Difference between revisions of "Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 2"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
Line 158: Line 158:
 
Habang ang mga impormasyon ay unti-unting masiwalat, ang kasigasigan ng manlalaro ay lumalaki.
 
Habang ang mga impormasyon ay unti-unting masiwalat, ang kasigasigan ng manlalaro ay lumalaki.
   
Isang libong manlalaro lang ang pinili para sa ''beta testing''.
+
Isang libong manlalaro lang ang pinili para sa ''beta testing''. Sinasabing isang daang libo, halos kalahati ng mga bumili ng Nerve Gear ng panahong yun, ang nagboluntaryong maging ''tester''. Swerte lang kaya ako napasama sa isang libong yun. Nagkaroon din ng bonus ang mga ''beta tester'' na maka-order agad ng laro.
   
  +
Ang dalawang buwan ng ''beta testing'' ay parang isang panaginip. Sa eskwelahan walang katapusan kong iniisip ang aking ''skill set'', mga gamit at mga bagay. Tumatakbo agad ako pauwi sa oras na matapos ang klase at maglaro hanggang madaling araw. Mabilis natapos ang ''beta test''. Noong araw na ma-reset ang aking karakter, nakaramdam ako ng pagkawala ng aking ikalawang pagkatao.
   
  +
At ngayon- Nobyembre 6, 2022, Linggo.
<!--Di ko nalang isasalin ung ibang Game Terms, nakakatamad na basahin pag ganun. --,-->
 
   
  +
Ang «Sword Art Online», pagkatapos ng mahabang preparasyon, ay nagbukas na bandang ika-1 ng hapon.
  +
  +
At syempre, mahigit 30 minuto na akong naghihintay at nang sumapit ang ganap na ika-1 ng hapon ay wala ng pagdadalawang isip na ako'y nag-''log-in''. Nang tignan ko ang ''server'', mahigit siyam na libo at limang daan na ang nakapasok. Mukhang lahat ng tao na sinwerteng makabili ng laro ay kapareho ng nararamdaman tulad ko. Lahat ng ''online shopping sites'' ay inanunsyong nabenta na lahat ng laro segundo pa lang ang nagdaan nang itinda yun. Sa ''offline sales'', na nagsimula kahapon, ay nagbuo ng mahabang pila ng tao mula pa nung nakaraang apat na araw, na nagbigay ng magandang kita para sa tagapagbalita. Ibig sabihin, lahat ng tao na nakakuha ng kopya ng laro ay mga seryong adik sa laro.
  +
  +
Pinapakita rin ito ng mga kilos ni Klein.
  +
  +
Pagkatapos kong makapasok sa SAO, nagsimula akong tumakbo sa dati ko nang nakitang mga batong kalsada ng «Starting City», at dumiretso sa tindahan ng armas. Napagtantong isa akong ''beta tester'' ng nakita niya akong magsimula at tumakbo, sinundan ako ni Klein ng walang pag-aalinlangan.
  +
After I had logged onto SAO, I started running through the nostalgic stone paved roads of the
  +
  +
"Hey, turuan mo naman ako ng mga ibang bagay!" pagsusumamo niya.
  +
  +
Napaisip ako kung bakit ganun siya at nakuha pang mag-demand sa taong una niya palang nakita. Nawalan ako ng sasabihin, talagang nakakamangha.
  +
  +
"Ah, eh, sige... bakit di tayo pumunta sa tindahan ng armas?" sagot ko na parang isang NPC (Non Player Character). Nagtapos kami sa pagbuo ng ''party'' at sinimulan kong ituro sa kanya ang pangunahin sa pakikipaglaban. At yun ang nangyari kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.
  +
  +
Sa totoo lang, hindi ako gaanong nakikihalubilo sa ibang tao sa totoong buhay; sa laro, siguro medyo lang. Noong ''beta testing'', nakakilala ako ng ilang tao, pero di ako nakikipaglapit sa kahit kanino na matatawag kong kaibigan.
  +
  +
Pero may pagkatao si Klein na magpapabago sayo, at hindi ko ito makita na hindi kumportable. Iniisip kong baka maging magkaibigan kami, binuka ko ang bibig ko.
  +
  +
"So.. ano nang gusto mong gawin? Gusto mo pa bang mangaso hanggang sa masanay ka?"
  +
  +
"Oo!.. ang gusto ko sanang sabihin, pero..."
  +
  +
Tumingin ang mga mata ni Klein sa bandang ibabang kanan ng paningin niya, tinitignan siguro ang oras.
  +
  +
"...well, kailangan kong lumabas at kumain. Um-order ako ng pizza para mamayang 5:30."
  +
  +
"Mabuti yun." sabi ko na nawalan ng iba pang sasabihin.
  +
  +
Tumayo ng tuwid si Klein.
  +
  +
"Yes!." sabi niya ng may pagmamayabang. "Nangako ako na makikipagkita sa iba kong kagrupo sa «Starting City» maya-maya. Pwede kitang ipakilala sa kanila at pwede ka nilang ilagay sa listahan ng mga kaibigan. Para mas madali tayong magkakausap. Ano sa tingin mo?"
  +
  +
"Err... hmmmm." naibulong ko.
  +
  +
Ayos lang kapag si Klein ang kasama ko, pero walang kasiguraduhan kung ganun pa din para sa mga kaibigan niya. Nararamdaman ko na malaki ang tsansa na hindi ako makabagay sa kanila at, ang kalalabasan, magiging ganun na din kay Klein.
  +
  +
"Kailangan ba...?"
 
