Sword Art Online:Tomo 1 Kabanata 2

From Baka-Tsuki
Revision as of 08:46, 23 August 2012 by Rukito (talk | contribs)
Jump to navigation Jump to search

Status: Incomplete

!

Kabanata 2

"Ahh... ha... uwahh!!"

Ang espadang iwinawasiwas kasabay ng sigaw na iyon ay walang hinahati, kundi ang hangin.

Pagkatapos nun, ang asul na baboy-ramo (na gumagalaw ng mabilis sa kabila ng laki nito) ay mabangis na sumugod sa sumusugat dito. Napatawa ako ng malakas, habang pinapanuod siyang lumipad sa ere at gumulong sa burol ng tamaan ng patag na ilong ng baboy-ramo.

"Hahaha... hindi ganyan. Ang unang galaw ang mahalaga, Klein."

"Argh.. ang baboy na yan!"

Ang nagrereklamong manlalaro, isang 'party member'(termino sa mga Online games=kasapi sa grupo) na tinatawag na Klein, ay tumayo at tumingin sa akin.

"Pero Kirito, kahit sabihin mo yan... Wala akong magawa sa katotohanang gumagalaw siya."

Nakita ko ang lalaking ito, na mayroong nakataas na kulay pulang buhok na sinusoportahan ng bandana at may suot na simpleng balat na baluti sa kanyang manipis katawan, ilang oras pa lang ang nakararaan. Kung sinabi niya ang kanyang totoong pangalan, siguradong mahirap yon lagyan ng panggalan, pero ang pangalan niyang Klein at sa akin na Kirito ay parehong gawa-gawa lang para sa aming karekter. Ang paglalagay ng -san o -kun sa dulo ay magiging katawa-tawa sa aming pandinig.

Ang kanyang binti ay nag-umpisang manginig.

"Parang nahihilo na siya."

Pumulot ako ng bato sa paanan ko at itinaas yun sa ibabaw ng aking braso. Sa sandali na makuha ng sistema ang unang galaw ng isang 'sword skill', ang bato ay nagsimulang maglabas ng berdeng ilaw.

Pagkatapus noon, ang aking kaliwang kamay ay halos gumalas mag-isa at ang bato ay lumipad, habang gumuguhit ng isang diretsong linya ng ilaw at tinamaan ang baboy sa pagitan ng kanyang mga kilay. *Ggiik!* Napaungol ang baboy ramo sa galit at saka humarap sa akin.

"Talagang gumagalaw sila, hindi naman sila laruan lang. Pero kapag nasimulan mo ang unang galaw, ang sistema na ang kusang magpapagalaw sayo para matamaan ang inaasinta mo.

"Galaw... galaw..."

Habang binubulong yon na parang orasyon, itinaas ni Klein ang kutsilyo na nasa kanang kamay niya.

Bagaman ang asul na baboy-ramo, na ang totoong pangalan ay «Frenzy Boar», ay isang Level 1 na halimaw lamang. Halos kalahati na ang nabawas sa HP ni Klein mula sa mga ganting-pagsalakay ng baboy-ramo dulot ng kanyang basta-bastang pagsugod. Kahit naman na mamatay siya ngayon ay mabubuhay naman ulit siya sa «Starting City» malapit dito, pero ang pagpunta pabalik dito ay medyo nakakainis.





Bumalik sa Kabanata 1 Ugat na Pahina Pumunta sa Kabanata 3