Suzumiya Haruhi:Tomo1 Kabanata1

From Baka-Tsuki
Revision as of 07:45, 22 May 2014 by AeroPH (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Kabanata 1

Status: Incomplete

70% completed (estimated)

   

18/25 pages completed

   


At ayun na nga, pumasok ako sa mataas na paaralan sa may amin. Nagsisisi ako noong una sa desisyong ito dahil nasa tuktok ng isang mataas na burol ang eskuwela. Kahit tuwing tagsibol, darating sa paaralan ang mga estudyante na pawisan at pagod na pagod dahil sa pag-akyat ng matarik na daan - malinaw na malinaw na hindi gagana dito ang aking balak na "maglakad sa paaralan nang dahan-dahan". Tuwing naaalala ko ito, maliban sa kinakailangan kong ulit-ulitin ang pagpanhik-panaog sa burol araw-araw sa susunod na tatlong taon, napapagod ako't nalulungkot. Medyo napasobra ang tulog ko ngayong araw. Siguro kasi sa sobrang bilis ng paglakad ko kahapon, at siguro iyon ang dahilan kung bakit sobrang pagod ako noon. Pupuwede akong gumising nang mas maaga, kaya lang, alam niyo na, pinakamahimbing ang tulog niyo bago kayo magising. Ayokong sayangin ang mahalagang 10 minutong iyon, kung kaya't pinabayaan ko na lang, at ibig sabihin nito ay kailangan kong ulit-ulitin ang maagang ehersisyong ito sa susunod na tatlong taon. Nakakalungkot talaga.

Ito ang dahilan ng aking nag-iisang malagim na mukha habang isinasagawa ang maaksaya-sa-oras na seremonya sa pagpasok. Nababakas sa lahat ng aking mga kaeskuwela ang mukha ng "pagsisimula ng bagong paglalakbay"; alam mo na, 'yung tipong "mapag-asa, ngunit puno ng pag-aalinlangan" na hitsura tuwing papasok sa bagong eskuwela. Sa akin, hindi ganito ang kaso - karamihan naman ng aking mga kaklase mula sa dating gitnang paaralan ay narito rin sa eskuwelang ito. Dagdagan mo pa na ilan sa mga kaibigan ko'y narito rin. At dahil doon, hindi ako nagmukhang nag-aalala, o nasasabik, gaya ng iba.

Nakadyaket ang mga lalake at nakaunipormeng pangmarino naman ang mga babae. Wow, kakaibang kombinasyon 'yun ah. Siguro kasi 'yung nakakaantok na punung-guro na nagbibigay ng talumpati sa entablado'y may sekswal na hilig sa mga unipormeng pangmarino. Habang iniisip ko ang mga walang silbing bagay na ito, natapos rin sa wakas na nakabobobong seremonya. Ako, sampu ng aking mga di-masyadong-handang mga kaklase, ay pumasok sa silid aralan ng seksyong 1-5.

Naglakad patungo sa harapan ng klase ang aming gurong si Ginoong Okabe, suot ang ngiting ininsayo ng isang oras sa harap ng salamin, at nagpakilala sa amin. Una niyang sinabi na isa siyang guro sa PE, at siya ang namamahalang guro sa handball team. Pagkatapos ay ikinuwento niya kung papaano siya naglaro ng handball para sa kanyang pamantasan, at nanalo pa ng kampiyonato, at ngayong kulang sa mga manlalaro ng handball ang eskuwelang ito, kaya kung sinuman ang sasali sa team ay magiging regular kaagad. At pagkatapos nagkuwento pa siya ng mga bagay-bagay gaya ng kung bakit ang handball ang pinakakawiliwiling laro sa mundo at iba pa. Kung kailang akala kong hindi na siya matatapos, saka siya nagbulalas:

"Ngayon, magpakilala naman kayo!"

Medyo karaniwan na ang ganito, kaya hindi na ako nagulat.

Isa-isang nagpakilala ang bawat kaklase mula sa kaliwang bahagi ng silid-aralan. Itinaas nila ang kanilang kamay, pagkatapos ibinanggit ang kanilang pangalan, ang pangalan ng kanilang lumang eskuwela, at iba pang pangkaraniwang bagay gaya ng kung ano ang kanilang hilig o paboritong pagkain. Ang ilan sa aking mga kaklase'y idinaan lang sa pagbulong, ang iba nama'y medyo nakakapukaw ng interes ang kanilang pagpapakilala, habang ang iba'y sinubukang magbiro na siyang nagpababa ng init sa silid-aralan nang bahagya. Habang paparami na ang nagpakilala, papalapit na ang aking pagkakataon. Kinakabahan ako! Kailangan nilang malaman kung ano ang nararamdaman ko, 'di ba?