 
   

Revision as of 13:52, 30 August 2012

Status: Incomplete

!

Kabanata 2

"Ahh... ha... uwahh!!"

Walang hinahati ang iwinawasiwas na ispada kasabay ng sigaw na iyon, kundi ang hangin.

Pagkatapos nun, ang asul na baboy-ramo (na gumagalaw ng mabilis sa kabila ng laki nito) ay mabangis na sumugod sa umaatake dito. Napatawa ako ng malakas, habang pinapanuod siyang lumipad sa ere at gumulong sa burol ng tamaan ng patag na ilong ng baboy-ramo.

"Hahaha... hindi ganyan. Pinakamahalaga ang unang galaw, Klein."

"Argh.. ang baboy na yan!"

Ang nagrereklamong manlalaro, isang party member(termino sa mga Online games=kasapi sa grupo) na tinatawag na Klein, ay tumayo at tumingin sa akin.

"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."

Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis na katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalang, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karakter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.

Nag-umpisang manginig ang mga binti niya..

"Parang nahihilo na siya ah."

Pumulot ako ng bato sa paanan ko at itinaas yun sa ibabaw ng aking braso. Sa sandali na makuha ng sistema ang unang galaw ng isang sword skill, ang bato ay magsisimulang maglabas ng berdeng ilaw.

Pagkatapus noon, ang kaliwang kamay ko ay halos gumalaw mag-isa na nagpalipad sa bato, habang gumuguhit ng isang diretsong linya ng ilaw, tinamaan ang baboy sa pagitan ng kanyang mga kilay. *Ggiik!* Napaungol ang baboy ramo sa galit at saka humarap sa akin.

"Talagang gumagalaw sila, hindi naman sila laruan lang. Pero kapag nasimulan mo ang unang galaw, ang sistema na ang kusang magpapagalaw sayo para matamaan ang inaasinta mo.

"Galaw... galaw..."

Habang binubulong yon na parang orasyon, itinaas ni Klein ang kutsilyo na nasa kanang kamay niya.

Bagaman ang asul na baboy-ramo, na ang totoong pangalan ay «Frenzy Boar», ay isang Level 1 na halimaw lamang. Halos kalahati na ang nabawas sa HP ni Klein mula sa mga ganting-pagsalakay ng baboy-ramo dulot ng kanyang basta-bastang pagsugod. Pero kahit naman na mamatay siya ngayon ay mabubuhay ulit siya sa «Starting City» malapit dito, pero ang pagpunta pabalik dito ay medyo nakakainis.

Mukhang isang pag-atake nalang ang natitira bago matapos ang laban.

