Difference between revisions of "Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 2"

From Baka-Tsuki
Jump to navigation Jump to search
m
m
Line 16: Line 16:
 
"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."
 
"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."
   
Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis na katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalang, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karekter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.
+
Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis na katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalang, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karakter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.
   
 
Nag-umpisang manginig ang mga binti niya..
 
Nag-umpisang manginig ang mga binti niya..

Revision as of 13:36, 24 August 2012

Status: Incomplete

!

Kabanata 2

"Ahh... ha... uwahh!!"

Ang espadang iwinawasiwas kasabay ng sigaw na iyon ay walang hinahati, kundi ang hangin.

Pagkatapos nun, ang asul na baboy-ramo (na gumagalaw ng mabilis sa kabila ng laki nito) ay mabangis na sumugod sa sumusugat dito. Napatawa ako ng malakas, habang pinapanuod siyang lumipad sa ere at gumulong sa burol ng tamaan ng patag na ilong ng baboy-ramo.

"Hahaha... hindi ganyan. Ang unang galaw ang mahalaga, Klein."

"Argh.. ang baboy na yan!"

Ang nagrereklamong manlalaro, isang party member(termino sa mga Online games=kasapi sa grupo) na tinatawag na Klein, ay tumayo at tumingin sa akin.

"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."

Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis na katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalang, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karakter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.

Nag-umpisang manginig ang mga binti niya..

"Parang nahihilo na siya."

Pumulot ako ng bato sa paanan ko at itinaas yun sa ibabaw ng aking braso. Sa sandali na makuha ng sistema ang unang galaw ng isang sword skill, ang bato ay magsisimulang maglabas ng berdeng ilaw.

Pagkatapus noon, ang kaliwang kamay ko ay halos gumalaw mag-isa na nagpalipad sa bato, habang gumuguhit ng isang diretsong linya ng ilaw, tinamaan ang baboy sa pagitan ng kanyang mga kilay. *Ggiik!* Napaungol ang baboy ramo sa galit at saka humarap sa akin.

"Talagang gumagalaw sila, hindi naman sila laruan lang. Pero kapag nasimulan mo ang unang galaw, ang sistema na ang kusang magpapagalaw sayo para matamaan ang inaasinta mo.

"Galaw... galaw..."

Habang binubulong yon na parang orasyon, itinaas ni Klein ang kutsilyo na nasa kanang kamay niya.

Bagaman ang asul na baboy-ramo, na ang totoong pangalan ay «Frenzy Boar», ay isang Level 1 na halimaw lamang. Halos kalahati na ang nabawas sa HP ni Klein mula sa mga ganting-pagsalakay ng baboy-ramo dulot ng kanyang basta-bastang pagsugod. Pero kahit naman na mamatay siya ngayon ay mabubuhay naman ulit siya sa «Starting City» malapit dito, pero ang pagpunta pabalik dito ay medyo nakakainis.

Mukhang isang pag-atake nalang ang natitira bago matapos ang laban.

Biniling ko ang aking ulo kasabay ng pagsangga gamit ang aking ispada sa kanang kamay sa pagsugod ng baboy ramo.

"Hmm, paano ko ba ipapaliwanag... Hindi siya isa, dalawa, tatlo, tapos hampas. Dapat para ka lang nag-iipon ng enerhiya tapos, sa oras na maramdaman mo na nag-umpisa na yung Skill, maririnig mo nalang ang BAM at mararamdaman mong tinamaan nga yung halimaw.

"Bam, eh?"

Nagbago ang medyo gwapong mukha ni Klein na parang naguguluhan, ipinantay niya ang kanyang ispada sa kanyang balakang.

Inhale, exhale; pagkatapos ng malalim na paghinga, ibinaba niya ang kanyang tindig at iniangat ang ispada na para bang ipapatong niya ito sa kanyang balikat. Sa oras ding yun, nakuha ng sistema ang tamang ayos at nagsimulang kuminang ng kulay kahel ang ispada niya.

"Ha!"

Kasabay ng mahina niyang sigaw, tumalon siya kasabay ng paggalaw na malayo sa ginagawa niya kanina.

*Swish-!* Sa ganyang tunog, gumuhit ng pulang linya ang ispada niya sa hangin. Ang «Reaver», isang panimulang kakayahan ng mga one-handed curved sword, ay tumama sa leeg ng baboy-ramo na pasugod na rin dapat at umubos sa natitira nitong HP, halos kapareho kay Klein na mahigit kalahati pa.

"Guekk-" yan nakakaawang iyak ng baboy, kasabay ang pagkabasag ng katawan nito na parang salamin at ang kulay lilang mga numero ay lumabas, pinapakita kung gaano karaming virtual experience points ang nakuha ko.