Nang nagawa kong tapusin ang aking pinag-isipa't maigsing pagpapakilala nang hindi masyadong nauutal, umupo ako't huminga nang maluwag na nagagawa mo matapos tapusin ang isang gawaing hindi kanais-nais pero kinakailangan. Tumayo ang aking kaklase sa likuran para sa kanyang pagkakataon at--ah, malamang hindi ko ito makakalimutan sa tanang buhay ko--sinambit ang mga salitang magiging paksa ng usap-usapan sa mahabang panahon.

"Ako si Haruhi Suzumiya. Nagtapos ako sa Gitnang Paaralan ng Silangan."

Sa puntong ito medyo karaniwan pa ang pagpapakilala, kaya hindi man lang ako nag-abalang lumingon upang tignan siya. Tumitig lang ako sa pisara at pinakinggan ang kanyang sumisilakbong boses.

"Wala akong interes sa mga karaniwang tao. Kung sinuman dito ang alien, manlalakbay ng panahon, manlalakbay ng dimensyon, o isang esper, hanapin lamang ako! Iyon lamang."

Nang narinig ko iyon, hindi ko napigilang lumingon.

Mahaba't manipis ang kanyang itim na buhok. Ang kanyang kyut na mukha'y puno ng kapangahasan at paghaman habang tinitigan siya ng buong klase. Lumiliwanag sa kanyang kumikislap na mga mata't mahahabang kilay ang kanyang pagiging seryoso at determinasyon. Nakapanguso nang mahigpit ang kanyang maliit na labi. Ito ang aking unang pagkakakilala ko sa kanya.

Naalala ko pa kung gaano kakintab ng kanyang maputing lalamunan--medyo maganda pala siya.

Sa pamamagitan ng kanyang mga nangangalit na mata, dahan-dahang siniyasat ni Haruhi ang buong klase, at huminto upang tumitig nang mabalasik sa akin (nakanganga ako), at umupo nang hindi man lang ngumingiti.

Nagpapakadramatiko ba siya?

Sa puntong iyon naniniwala akong puno ng katanungan ang lahat, at ang lahat ay nalito sa kung ano dapat ang kanilang reaksiyon. "Tatawa ba dapat ako?" Walang may alam.

Kunsabagay, kung pagbabasehan ang katapusan ng kanyang pagpapakilala, hindi niya sinusubukang magpakadrama o magpatawa dahil nanatiling mataimtin ang kanyang mukha.

Lagi siyang seryoso.

Base ito sa pagkakaintindi ko--hindi ito nagkakamali.

Matapos magsisayawan ang mga diwata ng katahimikan sa aking silid-aralan nang trenta segundo o mahigit pa, nag-alinlangang senyasan ng guro ang susunod na kaklase upang ituloy ang pagpapakilala, at nawala ang tensiyon sa paligid.



Ganito kami nagkakilala.

Talagang hindi ito malilimutan. Nais kong maniwalang nagkataon lang ang lahat ng ito.



Matapos niyang agawin ang atensyon ng lahat sa unang araw ng klase, nagbalik sa pagiging inosenteng estudyante si Haruhi.

Ito pala ang tinatawag nilang katahimikan bago ang bagyo! Naiintindihan ko na ngayon.

Gayun pa man, ang lahat sa paaralang ito ay nanggaling sa isa sa apat na gitnang paaralan sa bayan--mga taong katamtaman lang ang mga grado. Kasama na rito, siyempre, ang Gitnang Paaralan ng Silangan; kaya dapat may mga estudyante dito na naging kaeskuwela ni Haruhi doon, na may alam kung ano ang sinisimbolo ng kanyang katahimikan. Sa kasamaang palad, wala akong nakilalang kahit sinong estudyante na nanggaling sa Gitnang Paaralan ng Silangan, kung kaya walang makapagpaliwanag sa akin kung gaano kaseryoso ang kalagayang ito. Dahil dito, ilang araw matapos ng eksplosibong pagpapakilalang iyon, isang bagay na hindi ko malilimutan ang akin nagawa--sinubukan kong makipag-usap sa kanya bago magklase.

Nagsimulang maglaglagan ang aking mga domino ng kamalasan, at tila ako pa ang nagtulak sa unang piraso!

Kasi, tuwing nakaupo lang nang tahimik si Haruhi, mukha lang siyang normal at magandang babae, kung kaya't naisipan kong umupo sa harapan niya upang maging malapit sa kanya. Akala ko talaga magtatagumpay ito. Napakamanhid ko talaga. Nawa'y may manggising sa akin sa kamalayan.

Siyempre, nagsimula ang aming usapan sa insidenteng iyon.

