Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 3
Status: Incomplete
Kabanata 3
*Ding, ding*... Isang kalembang na ingay na parang kampana -o marahil pang-babalang kalembang- ay malakas na tumunog, na nakapagpatalon kay Klein at sa akin sa gulat.
"Ah..."
"Anu toh?!"
Sigaw namin pareho at saka nagkatitigan, parehong mulat ang mga mata.
Kapwa kaming pinalibutan ng mala-posteng asul na ilam. Lagpas sa asul na ilaw, ang kapatagan sa paningin ko ay unti-unting lumalabo.
Ilang beses ko na itong naranasan noong beta testing. Ito ay «Teleport» na mula sa isang bagay. Wala akong ganoong bagay o naisigaw ko yung tamang utos. Ang mga tagapamahala kaya ang nagpasimula ng sapilitang teleport? Kung gayon, bakit hindi nila sinabi sa amin?
Habang tumatakbo ang utak ko, lalong umangat ang ilaw at napalibutan ako ng kadiliman.
Habang nawawala ang asul na ilaw, naging malinaw na ulit ang aking paligid. Subalit, wala na ako sa sinisinagan ng paglubog ng araw na kapatagan.
Isang batuhang kalsada. Medyebal na mga kalye na pinapalibutan ng mga posteng may lampara at isang malaking palasyo na kumikininang ng madilim na kulay na nakikita mula sa rito.
Ito ang panimulang lugar.Ang liwasan ng «Starting City».
Tumingin ako kay Klein na nakabuka ang mga bibig malapit sa akin. Pagkatapos sa maraming tao na pumipalibot sa aming dalawa.
Habang tumitingin sa mga naggagandahang mga tao na mayroong iba't ibang gamit at iba't ibang kulay ng buhok, hindi maipagkakaila na mga manlalaro din sila katulad ko. Tinatayang nasa sampung libo ang tao dito. Na parang lahat ng nasa loob ng laro sa mga oras na ito ay sapilitang inilipit dito sa liwasan.
Sa loob ng ilang segundo, tumingin tingin lang sa paligid ang lahat, walang nagsasalita.
Pagkatapos nun ay mga bulungan na maririnig kung saan-saan; hanggang sa lumakas ang mga iyon.
"Anong nangyayari?"
"Pede na ba tayong mag-log-out?"
"Pwede bang pakibilisan nila?!"
Ang mga komentong tulad niyan ang tanging naririnig.
Nang mag-umpisa ng mainis ang mga manlalaro, ang mga sigaw na "Biro ba ito?" at "Ilabas niyo kami dito mga GM!" ang maririnig.
At pagkatapos...
Mayroong isa na sumigaw na mas malakas pa sa mga nagbubulungan.
"Ah.. Tignan niyo yung taas!"
Si Klein at ako ay awtomatikong tumingala. Doon, isang kakaibang tanawin ang bumati sa amin.
Ang ilalim ng ikalawang palapag, isang daang metro sa taas namin, ay naging parang lambat-lambat na kulay pula.
Nang titigan kong mabuti, nakita ko ang pattern na gawa sa dalawang parirala: ang mga salita ay [ Warning ] at [ System Announcement ] na nakasulat sa kulay pula.
Nagulat ako sa ilang sandali pero naisip ko, "Oh, magsisimulang nang magbigay-alam ang mga tagapamahala," at ang tensyon sa aking mga balikat ay gumaan ng kaunti.
Ang bulangan ay namatay na sa liwasan at mararamdaman mo na ang lahat ay naghihintay sa kung anu man ang maririnig nila.
Subalit, ang sumunod na nangyari ay hindi ang kung ano ang inaasahan ko.
Mula sa gitna ng pattern, isang likido na mukhang dugo ang nagsimulang lumabas pababa doon. Bumaba iyon na pinapakita kung gaano kasama ito, pero hindi ito tuluyang bumagsak pababa; sa halip, nagsimula itong mabuo sa isang hugis.
Ang nagpakita ay isang dalawpung metro kalaking pigura na may suot na robang may pandong.
