Difference between revisions of "Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 2"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
m
m
Line 50: Line 50:
 
Kasabay ng mahina niyang sigaw, tumalon siya kasabay ng paggalaw na malayo sa ginagawa niya kanina.
 
Kasabay ng mahina niyang sigaw, tumalon siya kasabay ng paggalaw na malayo sa ginagawa niya kanina.
   
*Swish-!* Sa ganoong tunog, gumuhit ng pulang linya ang ispada niya sa hangin. Ang «Reaver», isang panimulang kakayahan ng mga 'one-handed curved sword', ay tumama sa leeg ng baboy-ramo na pasugod na rin dapat na nag-ubos sa natitira nitong HP, kapareho kay Klein na mahigit kalahati pa.
+
'Swish-!' Sa ganyang tunog, gumuhit ng pulang linya ang ispada niya sa hangin. Ang «Reaver», isang panimulang kakayahan ng mga 'one-handed curved sword', ay tumama sa leeg ng baboy-ramo na pasugod na rin dapat na nag-ubos sa natitira nitong HP, kapareho kay Klein na mahigit kalahati pa.
   
"Guekk-" nakakaawang iyak ng baboy, kasabay nun ang pagkabasag ng katawan nito na parang salamin at ang kulay lilang mga numero ay lumabas, pinapakita kung gaano karaming 'virtual experience points' ang nakuha ko.
 
Revision as of 07:31, 24 August 2012

Status: Incomplete

!

Kabanata 2

"Ahh... ha... uwahh!!"

Ang espadang iwinawasiwas kasabay ng sigaw na iyon ay walang hinahati, kundi ang hangin.

Pagkatapos nun, ang asul na baboy-ramo (na gumagalaw ng mabilis sa kabila ng laki nito) ay mabangis na sumugod sa sumusugat dito. Napatawa ako ng malakas, habang pinapanuod siyang lumipad sa ere at gumulong sa burol ng tamaan ng patag na ilong ng baboy-ramo.

"Hahaha... hindi ganyan. Ang unang galaw ang mahalaga, Klein."

"Argh.. ang baboy na yan!"

Ang nagrereklamong manlalaro, isang 'party member'(termino sa mga Online games=kasapi sa grupo) na tinatawag na Klein, ay tumayo at tumingin sa akin.

"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."

Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalan, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karekter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.

Ang kanyang binti ay nag-umpisang manginig.

"Parang nahihilo na siya."

Pumulot ako ng bato sa paanan ko at itinaas yun sa ibabaw ng aking braso. Sa sandali na makuha ng sistema ang unang galaw ng isang 'sword skill', ang bato ay nagsimulang maglabas ng berdeng ilaw.

Pagkatapus noon, ang aking kaliwang kamay ay halos gumalaw mag-isa at ang bato ay lumipad, habang gumuguhit ng isang diretsong linya ng ilaw at tinamaan ang baboy sa pagitan ng kanyang mga kilay. *Ggiik!* Napaungol ang baboy ramo sa galit at saka humarap sa akin.

"Talagang gumagalaw sila, hindi naman sila laruan lang. Pero kapag nasimulan mo ang unang galaw, ang sistema na ang kusang magpapagalaw sayo para matamaan ang inaasinta mo.

"Galaw... galaw..."

Habang binubulong yon na parang orasyon, itinaas ni Klein ang kutsilyo na nasa kanang kamay niya.

Bagaman ang asul na baboy-ramo, na ang totoong pangalan ay «Frenzy Boar», ay isang Level 1 na halimaw lamang. Halos kalahati na ang nabawas sa HP ni Klein mula sa mga ganting-pagsalakay ng baboy-ramo dulot ng kanyang basta-bastang pagsugod. Kahit naman na mamatay siya ngayon ay mabubuhay naman ulit siya sa «Starting City» malapit dito, pero ang pagpunta pabalik dito ay medyo nakakainis.

Mukhang isang galaw nalang ang natitira bago matapos ang laban.

Biniling ko ang aking ulo kasabay ng pagsangga gamit ang aking ispada sa kanang kamay sa pagsugod ng baboy ramo.

"Hmm, paano ko ba ipapaliwanag... Hindi siya isa, dalawa, tatlo, tapos hampas. Para ka lang nag-iipon ng enerhiya tapos, sa oras na maramdaman mo na nag-umpisa na yung 'Skill', maririnig mo nalang ang 'BAM' at mararamdaman mong tinamaan nga yung halimaw.

"Bam, eh?"

Ang medyo gwapong mukha ni Klein ay mukhang nagugulahan nang ipinantay niya ang kanyang ispada sa kanyang balakang.

Inhale, exhale; pagkatapos ng malalim na paghinga, ibinaba niya ang kanyang tindig at iniangat ang ispada na para bang ipapatong niya ito sa kanyang balikat. Sa oras na yun, nakuha ng sistema ang tamang ayos at nagsimulang kuminang ng kulay kahel ang ispada niya.

"Ha!"

Kasabay ng mahina niyang sigaw, tumalon siya kasabay ng paggalaw na malayo sa ginagawa niya kanina.

'Swish-!' Sa ganyang tunog, gumuhit ng pulang linya ang ispada niya sa hangin. Ang «Reaver», isang panimulang kakayahan ng mga 'one-handed curved sword', ay tumama sa leeg ng baboy-ramo na pasugod na rin dapat na nag-ubos sa natitira nitong HP, kapareho kay Klein na mahigit kalahati pa.

"Guekk-" nakakaawang iyak ng baboy, kasabay nun ang pagkabasag ng katawan nito na parang salamin at ang kulay lilang mga numero ay lumabas, pinapakita kung gaano karaming 'virtual experience points' ang nakuha ko.

“Ye~~a~~h!”

Bumalik sa Kabanata 1 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 3