"Musta."

Pahapyaw akong lumingon, na may bahagyang ngiti sa aking mukha.

"'Yun bang mga sinabi mo sa iyong pagpapakilala, seryoso ka ba doon?"

Habang nakahalikipkip ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib, nakasarang mga labi, nanatili sa ganoong tindig si Haruhi Suzumiya, at nagsimulang titigan ako sa mata.

"Ano'ng 'mga sinabi ko'?"

"'Yung tungkol sa mga alien."

"Alien ka ba?"

Masyado siyang seryoso.

"... Hindi."

"Kung hindi, eh ano'ng gusto mo?"

"... Wala, wala."

"Kung gayon, huwag mo akong kausapin. Inaaksaya mo lang ang oras ko."

Sa sobrang lamig ng kanyang titig, huli na nang napagtanto kong nauutal ako sa pagsabi ng "patawad". Inalis niya ang tingin sa akin nang mapagpahamak, at nagsimulang magsimangot habang nakatitig sa pisara.

Magsasalita pa dapat ako ng isa o dalawa pang pangungusap, pero wala akong maisip na sasabihing matino. Salamat na lang at dumating bigla ang aming guro sa silid-paaralan.

Lumingon ako pabalik sa aking upuan nang malungkot, at napansin kong may ilang mga taong nakatingin sa akin na tilang interesado. Siyempre, nainis ako. Nang titigan ko silang pabalik, napansin ko na lahat sila'y mukhang walang sigla. May iba pa ngang tumango sa akin nang may awa.

Gaya ng sinabi ko, noong una naiinis ako, ngunit kalauna'y nalaman ko na lahat sila'y nagtapos sa Gitnang Paaralan ng Silangan.



Dahil nga naging kasuklam-suklam ang aking unang pakikipag-usap kay Haruhi, naisip kong maging malayo muna ako sa kanya para sa kaligtasan ko na rin. Lumipas ang linggo nang ito ang aking nasa isip.

Kaya lang dahil nga bahagi ako ng klase, may mga taong lalapit at lalapit upang makausap ang kunot-noo at laging nakasimangot na si Haruhi.

Karamihan sa kanila'y mga babaeng maaarte; makakita lang sila ng babaeng kaklase na malayo sa kanila, sinusubukan nilang magpakabait upang tulungan ito. Mabuti iyon, pero sana inusisa muna nila ang kanilang inaasinta!

"Kumusta, napanood mo ba ang palabas sa TV kagabi? 'Yung nasa alas-9?"

"Hindi."

"Eh, bakit?"

"'Di ko alam."

"Panoorin mo. Hindi ka naman malilito sa kuwento kahit sa kalagitnaan mo na mapanood. Gusto mo bang ikuwento ko ang nakaraan sa 'yo?"

"Nakakainis ka!"

Ganoon ang nangyari.

Mabuti sana kung sasagot na lang siya ng "hindi" gamit ang kanyang mukhang nakasimangot. Pero hindi, kailangan pa niyang ipakita ang kanyang pagkainip sa kanyang salita at gawa. Napapaniwala tuloy ang kawawang biktima kung may nagawa nga siyang mali. Sa huli, ang masasabi lang niya ay "Ah ganoon ba? Sige...", at tatanungin ang sarili nila "Ano'ng nagawa kong mali?" sabay alis.

Huwag kang malungkot; wala kang sinabing mali. Ang problema ay nasa utak ni Haruhi Suzumiya, wala sa iyo.



Hindi man ako nababahalang kumain nang mag-isa, ayoko namang isipin ng ibang tao na mapag-isa ako kahit na ang mga nasa paligid ko'y masayang nagsisikainan kasama ang kanilang mga kaibigan. Kaya, kahit na hindi ako maintindihan ng iba, kumain ako ng aking baon kasama sina Kunikida na kaklase ko noong nasa gitnang paaralan pa ako at Taniguchi na kalapit-upuan ko sa klase.

Nagsimula kaming pag-usapan si Haruhi.

"Sinubukan mo bang kausapin si Suzumiya," walang kamuwang-muwang na tanong ni Taniguchi. Tumango ako.

"At pagkatapos may mga sinabi siyang mga kakaibang bagay at hindi mo na alam kung papaano sasagot?"

"Tama!"

Isinubo ni Taniguchi ang kapirasong nilagang itlog, nginuya niya ito at sinabing:

"Kung interesado ang babaeng 'yan sa 'yo, wala siyang sasabihing mga kakaibang bagay gaya niyan. Ang maipapayo ko lang sa 'yo, sumuko ka na! Dapat alam mo na ngayong hindi siya karaniwang babae."

"Kasama ko siya sa klase nang tatlong sunud-sunod na taon; kilala ko na siya."