Biniling ko ang aking ulo kasabay ng pagsangga gamit ang aking ispada sa kanang kamay sa pagsugod ng baboy ramo.

"Hmm, paano ko ba ipapaliwanag... Hindi siya isa, dalawa, tatlo, tapos hampas. Dapat para ka lang nag-iipon ng enerhiya tapos, sa oras na maramdaman mo na nag-umpisa na yung Skill, maririnig mo nalang ang BAM at mararamdaman mong tinamaan nga yung halimaw.

"Bam, eh?"

Nagbago ang medyo gwapong mukha ni Klein na parang naguguluhan, ipinantay niya ang kanyang ispada sa kanyang balakang.

Inhale, exhale; pagkatapos ng malalim na paghinga, ibinaba niya ang kanyang tindig at iniangat ang ispada na para bang ipapatong niya ito sa kanyang balikat. Sa oras ding yun, nakuha ng sistema ang tamang ayos at nagsimulang kuminang ng kulay kahel ang ispada niya.

"Ha!"

Kasabay ng mahina niyang sigaw, tumalon siya kasabay ng paggalaw na malayo sa ginagawa niya kanina.

*Swish-!* Sa ganyang tunog, gumuhit ng pulang linya ang ispada niya sa hangin. Ang «Reaver», isang panimulang kakayahan ng mga one-handed curved sword, ay tumama sa leeg ng baboy-ramo na pasugod na rin dapat at umubos sa natitira nitong HP, na halos kapareho kay Klein, mahigit kalahati pa.

"Guekk-" yan ang nakakaawang iyak ng baboy, kasabay ang pagkabasag ng katawan nito na parang salamin at ang kulay lilang mga numero ay lumabas, pinapakita kung gaano karaming virtual experience points ang nakuha ko.

“Ye~~a~~h!”

Nag-pose si Klein na may malaking ngiti kasabay ng pagtaas sa kaliwang kamay niya na para bang nanalo sa isang contest. Nakipag-apir ako sa kanya at ngumiti.

"Congrats sa unang panalo mo... pero ang baboy-ramo na yun-ay kasing lakas lang ng mga slimes sa ibang laro."

"Eh, talaga? Akala ko isa na yun sa mga semi-boss o yung iba pa"

"Malabo."

Medyo pilit ang ngiti ko sa kanya nang ibinalik ko ang aking ispada sa lalagyan.

Kahit na inaasar ko siya, naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.Dahil mas may experience ako sa kanya ng 2 buwan, ngayon niya lang nararamdaman ang saya ng pagtalo sa kalaban.

Nagsimulang ulit-ulitin ni Klein ang sword skill na ginamit niya kanina habang sumisigaw, siguro pinagsasanayan niya. Iniwan ko siyang mag-isa at tumingin sa paligid.

Ang walang-hanggang kapatagan ay nagbibigay magandang kulay pulang tanawin nang magsimula ng lumubog ang araw. Sa bandang hilaga, merong makakapal na gubat, kumikinang na ilog sa timog, at nakikita ko ang mga haligi na pumapaligid sa siyudad sa silangan. Sa kanluran, naroon ang walang-hanggang kalangitan na mayroong mga kulay gintong mga ulap na lumulutang.

Nasa kapatagan kami na nasa bandang kanluran ng «Starting City», na nakalagay sa dulong hilaga ng unang palapag ng napakalaking lumulutang na kastilyo—«Aincrad». Malamang, maraming manlalarong nakikipaglaban din sa mga halimaw sa paligid namin, pero dahil sa sobrang laki nito, wala kahit isa ang nakikita ko.

Sa wakas mukhang nakuntento na, nilagay na din ni Klein ang ispada sa lalagyan at tumingin din sa paligid.

"Pero totoo... kahit ilang beses akong tumingin sa paligid, di ako makapaniwala na ito talaga ang «loob ng laro»."

"Well, kahit naman na sabihin mong 'nasa loob', di naman ibig sabihin na pati kaluluwa natin ay nandito din o anu pa man. Ang utak lang natin ang nakakakita at nakakarinig sa halip na mga mata at tenga natin... mula sa mga signals ng «Nerve Gear» na nagpapadala," sinabi ko kasabay ng pagkibit-balikat.