“Ye~~a~~h!”

Nag-pose si Klein na may malaking ngiti kasabay ng pagtaas sa kaliwang kamay niya napara bang nanalo sa isang contest. Nakipag-apir ako sa kanya at ngumiti.

"Congrats sa unang panalo mo... pero ang baboy-ramo na yun-ay kasing lakas lang ng mga slimes sa ibang laro."

"Eh, talaga? Akala ko isa na yun sa mga semi-boss o yung iba pa"

"Malabo."

Medyo pilit ang ngiti ko sa kanya nang ibinalik ko ang aking ispada sa lalagyan.

Kahit na inaasar ko siya, naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.Dahil mas may experience ako sa kanya ng 2 buwan, ngayon niya lang nararamdaman ang saya ng pagtalo sa kalaban.

Nagsimulang ulit-ulitin ni Klein ang sword skill na ginamit niya kanina habang sumisigaw, siguro pinagsasanayan niya. Iniwan ko siyang mag-isa at tumingin sa paligid.

Ang walang-hanggang kapatagan ay nagbibigay magandang kulay pulang tanawin nang magsimula ng lumubog ang araw. Sa bandang hilaga, merong makakapal na gubat, kumikinang na ilog sa timog, at nakikita ko ang mga haligi na pumapaligid sa siyudad sa silangan. Sa kanluran, naroon ang walang-hanggang kalangitan na mayroong mga kulay gintong mga ulap na lumulutang.

Nasa kapatagan kami na nasa bandang kanluran ng «Starting City», na nakalagay sa dulong hilaga ng unang palapag ng napakalaking lumulutang na kastilyo—«Aincrad». Malamang, maraming manlalarong nakikipaglaban din sa mga halimaw sa paligid namin, pero dahil sa sobrang laki nito, wala kahit isa ang nakikita ko.

Sa wakas mukhang nakuntento na, nilagay na din ni Klein ang ispada sa lalagyan at tumingin din sa paligid.

"Pero totoo... kahit ilang beses akong tumingin sa paligid, di ako makapaniwala na ito talaga ang «loob ng laro»."

"Well, kahit naman na sabihin mong 'nasa loob', di naman ibig sabihin na pati kaluluwa natin ay nandito din o anu pa man. Ang utak lang natin ang nakakakita at nakakarinig sa halip na mga mata at tenga natin... mula sa mga signals ng «Nerve Gear» na nagpapadala," sinabi ko kasabay ng pagkibit-balikat.

Lumabi si Klein na parang isang bata.

"Maaaring sanay ka na dito ngayon, pero para sakin first time kong mag-«FullDive»! Di ba ang galing? Totoo... ang swerte ko dahil pinanganak ako sa ganitong panahon!"

"OA ka na."

Pero kasabay ng pagtawa ko, sang-ayon ako sa kanya.

«Nerve Gear».

Iyan ang pangalan ng hardware na nagpapatakbo sa VRMMORPG na ito-«Sword Art Online».

Ang panimulang ayos ng makinang ito ay ibang-iba sa mga nauna.

Kumpara sa mga makalumang hardware tulad ng flat screen monitors o hand-held controllers, Isa lang ang gamit ng Nerve Gear: isang mala-maskara na nagtatakip sa buong ulo at mukha.

Sa loob, merong napakaraming signal transceivers. Sa paggamit ng electronic signals na pinapadala ng mga transceivers na yon, naa-access nito ang utak ng tao. Hindi ginagamit ng manlalaro ang kanyang mata o tenga para makakita o makarinig, dumidiretso ang mga signals sa utak. At saka, hindi lang ang paningin at pandinig ang naa-access ng makina, pero pati: pandama, panlasa, at pang-amoy sa madaling salita, lahat ng limang pang-unawa.

Pagkatapos isuot ang Nerve Gear, ila-lock ang strap sa ibaba ng inyong baba, and pagsasabi ng pasimulang utos («Link Start»), lahat ng ingay ay mawawala at mapupunta ka sa kadiliman. Sa oras na dumaan ka sa kulay bahagharing bilog sa gitna, nasa ibang mundo ka na, na gawa halos lahat mula sa mga datos.

Kaya...

Kalahating taon ang nakararaan, ang makinang ito ( na nagsimulang ibenta noong Mayo, 2022) ay matagumpay na nakalikha ng isang «Virtual Reality». Ang kumpanya ng mga elektroniko na lumikha sa Nerve Gear ay tinawag na tulay patungo sa birtwal na riyalidad.

«FullDive».

Ito ang buong pag-iisa mula sa riyalidad, na umuukol sa salitang 'puno'.






Bumalik sa Kabanata 1 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 3