Ginamit niya ang linyang ito bilang panimula ng kanyang talumpati.

"Laging siyang may mga ginagawang nakakalito. Akala ko noong una susubukan niyang pigilin ang sarili niya pagdating niya sa mataas na paaralan; 'yun pala hindi. Narinig mo 'yung pagpapakilala niya, 'di ba?"

"'Yun bang tungkol sa alien?"

Sumingit sa usapan si Kunikida na abalang tinatanggal ang mga tinik sa kanyang pritong isda.

"Oo, 'yun nga. Kahit noon pang nasa gitnang paaralan pa kami lagi siyang may sinasabi't ginagawang kakaiba. Halimbawa, may nangyaring bandalismo sa paaralan!"

"Ano'ng nangyari?"

"Alam mo ba 'yung parang kariton na ginagamit para malagyan ng mga linya ang damuhan kapag maglalaro ng football? Ano nga ba tawag doon... Basta, pumasok siya ng eskuwelahan nang gabi at, gamit ang bagay na 'yun, gumuhit ng isang malaking simbolo sa gitna ng damuhan."

May kapilyuhan sa ngiti ni Taniguchi--malamang naaalala niya ang insidente.

"Nakakagulat 'yun. Pumasok ako sa paaralan kinaumagahan, at puro bilog at tatsulok ang mga nakita ko. Hindi ko mawari kung ano ang mga 'yun, kaya umakyat ako sa ikaapat na palapag para makita mula sa itaas. Hindi 'yun nakatulong--hindi ko pa rin mawari kung ano ang ibig sabihin ng simbolong 'yon."

"Ah, mukhang nakita ko na 'yun minsan. Hindi ba't ibinalita pa 'yon sa diyaryo? May larawan pa ngang kuha mula sa helikopter! Mukha siyang pinagbiyak na piktograma sa Nazca," sabi ni Kunikida.

Wala akong naalala tungkol doon sa balitang iyon.

"Nakita ko 'yon sa diyaryo. Nabasa ko. Nakasulat sa ulo ng balita 'Misteryosong Bandalismo, Lumitaw sa Gitnang Paaralan Kagabi,' hindi ba? Buweno, gusto mo bang malaman kung sino ang may pakana nu'n?"

"Huwag mong sabihing siya."

"Inamin niya mismo. Hindi ako nagkakamali. Tinawag siya natural sa opisina ng punong-guro. Lahat ng guro naroon, tinatanong siya kung bakit niya ginawa 'yun."

"Bakit nga ba niya ginawa, kung ganoon?"

"Hindi ko alam," paniguradong sagot ni Taniguchi habang nilulunok ang gatumpok na kanin.

"Ang alam ko tumanggi siyang magsalita. Siyempre, kung titigan ka ba naman nang mabalasik ni Suzumiya, mapapatigil ka sa kung anumang plano mo. May nagsabing iginuhit niya ang simbolo upang magtawag ng mga UFO, sabi naman ng iba may mahika raw ito at ginamit ang mga simbolo upang makapagtawag ng mga halimaw, o sinusubukan daw niyang magbukas ng pintuan patungo sa ibang mundo, at iba pa... Maraming mga spekulasyon, pero hangga't hindi nagsasalita ang may pakana, hindi natin malalaman kung totoo nga ang mga tsismis o hindi. Hanggang ngayon isa pa rin itong misteryo."

Sa kung anumang dahilan, lumutang sa isip ko ang larawan ni Haruhi, kasama ng kanyang walang-kabalastugang hitsura, na abala sa paglalagay ng mga linya sa gitna ng damuhan noong gabi. Talagang pinaghandaan niya muna ang mga gamit-panulat at ang pulbos na yari sa tisa na nasa bodega; siguro nagdala pa siya ng ilawan! Mukha siyang mahinahon at kasindaksindak sa ilalim ng malabong dilaw na ilaw... Okey, guniguni ko lamang ito.

Pero sa totoo lang, baka nga sinusubukan ni Haruhi na magtawag ng mga UFO o ng mga halimaw, o kaya ng isang pintuan patungo sa iba pang dimensiyon. Baka nga pinagtrabahuan niya iyon buong gabi sa damuhan, ngunit wala namang dumating, at naiwan lang ang pakiramdam na nasawi, naisip ko sa sarili.

"Hindi lang 'yon ang ginawa niya!"

Patuloy pa rin sa pag-ubos ng pananghalian si Taniguchi.