Lumabi si Klein na parang isang bata.

"Maaaring sanay ka na dito ngayon, pero para sakin first time kong mag-«FullDive»! Di ba ang galing? Totoo... ang swerte ko dahil pinanganak ako sa ganitong panahon!"

"OA ka na."

Pero kasabay ng pagtawa ko, sang-ayon ako sa kanya.

«Nerve Gear».

Iyan ang pangalan ng hardware na nagpapatakbo sa VRMMORPG na ito-«Sword Art Online».

Ang panimulang ayos ng makinang ito ay ibang-iba sa mga nauna.

Kumpara sa mga makalumang hardware tulad ng flat screen monitors o hand-held controllers, Isa lang ang gamit ng Nerve Gear: isang mala-maskara na nagtatakip sa buong ulo at mukha.

Sa loob, merong napakaraming signal transceivers. Sa paggamit ng electronic signals na pinapadala ng mga transceivers na yon, naa-access nito ang utak ng tao. Hindi ginagamit ng manlalaro ang kanyang mata o tenga para makakita o makarinig, dumidiretso ang mga signals sa utak. At saka, hindi lang ang paningin at pandinig ang naa-access ng makina, pero pati: pandama, panlasa, at pang-amoy sa madaling salita, lahat ng limang pang-unawa.

Pagkatapos isuot ang Nerve Gear, ila-lock ang strap sa ibaba ng inyong baba, at pagsasabi ng pasimulang utos («Link Start»), lahat ng ingay ay mawawala at mapupunta ka sa kadiliman. Sa oras na dumaan ka sa kulay bahagharing bilog sa gitna, nasa ibang mundo ka na, na gawa halos lahat mula sa mga datos.

Kaya...

Kalahating taon ang nakararaan, ang makinang ito ( na nagsimulang ibenta noong Mayo, 2022) ay matagumpay na nakalikha ng isang «Virtual Reality». Ang kumpanya ng mga elektroniko na lumikha sa Nerve Gear ay tinawag na tulay patungo sa birtwal na riyalidad.

«FullDive».

Ito ang buong pag-iisa mula sa riyalidad, na umuukol sa salitang 'puno'.

Ang dahilan dito ay dahil sa ang Nerve Gear ay hindi lamang nagpapadala ng pekeng signal sa limang pang-unawa, hinaharangan din nito at iniiba ang daloy ng utos na pinapadala ng utak sa katawan.

Matatawag itong pangunahing pangangailangan para makagalaw ng malaya sa birtwal na riyalidad. Kapag ang katawan ay nakatanggap ng signal mula sa utak na ang gumagamit ay nasa Fulldive ang sandali na mapagpasyahan ng gumagamit na «tumakbo», ang totoong katawan ang tatakbo patungo sa pader.

Dahil ang Nerve Gear ay kayang baguhin ang utos na pinapadala ng utak mula sa gulugod, si Klein at ako ay kayang pagalawin ang karakter namin ng malaya at maiwasiwas ang ispada namin sa paligid.

Nasa loob na talaga kami ng laro.

Ang epekto ng ganitong karanasan ay pumukaw sa akin at sa maraming pang manlalarong katulad ko, na umabot sa puntong sigurado kaming di na kami babalik sa mga lumang controllers at motion sensors.

Nakatitig si Klein sa hangin na dumadaan sa kapatagan at sa haligi ng kastilyo mula sa malayo na may luha sa mga mata niya.

"Edi, SAO ang unang laro para sa Nerve Gear ang nalaro mo?" tanong ko.

Si Klein, na mukhang kalmadong gwapong mandirigma mula sa panahon ng Sengoku, ay lumingon sa akin at tumango.

"Oo."

Kung seryosong ekspresyon ang pinakita ng mukha niya, masasabi kong magiging isa siyang magaling na aktor sa isang makasaysayang palabas. Pero ang totoo, ibang iba ito sa totoong katawan niya sa totoong mundo. Karakter lamang yun na gawa mula sa wala, base sa pagpili sa listahan ng mga opsyon.

