Golden Time Tomo 1 Kabanata 1

From Baka-Tsuki
Revision as of 13:44, 5 September 2014 by Shouadz (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 1: Isang Blackout sa Tagsibol

Si Tada Banri ay umiiyak habang tumatakbo .

Ang kalye ng Tokyo pagsapit ng ala-una ng medaling araw, sa kabila ng pagiging”Ang Tokyo”, ay isang madilim na lugar na walang senyales ng anumang buhay, kahit liwanag na nangagaling sa mga bintana ay wala. Pagdating ng araw ngayon (o sa halip, ay kahapon na), sa kabila ng pagiging buwan ng Abril, naging mainit na ang panahon kaya’t siya ay nakasuot na lamang ng sando at umiinom ng iced coffee, bumubulong sa sarili “Siguro’y ito ang Global Warming.” Siya ngayon nanginginig sa lamig at balisa. Ang sleeves ng kanyang flannel hoodie na kinuha pababa sa kanyang mga kamay, ang kanyang masyado’t mahinang yapak ay gumagawa ng isang tunog mula sa kanyang tsinelas sa kanyang paang walang suot, sa papaanong paraan, kung makakarating siya sa pangunahing kalye ay magiging ayos ang lahat… Dapat ay maayos ang lahat. Gusto niyang mangyari iyon. Gamit ang kanyang buong puso sa kanyang pagtakbo.

“ Ang isang lalaki na magiging labing-siyam ngayong taon ay hindi na dapat tumatakbo sa kalye ng gabi habang umiiyak…”, Naisip ko, pero naiintindihan ko ang pakiramdam ni Banri.

Kung ako ay nasa parehong sitwasyon ay, baka ako’y umiyak din.

Siya ay dumating sa kabisera kasama ang kanyang ina na, para sa kapakanan ng kanyang anak na magsisimulang mamuhay mag-isa, ay nakaayos ang mga kasangkapan, aparato, gas, tubig, kuryente, at kung ano ano pa. Siya ay nakaranas ng mga pormalidad mapa-doon o ditto man, at pagkatapos ngayong hapon (ang bilis!) bumalik na siya sa kanyang tirahan sakay ng Hikari bullet train.

At pagkatapos, sa wakas, talaga ngang nagsimula na ang kanyang unang gabi na mag-isa lamang siyang mamumuhay. Subalit, ang gabing ito ang dahilan upang abutan siya ng umaga nang kanyang college entrance ceremony. Madaling araw ng gabi, bilang ang bagong araw ay nagsisimula pa lamang, siya’y hindi makatulog dahil sa kanyang pag-aalala, ginawa niya ang dapat gawin ng sinumang residente sa Tokyo upang guluhin ang kanyang sarili: pumunta siya sa isang convenience store at mula sa isa pa… ngunit siya ay naligaw ng kanyang daan sa mga kalyeng kanyang dinaanan. Masahol, at tila ba’y kung saan, kung papaano, nawala ang kanyang susi para sa bago niyang tirahan. Gayunpaman, wala na ito sa kanyang bulsa ngayon.

Ang mga paa ni Banri ay biglang tumigil at naglakad nang may tatlong hakbang pabalik sa kanyang pinatunguhan. Nakakita siya ng mapa ng isang residential area na nakatindig sa gilid ng bangketa. “Ligtas”, sabi niya sa kanyang sarili habang nilapitan niya at hinanap ang kanyang apartment building kung saan siya ngayon nakatira, “Motomachi”, binabaybay ang ruta gamit ang kanyang daliri “Nandito ka”. Gayunpaman, kapag siya’y nakabalik sa harap ng apartment building, balak niyang maglakad sa kanyang dinaanan patungo sa convenience store, upang hanapin ang kanyang susi.


Main Page