"Minsan pumasok ako kinaumagahan at nadiskubre kong inilabas lahat ng mga upuan sa silid-aralan patungo sa pasilyo, o kaya may mga nakaguhit na mga bituin sa bubungan ng paaralan. Minsan nga nag-iikot siya sa eskuwela habang naglalagay ng O-fuda sa buong paligid... Alam mo na, 'yung papel na agimat galing Tsina nilalagay sa noo ng mga bampira. Hindi ko talaga siya maintindihan."

Tama, wala si Haruhi Suzumiya sa silid-aralan noong puntong iyon, kung naroon siya hindi namin ito pinag-usapan. Kaya lang, kahit na marinig kami, malamang wala siyang pakialam. Kadalasan umaalis ng silid-aralan si Haruhi Suzumiya pagkatapos na pagkatapos ng ikaapat na klase, at babalik bago mag-umpisa ang ikalima. Wala siyang dalang baon, kaya hinala ko pumunta siya ng kantina upang kumain; pero hindi naman umaabot ng isang oras ang pagkain ng baon, 'di ba? Isa pa, tuwing matatapos ang bawat klase, lagi siyang nawawala. Saan ba siya pumupunta...?

"Pero sikat siya sa mga lalaki!"

Sumingit si Taniguchi:

"Maganda siya, malakas ang pangangatawan, matalino. Kahit na kakaiba siya, kung papanatilihin niyang nakasara ang bibig niya, hindi siya ganoong kasama."

"Saan mo naman nalaman ang lahat ng tsismis na 'yan," tanong ni Kunikida, na doble ang dami ng baon kumpara kay Taniguchi.

"May panahong nagpapalit-palit siya ng nobyo nang walang-katapusan. Sa narinig ko, pinakamahaba na ang isang linggo, ang pinakamaikli naman ay 5 minuto matapos maging sila. Dagdag pa riyan, ang tanging dahilan na binibigay ni Suzumiya kaya nakikipagkalas sa mga nobyo ay 'Wala akong panahong makipaghalubilo sa mga karaniwang tao.'"

Kung magsalita si Taniguchi tila galing sa karanasan. Nang mapansin niya ang aking titig, medyo nataranta siya.

"Narinig ko lang 'to sa ibang tao! Totoo! Sa kung anumang dahilan, wala siyang tinatanggihan ng ligaw. Nang huling taon na namin sa gitnang paaralan, naintindihan na ng lahat; kaya wala nang nagmangahas manligaw. May hinala akong uulit ang kasaysayan sa mataas na paaralan. Kaya binababala ko na kayo: sumuko na kayo. Mula ito sa isang taong naging kaklase niya."

Sabihin mo ang kahit ano'ng nais mong sabihin, hindi naman ang interesado sa kanya.

Inilagay ni Taniguchi ang kanyang walang-laman na lalagyan ng baon sa kanyang bag, at nagpakawala ng saliwang bungisngis.

"Kung may pipiliin ako, pipiliin ko si Ryouko Asakura."

Tinango ni Taniguchi ang kanyang baba patungo sa isang grupo ng mga babaeng ilang mesa lang ang layo. Sa kalagitnaan ng mga nag-uusap, taglay ang malarosas na ngiti sa kanyang mukha, ay si Ryouko Asakura.

"Sa wari ko, siguradong pasok siya sa listahan ng 'Tatlong Pinakamagagandang Babae sa Unang Taon.'"

"Nakilatis mo na ang bawat isang babae sa Unang Taon sa eskuwela?"

"Ipinangkat ko ang mga babae sa apat na kategorya mula A hanggang D at, maniwala ka, naaalala ko lang ang mga babaeng nasa A. Minsan ka lang dadaan sa buhay-hayskul--gusto kong maging masaya ang sa akin kahit papaano."

"Kung gayon si Ryouko Asakura ay isang A, ganoon ba," tanong ni Kunikida.

"Isa siyang AA+! Naman, tignan niyo ang kanyang mukha, primera-klase pa siguro ang kanyang ugali."

Kahit na hindi mo pansinin ang mga makasariling komento ni Taniguchi, medyo kakaibang uri nga ng babae si Ryouko Asakura kumpara kay Haruhi.

Una sa lahat, napakaganda niya; dagdag pa diyan lagi siyang nagpapalabas ng malangiting mapagkalingang anyo. Pangalawa, tila hindi tama ang paglalarawan ni Taniguchi sa ugali niya. Sa ngayon, walang nagmamangahas na kausapin si Haruhi Suzumiya, maliban kay Ryouko Asakura. Gaano man kasungit si Haruhi, sinusubukan siyang kausapin ni Ryouko Asakura paminsan-minsan. Napakamadamdamin niya na halos isa na siyang bantay sa klase. Ikatlo, mula sa kung papaano niya sagutin ang tanong ng mga guro, makikita mong napakatalino niya. Laging tama ang kanyang mga sagot--sa paningin ng mga guro malamang isa siyang modelong estudyante. Higit sa lahat, napakasikat niya sa mga babae. Isang linggo pa lang kami sa klase, at siya na ang halos nasa gitna ng mga babae sa klase. Tila bang hulog siya ng langit at ipinanganak na may taglay na panghalina!

