niyang buhok ay medyo kulot, nakalugay sa may likod niya. Ang pares ng mga puppy dog eyes niya ay nagbibigay ng parang "paki-usap protektahan mo ako" na dating. Ang bahagya niyang nakabukas na labi ay nagpakita ng isang hilera ng mapuputing ngipin na, kasama ng maliit niyang mukha, ay may isang perpektong kombinasyon. Kung bibigyan siya ng isang mahiwagang baton na may makinang na hiyas, baka mag-palit anyo siya sa isang maliit na diwata! Aargh~, ano bang iniisip ko!?

"At hindi lang yun!"

Mayabang na ngumiti si Haruhi, tapos bigla niyang hinawakan si Asahina Mikuru-san mula sa likod gamit ang mga kamay niya.

"Kyaaa!!"

Biglang sumigaw si Asahina-san. Pero di man lang nabahala si Haruhi, habang pinipisil ang dibdib ni Asahina na nasa loob ng sailor uniform niya.

"Aaaaa!"

"Maliit lang siya, pero mas malaki yung dibdib niya kaysa sa akin! Importante ang cute na mukha at tsaka malaking dibdib sa pag-turn on sa mga tao!"

Diyos ko, hihimatayin ako.

"Wow, ang laki nila talaga."

Pinasok ni Haruhi ang mga kamay niya sa loob ng uniform ni Asahina-san at nagsimulang manghimas. Tigilan mo na, nakakahiya ka!

"Tsk, nakakainis na! Ang cute ng mukha niya, tapos mas malaki yung dibdib niya kaysa sa akin!"

"T-tulong!!"

Namumula si Asahina-san. Pilit niyang makawala gamit ang kamay at paa niya, pero walang laban ang lakas niya para sa nanghaharas sa kanya. Nang binababa na ni Haruhi ang kamay niya patungo sa palda ni Asahina-san, di ko na matiis at hinila ko nag palayo ang nakakahiyang babae palayo kay Asahina-san.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo!?"

"Malaki talaga sila! Totoo! Bakit hindi mo subukan?"

Humalinghing si Asahina ng mahina.

"'Di nalang."

Yun lang ang nasabi ko.

Ang nakakagulat e, sa lahat ng pangyayaring ito, nagbabasa parin si Nagato Yuki ng libro niya, hindi man lang inangat ang ulo niya kahit isang beses. Ano ba ang babaeng ito?

Biglang napaisip ako.

"Hoy, di naman siguro no... ang dahilan lang sa pagdadala mo kay Asahina-san dito ay dahil cute siya at may malaking dibdib?"

"Aba siyempre!"

Diyos ko, sira ka talaga!

"Ang isang mascot na tauhan tulad niya ay kailangan!"

Kailangan daw! Sino ba nagsabi nun?