Hindi, hindi iyon tama. Mula sa aming kinatatayuan, madali naming nakikita ang loob ng pandong- wala itong mukha. Talagang wala itong laman. Nakikita din naming mabuti ang panloob at ang berdeng mga burda sa loob ng pandong. Pareho iyon ng nasa loob ng roba, ang tanging nakikita namin sa loob ay anino lang.
Ganoon din ang nararamdaman ng di mabilang na mga manlalaro sa paligid ko.
"Siya ba yung GM?"
"Bakit wala siyang mukha?"
Madaming bulungan na katulad nun.
Pagkatapos, ang kanang manggas niya ay gumalaw na parang pinapatahimik ang mga manlalaro.
Isang purong puting guwantes ang nagpakita mula sa tupi ng mahabang manggas. Pero ang manggas na iyon, katulad ng ibang parte ng roba, ay walang tinatakpan na parte ng katawan.
Pagkatapos, ang kaliwang manggas ay unti-unting tumaas din. At habang iniunat niya ang dalawang guwantes na walang laman sa harap ng sampung libong manlalaro, ibinuka ng walang mukhang tao ang kanyang bibig-hindi, pero parang ganun nga. Tapos ang mababa, kalmada, panlalaking boses ay umalingawngaw sa hangin.
『Mga manlalaro, Tuloy kayo sa aking mundo.』
Hindi ko maintindihan.
«Aking Mundo»? Kung ang nagsuot ng pulang roba ay ang GM, mayroon siyang taglay na maka diyos na kapangyarihan sa mundong ito na nakapagbabago ng mundo kung kailan niya ninanais, ngunit bakit niya tinuturo niya ngayon?
Habang si Klein at ako ay nagtitigan, natulala. Ang di kilalang nakapulang roba ay binaba ang kanyang braso at nagsalita muli.
『Ang pangalan ko ay si Kayaba Akihiko, sa ngayon ako ang nagiisang tao na komukontrol sa mundong ito.』
Ano?
Ang avatar ko ay napatigas sa kabiglaan, at ako ay napalunol nalang (at malamang doon rin sa totoong mundo)sa segundo
Kayaba - Akihiko!!
Alam ko ang pangalan na yan, hinding-hindi ako magkakamali.
Itong tao na to, ay isang game designer at matalino sa quantum physics, ay siyang rensponsable sa pag bangon ng Argus (isang maliit lang na kompanya noong mga nakaraang taon) sa isang nangunguna na kompanya ng kanilang larangan.
Siya rin ang Development director ng SAO at siya ring developer ng Nerve Gear.
Dahil sa ako'y isang hardcore na player, nirerespeto ko ng malugod si Kayaba. Binili ko ang mga magazine na siyang itinampok at binabasa ko ang kanyan mga interbiyew hanggang sa nalaman ko nalang ng buong puso. Halos na makikita ko soya sa puting pangkalahatang niyang sinusuot para lamang marinig ang kanyan boses.
Pero lagi syang nakatago, laging natangi para sa mga interviewer. Hindi minsan syang naging GM, pero bakit nya ginagawa ito ngayon? Pinilit kong umibo ulit habang sinusubukan kong alamin kong anong nang-yayari sa kapaligiran ko. Pero ang mga salitang lumabas sa bibig ng GM ay parang ini-insulto ang aking mga ginagawa. 『Sa tingin ko napansin nyo na wala ang Log Out button sa main menu. Ito ay hindi bug; ito ay parte ng «Sword Art Online»'s system.』 "Parte ng...system?" Ungol ni Klein Ang announcement ay tuloy pa rin gamit ang tahimik na boses. 『Pag hindi kayo naka punta sa tuktuk ng palasyong ito, hindi kayo maka-ka log out kahit anong gawin nyo.』 Palasyo? Hindi ko maintindihan kong anong sinabi nya. Walang palayo sa «Starting City». Tapos sa sumunod na salita na sinabi ni Kayaba ay inalis ang mga pagkalito ko. 『...Pag may nag alis ng Nerve Gear nyo sa tunay na mundo ay pinag babawal. Pag ito ay sinibukan...』 Lahat ng tao an nanahimik.
Bumalik sa Kabanata 2 | Ugat na Pahina | Pumunta sa Kabanata 4 |