Ihambing mo naman sa laging nakairap at mahilig sa kathang-siyensiya na si Haruhi Suzumiya, halata na ang hinirang. Kaya lang, tila masyadong mataas ang dalawang ito upang abutin ni Taniguchi. Hindi niya maaabot ang kahit sinuman sa dalawa.

Abril pa rin iyon, at sa oras na iyon, Maganda pa ang ugali ni Suzumiya. Para saakin, ito ang nakakapahingang buwan. Kahit papaano, meron pa isang buwan bago magsimula maligaw si Haruhi.

Pero, kahit sa oras na iyon, pinagmasdan ko ang kakaibang ugali ni Haruhi.

Bait ko nasabi?

Palatandaan 1: Binabago niya ang buhok niya bawat araw. at saka, ayon sa aking obserbasyon, parang meron huwaran. Tuwing lunay, pupunta si Haruhi sa paaralan na nakakababa ang kanyang buhok, hindi man lamang tinalian. Sa susunod na araw, itatali niya parang ponytail. Ayaw ko man sabihin, pero maganda ang estilo na iyon sa kanya. Tapos, magtatali siya ng dalawang ponytails sa susunod na araw, tatlong ponytail pagkatapos ng araw na iyon, pagdating ng biyernes, may apat na ribbon-tied ponytail sa kanyang ulo. Ang kilos niya ay talagang misteryoso!

Lunes=O,Martes=1,Wednesday=2

Habang tumatagal ang araw ng linggo, ganoon din ang kanyang ponytails; pagdating ng Lunes, uulit nanaman ang buong proseso, hindi ko makita ung bakit niya ginagawa. Kung iisipin, dapat may anim na ponytails siya sa linggo...Parang gusto ko makita ang pang linggo niyang hairstyle.

Palatandaan 2: Sa PE, ang mga klase 1-5 at 1-6 ay magsasama para sabay mag PE, hiwalay ang lalake at babae. Pag magbabago kami ng damit, ang mga babae pupunta sa 1-5 silid aralan, at ang mga lalake pupunta sa 1-6 silid paaralan; ibig sabihin pagtapos ng nakaraan na klase, ang mga lalake saamin klase(1-5) ay pupunta sa kabilang kwarto para magpalit.

Sa kasawiang-palad, hindi pinapansin ni Haruhi ang mga lalake saamin klase, at aalis ang kanyang sailor na uniporme bago pa man umalis ang mga lalaki

Parang banaman, para sa kanyan, ang mga lalake ay parang kalabasa o sako ng papatas, at wala siyang paki. Wala man kahit anong expresyon, itatapon niya ang uniporm niya sa kanyang mes at magpapalit ng sweatshirt.

Sa oras na iyon, Paalisin kami ni Ryouko Asakura sa silid-aralan.

Ayon sa mga sabi-sabi, mga babae, si Ryouko Asakura ang kanilang lider, Tinatangkang kausapin si Haruhi sa pagagawa na iyon, pero hindi umayon. bawat klase ng PE, hindi papansinin ni Haruhi ang buong klase at aalisin niya ang kanyang uniporm ng walang tingin. At dahil doon. Pinakausapan kami na umalis pag tunog ng pangalawang tunog-sa pakiusap ni Ryouko Asakura.

Pero siryoso, Maganda ang Katawan ni Haruhi....Argh, hindi tama sa oras na ito sabihin ang ganyan bagay.

Palatandaan 3: Bawat dulo ng bloke, mag AWOL si Haruhi. Pag tumunog ang kampana ng eskwelahan,diretsyo niya kukunin ang kanyang backpack ang aalis ng silid-aralan.Kung iisipin, Akala ko pupunta agad diretsyo siya sa bahay niya, hindi akalain na makikisali siya sa mga clubs sa eskwelahan. Isang araw, makikita mo siya magpapasa ng bola sa Basketball Club, at sa susunod makikita mo siya sa nagtatahi ng lagyanan ng unan sa Sewing club. Sa susunod na araw, makikita mo na iwinagawayway niya ang patpat sa Hockey Club. Satingin ko sumalis siya sa Baseball Club. Kaya, sa madaling salita, sumali siya sa bawat sports club sa eskwelahan. Lahat ng clubs pinipilit na sumali siya, pero hindi niya tinaggap lahat. Ang explanasyon niya: "nakakairita para saaking gawin ang parehas na club aktibidad bawat araw". Sa dulo ng araw, hindi siya sumali sa lahat ng club.