At syempre, mukha akong gwapong bida sa isang pantasyang palabas.

Tinuloy ni Klein mula sa kanyang mababang boses, na siguradong iba rin sa totoo niyang boses sa tunay na mundo.

"Well ang totoo nito, sinwerte lang ako na makabili ng hardware nitong SAO. Sampung libo lang daw ang unang ibebenta, kaya sa tingin ko sobrang swerte ko talaga.... At kung iisipin ko, sampung beses kang mas swerte sakin dahil napili ka para sa beta testing. Isang libo lang ang pinili nila!"

"Ah.. oo. Siguro."

Nanatiling nakatitig sa akin si Klein. Napakamot nalang ako ng ulo.

Naalala ko yung kasabikan nang ibalita ng mga mamamahayag na nalikha ang «Sword Art Online» na parang kahapon lang nangyari.

Nagawa ng Nerve Gear ang panghinaharap na pundasyon ng paglalaro dahil sa Fulldive. Gayunman, dahil sa pagbabago ng aktwal na makina, tanging mga hindi kapansin-pansin na titulo ang lumabas para sa importanteng software. Lahat yun ay puzzles, kaugnay sa edukasyon, o pangkapaligirang tipo ng laro; na nagdulot ng kasawaan mula sa mga adik sa laro tulad ko.

Nakakagawa talaga ng birtwal na riyalidad ang Nerve Gear.

Pero makakalakad ka lang ng 100 metro bago mo tamaan ang pader sa mundong yon, isa yung malaking pagtatanggi. Hindi talaga maiiwasan na ang mga hard core gamers katulad ko, ay nahigop na ng ganung karanasan ng pagiging nasa loob ng laro, at nagsimulang humanap ng ibang uri ng laro.

Naghihintay kami ng isang magandang laro, yung tipo na hahayaan na pumasok ang higit sa milyong manlalaro and umangat, makipaglaban, at mabuhay bilang isang karakter ng sarili nila-yun ang masasabing, isang MMORPG.

Nang ang antisipasyon at pananabik ay umabot na sa limitasyon, ay saktong inanunsyo ang pinakaunang VRMMORPG, «Sword Art Online». Ang entablado ng laro ay ang lumulutang na kastilyo na mayroong 100 palapag.

Nakatira ang mga manlalaro sa isang mundo na mayroong mga gubat at ilog, tanging ang ispada lang ang kanilang inaasahan para madiskubre ang ruta paakyat sa mas mataas na palapag, pumatay ng di mabilang na halimaw, at makagawa ng daan patungo sa pinakatuktok.

«Magic», itinuturing na pinakamagandang parte ng mga fantasy MMORPGs, ay hindi isinama sa sistema. Ang halos walang katapusang bilang ng mga kakahayan, tinatawag na «Sword Skills», ay nagawa. Kasama talaga sa plano na hayaan ang mga manlalaro na madama ang pakikipaglaban gamit ang kanilang katawan sa pamamagitan ng Fulldive hangga't maaari.

Iba-iba ang mga kakayahan, kasama na ang lumilikhang kakayahan (tulad ng pagpapanday, paggawa ng katad, at pananahi) at pang araw-araw na kakayahan (tulad ng pangingisda, pagluluto, at pagtugtog), na hinahayaan ang manlalaro na hindi lang maglakbay sa malaking laro kundi ang talagang «manirahan» dito. At kung gusto nila, o kung mataas na ang kanilang skill levels, maaari silang bumili ng bahay at mabuhay bilang pastol.

Habang ang mga impormasyon ay unti-unting masiwalat, ang kasigasigan ng manlalaro ay lumalaki.

Isang libong manlalaro lang ang pinili para sa beta testing. Sinasabing isang daang libo, halos kalahati ng mga bumili ng Nerve Gear ng panahong yun, ang nagboluntaryong maging tester. Swerte lang kaya ako napasama sa isang libong yun. Nagkaroon din ng bonus ang mga beta tester na maka-order agad ng laro.

