Sword Art Online:Tomo 1 Prologo

From Baka-Tsuki
Jump to: navigation, search

Isang malaking kastilyo na gawa sa bato at bakal na lumulutang sa walang-hanggang kalangitan.

Iyon lamang ang meron sa mundong ito.

Kinailangan lamang ng isang buwan ng isang grupo ng mga taga-ukit para masuri ang lugar; ang bantod ng unang palapag ay humigit kumulang 10 kilometro -tama na para magkasya ang buong Setagaya-ku roon. Sa itaas, mayroong 100 palapag na magkakapatong direkta sa ibabaw ng isa't isa; ang sukat nito ay di kapani-paniwala. Imposible din na mahulaan kung gaano karaming datos ang laman nito.

Sa loob, mayroong kaunting malalaking siyudad at di mabilang na maliit na mga bayan at mga nayon, mga gubat at mga kapatagan, maging mga ilog. Tanging isang hagdanan lamang ang nagkakabit sa isang palapag sa susunod, at ang mga hagdanang iyon ay nasa mga dungeons kung tawagin, kung saan malaking bilang ng mga halimaw ang umaaligid, kung kaya ang mahanap at makapunta roon ay hindi ganun kadali. Ngunit, oras na may isang matagumpay na makarating sa siyudad sa mas mataas na palapag, ang «Teleport Gates» doon at sa ibang siyudad sa mas mababang palapag ay magkukonekta, na nagbibigay laya sa iba na magpalipat lipat sa bawat palapag.

Mula sa ganoong mga kondisyon, ay unti-unti nang nakasakop sa loob ng dalawang taon.

Ang pangalan ng kastilyo ay «Aincrad», ang mundo ng labanan gamit ang mga ispada na patuloy na lumulutang at sumakmal sa humigit-kumulang 6 na libong katao. Na kilala rin bilang..

«Sword Art Online»


Bumalik sa Ilustrasyon ng Nobela Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 1