Ano ba pinapatunayan ng babaeng ito?

Dahil dito palang, balita na "kakaibang unang taon na babae" ay mabilis kumalat sa buong eskwelahan. Sa loob ng isang buwan, wala niisang tao nakakakilala kay Haruhi Suzumiya. Isulong ng mabilis sa Mayo,maraming hindi nakakakilala sa principal, pero lahat kilala ang pangalan na Haruhi Suzumiya

Kaya, dahil sa mga nanyayari- at si Haruhi lagi ang dahilan- dumating ang Mayo.

Pero sa tingin ko ang kapalaran ay hindi masyado nakakapaniwala kasa sa Loch Ness monster. Kung kapalaraw, sa hindi kilalang lugar, inaapektuhan ang buhay ng mga tao, ang gulong ng kapalaran ko ay parang biglang nagsimulang umiokt. Naiispi, sa ibang malayong bundok siguro may matandang lalake binabago ang aking kapalaran.

Pagkatapos ng Golden Week holiday, naglakad ako sa eskwelahan, hindi sigurado kung anong araw iyon ng linggo. Ang hindi natural na maaraw na Mayo umiral saakin balat at nababad ao sa pawis-ang matarik na burol ay parang hindi din nagtatapos. Ano ba ang gusto ng Mundo? Nagtitiis ba sa yellow fever o anong bagay?

"Hey, Kyon"

Sa likod ko, may nagapir ng balikad ko. Si Taniguchi.

Blazer niya nakasabit sa kanyang balikat, ang kanyang nektie kulubot at skewed sa isang gilid.

"Saan ka pumunta noong Golden Week?"

"Dinala ko ang aking kapatid para makita si lola sa probinsya"

"Ang pangal"

"Sige, ikaw ano naman ginawa mo?"

"Puro part time"

"Hindi ka parang ganoong klaseng tao"

"Kyon, senior ka na ngayon- bakit mo pa rin dinadali ang kapatid mo para makita ang lolo at lola?Dapat kahit papaano magmukha ka na senior high school na estudyante"

Oo nga pala, ako si Kyon. Ang aking tita ang unang nagtawag saakin niyan. Ilan taon na ang nakalipas, ang aking long-time-no-see na tita biglaa sinabi saakin "Ay, lumaki na si Kyon!" akala ng kapatid ko na babae na nakakatawa at sinimulan ako tawagin na Kyon. At ang iba ay kasaysayan - ang aking kaibigan, pagkatapos marinig ang kapatid ko na tawagin akong Kyon, sinundan ang kapatid ko. Sa araw na iyon naging nickname ko na ay Kyon. Letse, dati tinatawag ako ng kapatid ko na "Onii-chan"!

"Tradisyon na ng pamilya ko na magkaroon ng pagtitipon ng pinsan tuwing Golden Week" Sinagot ko habang umaakyat sa burol.

Ang nakakapawis na pakiramdam ay dahilan para hindi makomportable

Taniguchi, laging long winded, laging sinasabi na nakakilala siya ng ilang magagandang babae sa kanyang trabahuhan, at paano niya pinalano gamitin ang pera na natipid niya para mag date at iba pa. Deretsyahan, mga usapan katulad ng pangarap ng mga tao, o gaano kaganda ang alaga ng isang tao, lahat ay nasa libro ko, isa sa mga nakakatamad na usapan sa buong mundo.

Habang pinakikingan ko ang iskedyul ng date ni Taniguchi(mukhang hindi siya natitigil sa konting problema kung walang pupunta kasama siy), dumating kami sa gate ng paaralan.

Nakaupo na si Haruhi sa likod ng upuan ko tumitingin sa labas noong pumasok ako sa silid-aralan. May dalawang bun-like hair clippers siya sa kanyang ulog, siguro ngayon ay huwebes. Pagkatapos umupo- sa ilan rason na bakit hindi o alam, ang tanging paliwanag ay nababaliw na ako, bago ko malaman- nakahanp ko nanaman sarili ko kausap si Haruhi Suzumiya.

"Binabago mo ba ang hairstyle mo bawat araw dahil sa aliens?"

Parang robot, Unti-unti akong tinignan ni Haruhi na may siryosong ekspresyon. Nakakatakot, sa totoo lang.

"Kailan mo napansin?"

Ang tono niya ay malamig na parang kauwap niya ang bato sa kabilang banda ng daanan.

Tumigil ako ng sandali at nagisip"

"Hmm...Medyo matagal na"

"Really?"

Nilagay ni Haruhi ang baba niya sa kanyang palad, parang naiinis.