Ang dalawang buwan ng beta testing ay parang isang panaginip. Sa eskwelahan walang katapusan kong iniisip ang aking skill set, mga gamit at mga bagay. Tumatakbo agad ako pauwi sa oras na matapos ang klase at maglaro hanggang madaling araw. Mabilis natapos ang beta test. Noong araw na ma-reset ang aking karakter, nakaramdam ako ng pagkawala ng aking ikalawang pagkatao.

At ngayon- Nobyembre 6, 2022, Linggo.

Ang «Sword Art Online», pagkatapos ng mahabang preparasyon, ay nagbukas na bandang ika-1 ng hapon.

At syempre, mahigit 30 minuto na akong naghihintay at nang sumapit ang ganap na ika-1 ng hapon ay wala ng pagdadalawang isip na ako'y nag-log-in. Nang tignan ko ang server, mahigit siyam na libo at limang daan na ang nakapasok. Mukhang lahat ng tao na sinwerteng makabili ng laro ay kapareho ng nararamdaman tulad ko. Lahat ng online shopping sites ay inanunsyong nabenta na lahat ng laro segundo pa lang ang nagdaan nang itinda yun. Sa offline sales, na nagsimula kahapon, ay nagbuo ng mahabang pila ng tao mula pa nung nakaraang apat na araw, na nagbigay ng magandang kita para sa tagapagbalita. Ibig sabihin, lahat ng tao na nakakuha ng kopya ng laro ay mga seryong adik sa laro.

Pinapakita rin ito ng mga kilos ni Klein.

Pagkatapos kong makapasok sa SAO, nagsimula akong tumakbo sa dati ko nang nakitang mga batong kalsada ng «Starting City», at dumiretso sa tindahan ng armas. Napagtantong isa akong beta tester ng nakita niya akong magsimula at tumakbo, sinundan ako ni Klein ng walang pag-aalinlangan. After I had logged onto SAO, I started running through the nostalgic stone paved roads of the

"Hey, turuan mo naman ako ng mga ibang bagay!" pagsusumamo niya.

Napaisip ako kung bakit ganun siya at nakuha pang mag-demand sa taong una niya palang nakita. Nawalan ako ng sasabihin, talagang nakakamangha.

"Ah, eh, sige... bakit di tayo pumunta sa tindahan ng armas?" sagot ko na parang isang NPC (Non Player Character). Nagtapos kami sa pagbuo ng party at sinimulan kong ituro sa kanya ang pangunahin sa pakikipaglaban. At yun ang nangyari kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Sa totoo lang, hindi ako gaanong nakikihalubilo sa ibang tao sa totoong buhay; sa laro, siguro medyo lang. Noong beta testing, nakakilala ako ng ilang tao, pero di ako nakikipaglapit sa kahit kanino na matatawag kong kaibigan.

Pero may pagkatao si Klein na magpapabago sayo, at hindi ko ito makita na hindi kumportable. Iniisip kong baka maging magkaibigan kami, binuka ko ang bibig ko.

"So.. ano nang gusto mong gawin? Gusto mo pa bang mangaso hanggang sa masanay ka?"

"Oo!.. ang gusto ko sanang sabihin, pero..."

Tumingin ang mga mata ni Klein sa bandang ibabang kanan ng paningin niya, tinitignan siguro ang oras.

"...well, kailangan kong lumabas at kumain. Um-order ako ng pizza para mamayang 5:30."

"Mabuti yun." sabi ko na nawalan ng iba pang sasabihin.

Tumayo ng tuwid si Klein.

"Yes!." sabi niya ng may pagmamayabang. "Nangako ako na makikipagkita sa iba kong kagrupo sa «Starting City» maya-maya. Pwede kitang ipakilala sa kanila at pwede ka nilang ilagay sa listahan ng mga kaibigan. Para mas madali tayong magkakausap. Ano sa tingin mo?"

"Err... hmmmm." naibulong ko.

Ayos lang kapag si Klein ang kasama ko, pero walang kasiguraduhan kung ganun pa din para sa mga kaibigan niya. Nararamdaman ko na malaki ang tsansa na hindi ako makabagay sa kanila at, ang kalalabasan, magiging ganun na din kay Klein.

"Kailangan ba...?"



Bumalik sa Kabanata 1 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 3