"Kahit papaano yun ang naisip ko,dahil iba ang ramdam at paningin ko sayo bawat araw"

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng tamang paguusap!

"Sa kulay, dilaw ang lunes, pula sa martes, asul na miyerkules, berde sa huwebes, ginto sa biyernes, kayumanggi sa sabado, at puti sa linggo"

Parang naiitindihan ko ang sinasabi niya.

"Tapos kung gagamitin natin ang numero para kumatawan sa kulay, sero sa lunes at anim sa linggo,tama?"

"Tama yan"

"Pero dapat ba isa ang lunes?"

"Sino humingi ng opinyon mo?

"...Oo,tama"

Parang hindi kuntento sa sagot ko, sumimangot si Haruhi saakit. Umupo lang ako ng hindi komportable at pinadaan ang oras.

"Nakita na ba kita noon? sa ibang lugar?"

"Hindi siguro"

Pagkatapos ko sumagot, pumasok si Gurong Okabe sa silid-aralan, at nagtapos ang una namin paguusap.

Kahit na ang unang paguusap ay hindi kailangan isulat sa bahay, magiging ito ang pagbabago na hinahanap ko!

Pero ulit, ang tanging pagkakataon ko lamang kausapin si Haruhi ay kakaunti lamang bago magsimula ang homeroom, dahil wala siya tuwing recess. Pero habang umuupo ako sa harap niya, sigurado ako na mataas ang pagkakataon ko kausapin niya kaysa ang iba.

Pero ang ikinagulat ko ay sinagot ako ng tama ni Haruhi. akala ko ng una ay parang ganito ang sasabihin niya, "Nakakainis ka, tanga, tumahimik ka!" siguro kakaiba ako katulad niya, para hanapin ang kakayahan kausapin siya.

Kaya pagdating ko sa paaralan sa susunod na araw nalaman ko na imbis tatlong ponytails, pinutol ni Haruhi ng kaunti ang kanyang mahaba at mahagway na buhok. Parang nalungkot ako.

Ang abot baiwang na buhok ay pinaliit sa hanggang balikat. Ibig ko sabihin, kahit na bagay ang hairstyle sa kanya, pinutol niya ang buhok niya pagkatapos ko kausapin siya tungkol doon! halata na tinitignan niya ako ng mababa. What the hell!"

Ng tinanong ko ng dahilan,pero:

"Walang dahilan"

Sinagot niya ng trademark na irritadong tunog pero hindi nagpakita ng facial expression. Hindi niya sasabihin saakit ang dahilan.

pero inaasahan ko na iyon,kaya tama lang.

"Talaga ba sinubukan mo sumali sa lahat ng mga klub?"

Mula sa araw na iyon, paguusap sa kanya ng konting oras bago magisimula ang homeroom ay naging araw araw ko ng gawain. Siyempre, kung hindi ko sinumulan ang usapan, hindi magpapakita ng reaksyon si Haruhi. At isa pa pag kinausap ko siya tungkol sa kagabing palabas sa TV, o ano ang panahon,atbp.- itinuturing niya "pangtangang paksa"- hindi niya lang ako papansinin. Dahil alam iyon, pinipili ko ng sigurado ang paksa tuwing kakausapin ko siya.

"meron ba na klub na mas masaya kaysa sa iba?Kinukunsidera ko rin sumali."

"Wala" Sinago niya ng walang ekspresyon. "lubus na wala"

Binigyan-diin niya ulit, at mabagal nilabas ang hininga. Bumuntong-hingi ba siya?

"Akala ko ang hayskul ay medyo maganda. Sa dulo parehas lang sa inuutos na edukasyon. Wala man lang nagbago. Siguro sumali ako sa maling paaralan"

Miss, ano ang criteria na ginagamit mo para piliin ang papasukan na eskwelahan?

"Sports klub at kultura klub ay parehas lamang. Kung maryoon lamang kakaibang klubs sa eskwelahan..."

"Sino nagbigay sa iyo ng karapatan magsabi kung ang ibang klubs ay karaniwan o hindi?"

"Tumahimik ka. Kung gusto ang klub, dahil kakaiba iyon; kung hindi iyon ay simple"

"Talaga?Alam ko na sasabihin mo iyon."

"Hmph!"

Nilayo niya ang kanyang mukha sa galit, nagmamarka ang tapos na paguusap ngayon araw

Sa susunod na araw:

"Narinig ng isang araw...Hind naman importante...Talaga ba dinump mo ang lahat ng kasintahan mo?"

"Bakit ko kapa kailangam pakinggan sa iyan sa iyo uli?"



Ibalik sa Prologo Ibalik sa Haruhi Suzumiya Ilipat sa Kabanata 2